---
Nauubos na ang lakas ko pero parang hindi pa rin kami makaalis.
"DALAWA!"
Nakahabol na ako sa kanila at sabay sabay na kaming tumatakbo.
Umiiyak na sina Reinna at Danica. Kung pwede lang talagang gumising na pero hindi to panaginip.
"R-rain.." Sino yun?
"Pare wag kang lilingon!" sigaw ni Miggy.
Pero parang hinihila ng malakas na pwersa ang mata ko na lumingon..
"TATLO!" Malapit ng matapos ang bilang, kailangan na naming magmadali.
"Rain.." ahh stop it!
"APAT!" Malapit na kami sa street namin at natatanaw ko na ang mga ilaw.. Tanda na malapit ng mag umaga.
"Guys, bilisan na natin." sigaw ni Ricky.
Ilang hakbang na lang malapit na malapit na kami ng matumba si Danica kaya tumigil kami..
"D-Danica!" sabay sabay naming sigaw.
"G-guys!" kalabit samin ni Deo. Hindi na sya makapagsalita at namumutla!
Napatingin kami sa tinitignan nya..
Ano yun? Hindi.. Sino sya?
Dahan dahang humarap ito samin at...
WALA SYANG MUKHA!
Hindi ako makagalaw at hindi rin maalis ang tingin ko sa babaeng walang mukha. Ramdam kong hinihila nila ko pero ayaw sumama ng katawan ko.
"Rain wag kang tumingin sa kanya!" sigaw ni Reinna.
Natauhan ako ng kumaway ang babae at may malakas na hangin ang umihip at nasa bukana na kami ng daan papunta sa amin.
"Hay sa wakas!" humahangos na sabi ni Deo.
Halos manlumo at matumba ulit si Danica dahil sa pagod.
"Tara na.. Babalikan pa natin si Miles" mahinahon kong sabi.
"ANO?" sabay na tanong nina Ricky at Deo.
"Babalikan natin si Miles... At kailangan nating magplano" sagot ko.
Naglakad na kami at pumunta sa kubo, sa tambayan namin. Naabutan namin ang ilan sa tropa na hindi sumama at ang pinaka nagalit na si Maggi, kambal ni Miggy.
"Asan si Miles? tanong nya ng makaupo kami.
Walang sumagot.
"Rain. Alam kong nararamdaman mo na kanina pa pero di mo sila winarningan. Hindi nyo alam ang consequences ng pagtambay nyo doon!"
Hindi ko alam kung anong isasagot kaya nanahimik lang ako.
"Delikado tayo!"
"T-teka.. Panong delikado?" tanong ni Ricky.
Tumingin sa kanya si Maggi, si Maggi kasi talaga ang may pagka leader instinct saming magbabarkada at kung hindi mo sya kilala at nakakasama iisipin mong weird sya.
"Kaya hindi kami sumama nila Ruth at Ruther sa inyo ay dahil delikado sa Magdalena Street. At ngayon, tayo ang target nya kahit kayo lang ang pumunta dun ay damay pa rin ang tropa." seryosong sabi ni Maggi.
Halata naman na natatakot na ang ilan pero nanatili akong kalmado.
"Wala naman kaming ginawa dun ah? Naglakad lang naman kami." si Deo.
"Hindi yun ang punto dun Deo, kanina sumakit ang kaliwang mata ni Ruth, si Ruther naman parang binabalian at ako inaapoy ng lagnat.. Bigla rin akong nakarinig ng bulong!"
Automatic na napatingin ako kay Maggi.
"Anong bulong?" si Reinna.
"Sabi... Hindi dapat mangialam kundi ang buhay din ang kapalit nito. Marami man kayo, pero mas malakas ako."
Nangilabot ako sa sinabi nyang yun.
"Maaring may nagawa kayo na hindi nagustuhan ni... MAGDALENA!"
Wala naman akong maalalang ginawa namin ni Danica kaya tumingin ako kay Deo.
"Deo.. San kayo napunta nila Miggy?" tanong ko sa kanya.
"Sa mapunong lugar, actually pare bigla na lang kami nakarating dun." sagot ni Deo.
"Wala naman kayong ginawa na kahit ano?"
"Wala pre, di nga namin alam kung pano kami nakarating dun."
Naguguluhan akong tumingin kay Maggi.
"Wala kaming ginawa dun Maggi."
"Yun ang dapat nating alamin... pero walang babalik dun ng GABI!"
Matapos sabihin yun ni Maggi ay pinagplanuhan naman namin kung anong sasabihin sa mga magulang ni Miles.
Hindi pa rin ako makapaniwalang nangyayari ito.
Naalala ko ang sinabi ni Maggi kanina lang kaya hinigit ko sya at kinausap malayo sa tropa.
"Maggi, pano mo nalaman yung tungkol dun sa Magdalena?"
Bumuntong hininga muna sya bago sumagot.
"Ewan ko Rain, pero every night napapanaginipan ko sya at kinukwentuhan nya ko."
"Katulad ng?"
"Ng mga pinagdaanan nya sa buhay at kung panong naipangalan ang kalyeng yun sa kanya."
Hindi ako makareact. PANO?