The Past

14 0 0
                                    

Umiiyak nanaman siya.
Nakakainis.

Sino ba saming dalawa ang babae at siya tong ngumangawa dyan ? Ang pangit-pangit naman. Yuck.

"Tahan na Renz .. di naman yun sinasadya ni Pain e." sabi ng mama niya.

Ganyan naman lagi ang sinasabi ng mama niya pagnapapaiyak ko siya. Oo. Pinapaiyak ko yan. Bully ? Nah. Whatever. Ang pangit kasi niya.

*huk*huk*huk* -siya yan.

Bakit nga ba umiiyak ang pangit na yan?

Ayun pinukpok ko nung stick na ginagamit namin sa luto-lutuan. Epal kasi. Nakikisali, kakalaking tao e.

Tska AYOKO KO SIYA KALARO!

Fiance. Psh. Ki bata-bata ko pa e. Tska ayoko ng lalaking mukhang retarded. Duh!

So ayun nga. After ng iyakan na yun e nagpatuloy lang kami sa paglalaro. Kasama ko ang mga pinsan ko at may bago kaming kalaro .. si Marco. Pinsan ng pinsan ko sa motherside. He's a bully too. Sinira niya yung ginagawa naming cake the last time kaya asar na asar ako pero lately lang nagustuhan ko na rin siya. Ganun kasi dapat ang mga lalaki. Malakas. Sila yung dapat na nang-aapi hindi yung nagpapaapi. Hindi siya sumasali sa luto-lutuan namin kasi sabi niya pangbabae lang naman daw yun pero pwede siya sumali sa Kasal-kasalan at Bahay-bahayan namin. Pwede daw siyang Pari, Abay, o kaya siya yung Groom sa Kasal-kasalan o tatay o kuya ng bahay-bahayan.

Masaya kaming kalaro si Marco samantalang yung isa ay nasa may pintoan nanunuod samin ng tahimik. Di na din siya naiyak. Buti naman. Ang pangit-pangit niya na nga, mas pumapangit pa pag-umiiyak e.

Ganun lagi ang scenario sa may amin. Sa Compound ng pamilya ng nanay ko ako nakatira kaya mga pinsan ko ang lagi kong kalaro. Si Marco, siguro mga once or twice a week naman siya kung pumunta samin para makipaglaro. Bakasyon naman noon kaya hinahayaan lang kami ng mga magulang namin. Si Panget na Enzo, araw-araw pa din siyang napunta dito. Pero kung di yung mga pinsan kong lalaki ang kumakausap, yung mga maliliit na bata naman ang kasama. Wala kasi siyang kaedad dito na lalaki e. Puro babae kaming kaedad niya.

Madalas, nahuhuli ko siyang nanunuod lang samin sa may pintoan. Naiinggit siguro. Pero wala naman akong pakialam.

Hanggang sa nagpasukan na. Di na kami nakakapaglaro masyado. Focus na sa pag-aaral. Honor student pa naman ako. Si Marco, iba ang school niya samin. Sa private catholic school siya nag-aaral. Si Enzo ganun din. Pero sosyal yun! Sa syudad nag-aaral. Mayaman naman kasi kaya afford ng family niya na pag-aralin siya dun.

Hindi na kami madalas magkita-kita kaya nga nakapagtatakang andito tong isang to.

Sino ?

Edi yung pangit. Psh.

My Hubby Monster Bestfriend Sungit LOVE(By Chance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon