2

5 0 0
                                    

**

Halos manlamig ako at ramdam ko na tumataas ang mga balahibo ko sa batok sensyales na may nangyayaring hindi maganda.

"Danica kumapit ka sa kamay ko at wag kang bibitaw." Sabi ko kay Danica at hinila na sya para tumakbo.

Malayo layo na ang nararating namin ng tumigil si Danica.

"Pagod na ko Rainel!" Napaupo pa sya dahil siguro sa pagod.

"Oh sige pero sandali lang ah? Kelangan na nating makauwi at magpatulong sa paghahanap kela Deo." sabi ko at tinabihan sya.

"R-RAIN.. DANICA!" Boses ni Deo yun ah?

"Deo?" sigaw ko at napatayo.

"Asan kayo?"

At nakita kong humahangos sa pagtakbo palapit samin sila Deo, Miggy at Reinna.

Asan sila Miles?

"San kayo galing?" tanong ko.

"P-pre di ka maniniwala. Mabuti pa umuwi muna tayo. Delikado!" sabi naman ni Miggy.

Bigla akong kinabahan!

"Eh sila Miles a-a-san?" tanong ni Danica.

"Nagkahiwa hiwalay kami Nica, hindi namin kinaya ang humahabol samin." Halos maiyak ng sabi ni Reina.

"UMUWI NA KAYO HABANG WALA PA SYA!"

----

 Sabay sabay kaming napalingon at hinanap kung sino ang nagsalita pero wala kaming makita.

Kahit sabihin pang lalaki ako eh nanginig pa rin ang buong kalamnan ko at para kong binuhusan ng malamig na yelo.

"P-pre tara na!" sigaw ni Deo.

"P-panu s-sila Miles?" tanong ni Reinna.

At napatigil sa pagtakbo si Deo..

"G-guys, s-si Ricky!" napatakbo naman kami sa puwesto nilang dalawa.

Halatang pagod na pagod sya sa pagtakbo..

"P-pare! M-may m-multo dito." sabi ni Ricky.

"W-wag k-ka n-namang m-magbiro n-ng g-ganyan" sigaw ni Danica.

"Mukha ba kong nagbibiro?"

Ewan pero hindi kasi ako naniniwala sa multo.. Pero mukhang hindi sya nagbibiro.

"Teka asan si Miles?" tanong ni Miggy.

"Hindi ko alam, huli ko syang nakita doon sa..
May puno" at tinuro nya ang nag iisang puno malapit sa daan.

Lalo akong nakaramdam ng pangingilabot ng makita ko ang...

Pugot na ulo?

"N-naki-ki-ta n-nyo ba y-yun?" nauutal kong sabi at tinuro ang nakikita ko.

Di sila makasagot at sabay sabay kaming napaatras dahil..

LUMALAPIT ITO!

 Halos mapasigaw ako ng lumipad ito papunta sa left side namin. Hindi kami makatingin..

Sana panaginip lang ito!

Pero lalo lang akong natakot ng magsalita ito.

"Anong ginagawa nyo dito sa ganitong oras ng gabi?"

Walang sumasagot sa amin, natatakot panigurado.

"Bibilang ako hanggang lima.. Umalis na kayo dito!"

Kung ako lang.. Gusto ko ng umalis pero pano si Miles? Anong sasabihin namin sa mga magulang nya?

Kahit natatakot ako ay naglakas ng loob akong magsalita..

"H-hindi p-pa p-po n-namin n-ki-k-kita a-ang k-kaibigan n-amin."

Nilapitan ako ng pugot na ulo at hinihipan ng hangin sa batok! Ang lamig!

Hinihila na nila ang kamay ko para tumakbo kaya tinignan ko sila..

"Pano si Miles?"

"Hindi natin sya mahahanap ngayon Pare! Magpatulong na tayo" sigaw ni Miggy.

Bakit parang ako na lang ang naiiwan? Ahhh!

"Napakatapang mo.. At palatandaan ang batok mo." sabi ng pugot na ulo kaya lalong tumindi ang panginginig na nararamdaman ko!

"ISA.."

Nagbibilang na sya, kelangan kong makahabol sa kanila! 

-MAGDALENA STREET-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon