After Wedding

14 0 0
                                    

I did my task. He did his.
And we part ways after that.

I never got the chance to talk to him after he said those words dahil sa pagdating ng kanina pa namin hinihintay.

Nagsikain na ang lahat at ng matapos ako ay nagpaalam na lalabas lang ng reception dahil masyadong maraming tao sa loob. Ayoko ng maraming tao kaya naisip kong magpahangin sa labas. Saktong paglabas ko ay nakita ko nanaman siya. Nakasandal sa isang motor na bajaj na nakaparada sa di kalayuan sa reception. He still bothers me with the way he talks to me a while ago as if kilala ako nito ng matagal na. Ng lumingon ito sa gawi ko ay agad akong nag-iwas ng tingin at pumunta sa tricycle na nakita ko at naupo sa likod ng driver's seat.

Ilang minuto ang lumipas na nakatunganga lang ako sa Ice Cream vendor sa tapat na may mga batang nakapalibot ng naramdaman kong umalog ang tricycle. And there I saw him sit on the back part. Nakaharap pa sakin.

Ano nanamang problema ng lalaking to? Masyadong papansin. Nakakainis na.

Naisip ko kasi kanina na baka gusto lang nitong magpapansin kaya kung anu-ano ang sinasabi at baka nagkakamali lang ng kinausap.

Well, by his looks kasi halatang hindi naman ito nakadoon. Halatang may kaya din. At hmm.. parang playboy? Masyado itong maputi, maporma at okay.. I have to admit na gwapo. Though hindi ito katangkaran, alam mong madaming babae ang nagkakagusto dito.

Hindi naman ito nagsasalita at pinabayaan nalang din nya kaya ng mabore ako ay nagpasyang pumasok nalang ulit.

At ang nakakainis? Sumunod ito.

My Hubby Monster Bestfriend Sungit LOVE(By Chance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon