5

8 0 0
                                    

 "Kambal sigurado ka ba dito?" tanong ni Miggy.

"Oo, kelangan nating malaman kung bakit nangyari yun kay Danica. Sobra na to!" may halong inis sa tono ng pananalita ni Maggi. Desido na sya!

Patuloy lang kami sa paglalakad.. Ng maramdaman ko na parang ang bilis namin nakarating at nagpa fast forward sa utak ko ang mga mangyayari. Dahilan para tumigil at makaramdam ng chills sa batok ko.

"K-kambal!" ayoko man ipahalata na natatakot na ko eh napakapit ako sa kanilang dalawa.

"N-nasa l-likod ba natin si Ruther at Reinna?" Alam kong nagtataka sila pero lumingon sila at nanlaki ang mata ni Miggy.

"Oo Rain, pano mo nalaman?"

Hapong hapo ako at napabitaw sa kanilang dalawa sabay hawak sa mga tuhod ko.

"Napanaginipan ko ito.. Kaya-- umuwi na tayo!" sabi ko sa pagitan ng paghinga.

"Guys! Intayin nyo kami." Sigaw ni Reinna.

Papaangat na ko ng ulo ko.. At biglang nawala si REINNA! Eto na nga bang sinasabi ko! Tumayo na ko ng ayos at lumapit sa gulat na gulat na si Ruther.

"R-RAIN! A-ANG MOMMY AT DADDY MO!"

 "Ano bang nangyayari?" tanong ni Ruther ng makalapit ako.

Pero napatulala ako ng makita ko rin ang mga magulang ng mga kaibigan ko. They're doing something at kasama ang MOMMY at DADDY ko!

"Naki-k-kita m-mo din ba Rain?" ngayon ko lang narinig na ganito magsalita si Maggi.

Nakikita namin sa hangin ang ginagawa ng mga magulang namin. It looks like may pinahihirapan sila at tuwang tuwa pa sila..

"K-kailangan na nating bumalik.."

"Pano si Reinna?" sabi ni Ruther.

Halos mawala na sa isip ko na wala na si Reinna.

Ugh! dapat kanina pa lang winarningan ko na sila.

"Kambal! Kayo na ang bumalik sa tambayan at sabihan nyo ang tropa. Isama nyo na si Ruther, hahanapin ko sila Miles at Reinna." pagkasabi ko nun ay naglakad na ko kahit di ko alam kung san ako unang maghahanap.

"Sigurado ka?" si Miggy

"Kung samahan na lang kita, silang dalawa na ang bumalik dun." sabi naman ni Maggi.

"Kaya ko na ito kelangan nyong kausapin sila Mommy at ang mga parents nyo. Tapusin na natin to!"

POSIBLENG MAY ALAM SILA DITO!  

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 17, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

-MAGDALENA STREET-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon