The Past II

13 0 0
                                    

Ito na ata yung pinakaweirdo naming araw. Nandito siya sa bahay pati na rin sina Tito Lorenz at Tita Jean. Nagkukwentuhan sa may kusina ang mga magulang namin samantalang nasa may kama ako habang nagrereview sa Math at siya naman ay nasa sala lang at nanunuod.

Ang boring niya talaga. Ayst.

Hanggang sa tinawag na kami para kumain. Ang liit lang ng mesa namin. Hugis Pentagon. Nasa pinakadulo ako, katabi ng pader. Siya naman ay nasa gitna ng Mama at Papa niya. Katabi ko ang Mama niya.

"Uy Nak! Contestant ka raw sa Math ah?" sabi ng Mama niya.

Tumango lang ako. Ano sasabihin ko ? Ipagyabang ko na 'Oyeah.Matalino po kasi ako. Di gaya ng anak niyong mentally retarded.'

Hanggang sa matapos kami kumain ay wala lang kaming imik nitong si Panget.

Nung nasa kwarto na ako para magreview ulit. Aba naman! Tumabi saken sa kama. Queen Size yung bed kaya malaki para samin. At sinimulan niya akong panuorin na mag-aral.

Nakakairita. Di ako makapagconcentrate. Err.

"Diba dapat ganito to? tska eto? Mali ata." sabi niya bigla.

Pinandilatan ko naman siya. Ano bang alam niya sa inaaral ko?? To think na nasa 2nd Grading palang ng School year at nasa 4th Grading pa ata tong pinag-aaralan ko? Cover to Cover daw kase yung coverage ng Contest kaya advance ako.

"Anong alam mo dito?Eh halos last part na to ng libro? Pwede ba ? Lumayo ka nga. Nakakairita."

"Private school ako nag-aaral kaya nalesson na namin yan.Last school year pa." sabi niya.

Ay Oo nga naman pala. Sa sosyal na school to nag-aaral. Paki ko ba? Tsk.

"So?! Wag kang masyadong mayabang. Di bagay e. Retard."

Isa to sa mga bagay na ginagamit ko pagtrip ko siya ibully. Ako kasi Honor Student. Laging nasa Top 3. Last school year was my biggest downfall. Mula Top 2, nagTop 4 nalang ako kaya nga ginagawa ko talaga ang lahat e para mabawi yung rank ko.

Compared to him, he's not. Well, by his looks na anlaki ng salamin sasabihin mong he's a geek, genius, nerd. Pero para saakin, mentally retarded siya kaya ganyan ang itsura niya.

"Hays. Ang hirap mo talagang kausap. Mean." comment naman niya.

"Kaya nga e. Bakit mo ba ako kinakausap? Di naman kita kaibigan. Manahimik kana lang pwede? Bobo ka naman e kaya wag mo akong pakialaman."

"Gusto lang naman kita maging kaibigan e. Tska ano kasi .."

"Pwes! AYOKO. Lumayas kana kasi.."

"Pero Pain .. kasi ano .. ano kita e. "

"Ano ka ng Ano e wala naman akong pakialam. Lumayas kana!"

At umalis na nga po siya.

Maya-maya ay nagpaalam na sila na aalis. Nasa kwarto ako nun kaya ngumiti nalang ako kina Tita nung napadaan sila sa nakabukas na pinto ng kwarto namin.

Ilang buwan ang dumaan at hindi na ulit nangyari ang pagbisita na yun. Hindi ko na ulit siya nakita, maging sina Tita Jean na dati naman ay laging nasa bahay ay wala.

Hanggang sa nalaman ko nalang na umalis na nga sila.

My Hubby Monster Bestfriend Sungit LOVE(By Chance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon