4

5 0 0
                                    

Panong nakikipag communicate ang Magdalenang yun kay Maggi thru dreams? Ang alam ko kasi patay na ang Magdalena na yun matagal na panahon na.

"Maggi, hindi ka ba natatakot?"

"Natatakot pero I find it interesting.. Madami na rin ang naligaw sa kalyeng yun pero hindi na nakabalik." tumigil sya saglit at tumingin sakin.

"Kelangan nating iligtas si Miles.." Makahulugang sabi niya.

Tumango ako at niyakap sya. Kung nakinig sana kami sa kanya, walang mawawala at hindi mangyayari ito.

Lumapit na kami sa kanila at napagpasyahang umuwi muna.. Pagod at gutom na gutom na kami.

Hapong hapo na nahiga agad ako ng makauwi na.

Buti na lang hindi ako kinulit nila mommy.

Pumikit ako at..

Bigla kong nakita ang Babaeng walang MUKHA! At humihingi ng tulong..

Napabangon ako at biglang nagtaasan ang balahibo ko sa batok.

"Anong nangyayari?"

"Wag kang matakot, kailangan mong masanay."

Pakiramdam ko matatanggal ang mga buto ko sa katawan dahil sa tindi ng lamig na naramdaman ko...

"GAWIN NYO ANG DAPAT GAWIN!"  

Ilang minuto rin ang itinagal ng panlalamig na nararamdaman ko. At agad akong napatayo ng maramdaman ko ang sagad sagarang pagtayo ng mga balahibo ko sa batok maging sa likod ko.

Binuksan ko ang bintana sa kwarto ko at natanaw ko sila Maggi at Miggy..

Takot na takot ang itsura nila habang kausap ang..

PUGOT NA ULO!

Pano nila kami nasundan dito? At dahan dahan lumingon sakin at ngumiti

Nabasa ko ang pagbuka ng bibig nya...

"Nariyan ka lang pala"

Hindi ako makagalaw.

At halatang nagulat sila Maggi.

"Bakit ka pa bumangon?" sigaw ni Maggi.

Pagkasigaw nya nun ay agad syang natumba. Tinignan lang sya ng Pugot na ulo at bigla syang natumba. Kinakabahan na ko! Alas kuwatro na ng madaling araw at magsisilabasan na ang mga tao.

"Ano bang kailangan mo sa amin?" sa wakas nakapagsalita rin ako.

"KAILANGAN KO KAYO, SUMAMA KAYO SAKIN" nakangiti nyang sabi.

Pakiramdam ko matutumba ako dahil sa paraan ng pagsasalita nya.

"MAMAYANG GABI. BABALIK AKO, HANGGANG SA MULI."

at agad akong nakatulog..

Nagising ako na habol habol ang paghinga. Napakasama ng panaginip ko! Unti-unting nawawala ang mga kaibigan ko at ang unang nawala ay si Miles..

Which is nangyari na at ang susunod ay si Reinna. Napamulat ako ng ang huling kukunin nya ay AKO!

"Anak okay ka lang ba?" bungad ni Mommy na nakapasok na sa kwarto.

"O-opo" at tumayo na ko.

"Andyan sila Maggi sa baba" sabi ni mama habang kinukuha ang mga madudumi kong damit.

Saka ko lang naalala ang nangyari kanina..

"Una na ko sa baba mom." Hindi ko na inintay ang sagot ni Mommy at bumaba na ko ng tuluyan.

-MAGDALENA STREET-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon