"Mia, truth or dare?"
"Hoy, wag niyo ako isali sa mga kababalaghan niyo, don't me."
"Sige na oh! Last day na ng school year eh!"
"Oo na! Magd-drama pa eh!"
"Eh ano na nga?"
"Truth, malamang,"
"Mahal mo pa rin ba si Kyle?"
"Ha? Anong klaseng tanong yan?"
"Hep! Ako ang nagtatanong dito diba!"
"Sa totoo lang, m-"
"Hi guys!" Bati ni Kyle, ang lakaking pinaguusapan namin.
"Ay Kyle! Perfect timing!"
"Ay, kasali ka ba?" Pasimple ko namang tanong sakaniya.
"Oo sana, kung okay lang." Hindi.
"Syempre naman!" Sabi ko.
"Oh, si Kyle na muna paunahin niyo, tutal bago naman siya diba," Pilit ko na ngiti kay Kiel.
"Oo nga, sige. Kyle, trot, or dur?" Tanong ni Kiel.
"Trot nalang, kotokot ka eh," Sabi ni Kyle tapos tumawa.
"Ba't mo nilayuan si Mia?"
"VOOM FANES MGA AMIGO." Sigaw ni Carlos.
"IHANDA NIYO NA ANG MGA BULAK, AY ANO," Sigaw ni Carlos ulit, "Ano bang tagalog ng tissue?" Bulong niya sa'kin. "OO SIGE BULAK NALANG." Sigaw niya uli.
Natawa kaming lahat, kasama na si Kyle.
"Ky, you going to answer the question or nah?" Chill na chill na tanong ni James.
"YUNG BULAK TEKA, KAILANGAN KO SA ILONG KO," Sigaw ulit ni Carlos, kaya natawa ulit kami.
"Ah, gusto niyo totoo? Yung totoong totoo?" Sabi ni Kyle, kaya kinabahan na ako.
Tumango nalang kaming lahat. "No hard feelings, Mia, ah." Nagpeace sign siya sa'kin, kaya nginitian ko nalang siya.
"Simpleng tanong, simpleng sagot– sinabi niya sa'kin na tigilan ko nang mahalin siya. Parang ang bato rin eh noh? Huling araw na natin, pero ayaw niya pa akong hayaan na mahalin siya. May problema kaya sa'kin? May sakit ba ako? Ba't ba ayaw mo sa'kin, Mia, ha? Ginusto lang naman kitang mahalin, ano bang mali dun? Ang bato mo pala talaga, tama nga sila, manhid ka. Minemessage kita lagi. Kapag wala ka, para akong tangang hanap ng hanap sa'yo. Tuwing nagrereply ka, tinitigil ko lahat ng ginagawa ko. Mia, alala mo ba yung nagbasketball kami? Nagreply ka sa'kin nun, pero hindi ko agad nabasa. Nung nagreply na ako, offline ka na ulit, kaya nga asar na asar ako sa sarili ko eh. Ba't pa ba kasi ako naglaro? Ba't di nalang kita hinintay?"
"Ky–"
"Hindi pa ako tapos. Eh yung oras na nagiinuman kami? Nagreply ka sa'kin, kaya umalis na agad ako. Iniwan ko yung alak na 400 pesos, kasi akala ko hihintayin mo ako. Kasi ang alam ko, mas importante ka pa."
"Kyl-"
"Hindi pa nga ako tapos diba. Naaalala mo pa ba yung mga oras na pinaiyak kita nung grade 5, grabe, sising sisi ako nun. Kasi sinaktan pala kita dati, ang tanga ko rin eh noh? Ano ba, Mia! Nahulog na ako sayo eh! Akala ko sasaluhin mo ako! Pero yun pala, itataboy mo lang din ako. Akala ko ba–"
"Kyle sabing tama na eh. Nasasaktan na si Mia." Tanggol sa'kin ni Kurt.
"Haha, nasasaktan ka pala?"
"Oh, pwede na ba? Gusto ko nang sagutin yung tanong sa'kin eh, okay lang?"
Inirapan niya ako. Wow.
"Ah, sige. So yung tanong na binigay sa'kin ay, mahal ko pa rin ba si Kyle? Answer to that, is simple, yes. Oo nga naman, ba't ako magpapakatanga sa isang tao na pinagpalit ako bigla para sa iba?"
"Masya–"
"Ako yung nagsasalita, diba? Tanga na kung tanga, pero hanggang ngayon, mahal na mahal ko pa rin yung gagong 'to. Pero bakit nga ba? Eh siya na nga 'tong sinaktan ako, mahal ko pa rin? Alam niyo naman kasi, siya yung tipo ng taong ipagtatanggol ka sa lahat. Siya yung tipo ng tao na mas pipiliin ka kaysa sa sarili, maeffort siya, at higit sa lahat, ipapakita niya sayo na mahal ka niya."
"Oo n–"
"Sa totoo lang, ang tagal tagal ko na siyang mahal eh. Kaso never niya akong tinanong, kaya hindi nagkaroon ng kami. Pinatawa niya ako, pinaiyak niya ako, pinangiti niya ako, lahat nalang, at dahil dun, natutunan kong mahalin din siya. Ang masakit lang naman, ay matapos mong sabihin sa'kin na mahal mo ako, makikita ko nalang na may iba ka na pala. Oo sige, sinabi ko sayong lumayo ka, pero sinabi ko yun kasi natakot ako. Natakot ako na iiwan mo rin ako. Pinilit ko sa sarili ko na hindi mo ako iiwan, na hindi mo ako sasaktan, kaya alam ko naman talaga. Kaya pagkatapos ng araw na yun, sasabihin ko na dapat sayo. Pero bigla ko nalang makikita na may iba ka nang sinasabihan na mahal mo siya, at may iba ka nang pinagkakaabalahan."
"Ang tang–"
"Sana kasi hinintay mo ako. Sana naghintay ka ng kahit saglit lang. Kasi inakala ko na hihintayin mo nga ako. Sinabi mo sa'kin na kapag umalis na ako, hindi ka na magmamahal ng iba. Ako naman tong si tanga na naniwala sa mga sinabi mo. Tanga na kung tanga, pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin magawa sa sarili ko na tigilan na tong katangahan sayo. Mahal pa rin kita eh, patawad kung umaasa pa rin ako na babalikan mo pa ako, kahit alam ko namang hindi. Kasi ba't mo ipagpapalit yung best friend mo sa isang taong hindi naintindihan yung halaga mo."
« naaasar ako ang drama peste »

BINABASA MO ANG
feelings better left unsaid
Randomwords i should have kept to myself but chose to publish.