Is he?

11 0 0
                                    

"Wait Pain! Can I get your number?"

"Ano ? Pano mo nalaman ang pangalan ko?"

Nakakaloka naman tong lalaki na to. Unang-una hindi ko naman siya kilala tapos kakausapin ako bigla at magsasabi ng kung anu-ano tapos ngayon hinihingi number ko? Tsk. Ano bang akala niya sakin? Tanga? Obvious naman na flirt lang talaga ang lalaking to. Galing pa malamang ng Maynila kaya naghahanap ng malalandi habang nandito sa probinsya. Well sorry nalang.

"Number mo. Pahingi kako."
Sagot niya.

At aba! Antipatiko pa. Siya na nga nanghihingi,demanding pa!

"Ahm. Sorry. Pero wala akong cp e. Kay Mama yun." Sabi ko nalang.

Napansin ko kasi na kanina niya pa ako tinitignan habang nasa may table ako kasama ng mga pinsan ko at panay ang text.

"Weh?" Sabi niya na lang. Pagkatapos nun ay tinalikuran ko na siya.

Akala ko matatapos na dun yun pero nung lumabas ulit ako para sana bumili ng softdrinks ay sumunod nanaman siya.

"Sige na please. Pahingi ako ng number mo." Pangungulit niya pa.

Paulit-ulit naman yung explanation ko pero ayaw niya talagang maniwala hanggang makabalik kami ng venue at hiningi ni Mama sakin yung cellphone niya. Pagkabigay ko kay Mama ay hinarap ko siya sabay sabing "See? I told you. Hindi sakin yun."

But then, he just shrugged and left me,lumabas ng venue at ako naman ay nanatili sa loob at nanuod ng program.

After a while, nautusan naman akong bumili ng Pin sa tindahan. So lumabas ulit ako at ito na talaga ang pinakamalalang nangyari sa araw na to.

"Uyy! Uyy! Penge na kasi ng number mo.. Please .. Please. ."

Sigaw niya na parang sira sa kalsada. Habang ako naman ay hiyang-hiya kaya binilisan ko ang lakad ko para makalayo sakanya at kunyare ay hindi ko siya kilala at naririnig.

Natapos din ang program nun at bandang alas-singko ay pabalik na kami ng compound. Dun din muna tutuloy ang newly weds since hindi naman uso ang honeymoon abroad o kung saan man sa pamilya namin. We're not that reach you know. May kaya lang. Average families kumbaga.

Pagdating ko dun sa bahay ng bagong kasal ay nagpapatugtog ng DVD ang mga pinsan kong nauna ng bumalik kanina kaya nakijoin ako. Dala ko pala yung Flash Drive ko kaya yun na din ang isinalang namin at pinatugtog.

Sumasayaw na ako ng Gangnam Style nun ng mapansin kong may nakatingin sakin. Actually kanina pa talaga maraming nakatingin samin kasi nasa salas lang kami at may mga tao sa kusina at balcony na walang nagdidivide kaya kitang-kita kami pero isang lalaking nakablack shirt na ngayon na tribal ang nakatingin samin mula sa may balkonahe.

Yung lalaki kanina.

Ano namang ginagawa niya dito ?
Napatigil ako sa pagsasayaw ng nginitian niya ako. Actually, gwapo naman talaga siya. Average height? Kasing tangkad ko ata to. Pero may iba kasi sakanya na napapaisip ako kung sino nga ba siya?

Umiwas ako ng tingin at naupo nalang sa tabi after nun at pinanuod nalang sila habang masayang nagsasayawan.

Makalipas ang ilang minuto ay sinulyapan ko ulit siya sa dati niyang pwesto pero wala na siya.

At maya-maya ay pumasok si Mama sa may bahay kasama ang isang lalaking matangkad, maputi, chubby pero kahit alam mong may edad na ay may nahuhumaling paring babae. Alam kong kilala ko to e ..

Shit.



Si Tito Rex !

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 17, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Hubby Monster Bestfriend Sungit LOVE(By Chance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon