ilang buwan na ang lumipas ah. ilang araw na hindi kita nakakausap, na hindi kita nakikitang lumalabas sa notifications ko, pero kahit ilang buwan o taon man ang lumipas– hinding hindi lilipas ang isang araw nang hindi ka nasa isip ko.
kilala mo pa ba ako? o sadyang kinalimutan mo na ako. sa totoo lang, hindi ko alam kung ba't ako nagkakaganito. kasi ako yung unang bumitaw. ako yung nagbitaw ng salitang "layuan mo ako." pero masisisi mo ba ako? binigyan mo ako ng rason para bitawan ka.
akala ko kasi lalaban ka. kasi dati, lumaban ka, kaya akala ko, ayaw mo akong mawala sa buhay mo. nakakatawa nga namang isipin, diba? akala ko importante ako sayo, akala ko magtatagal tayo, akala ko may pagasa pa tayo.
wala akong ibang magawa kundi mapaisip kung ba't bigla nalang tayong nawala. may nagawa ba akong di mo nagustuhan, o sadyang napagod at nagsawa ka lang sakin? oo nga, ikaw lagi yung unang nagttext, kahit parang wala akong gana, nandiyan ka pa rin. pero nang malaman ko kung bakit mo ginagawa yun, nawalan na ako ng pagasa– kasi naalala ko, nandito lang pala ako sayo pag wala kang magawa.
parang nakakamiss isipin eh, no? na dati, magpupuyat pa tayo para lang makausap ang isa't-isa. na dati, hindi matapos tapos mga usapan natin. na dati, halatang masaya pa tayo. pero biglang nagbago lahat yun eh, parang nawala lang lahat ng mga pinagdaanan natin sa isang iglap.
alam kong wala akong karapatan sabihin lahat ng ito, kasi kaibigan mo lang ako. kasi wala lang ako sayo. kasi walang tayo. kasi may halaga lang ako sayo tuwing wala kang ibang makausap. pero sabihin mo nga sakin, masisisi mo ba ako kung pinaakala mo sakin na may pagasa pa tayo?
ramdam mo ba yung sakit na naramdaman ko? siguro hindi diba? kasi ganun lang kadali sayo na umalis. na halos wala lang talaga ako sayo, na lahat ng mga usapan natin– wala lang lahat yun. yung mga oras na napangiti mo ako kahit ni mga kaibigan ko di magawa, nagawa mo. yung mga oras na ikaw lang pumasok sa isip ko, wala lang ba talaga lahat sayo yun?
ikaw palang yung kauna-unahang taong nagparamdam sakin nito. hindi ko nga alam kung bakit eh, kasi bakit pa sa isang taong alam kong wala akong pagasa? sa isang taong may gustong iba? sa isang taong akala ko na pinahalagahan ako, yun pala mabilis lang bitawan. sa dinami-dami ng nagustuhan at nagkagusto rin sakin, ikaw palang. ikaw palang yung ginusto ko talagang makausap, makasama, at makita sa bawat minutong magkalayo tayo. nakakairita nga eh, kasi sa dinami-dami ng tao, bat ikaw pa?
never pumasok sa isip ko na magkakahiwalay tayo. kasi ang alam ko, masyado kang importante sakin para pakawalan nalang bigla-bigla. at ang alam ko rin, i meant something to you. pucha, ang saklap isipin. na kung sino pa yung gustong gusto kong magtagal, siya pa yung nawala. sana malaman mo na kahit ilang beses tayong nagaway, ikaw pa rin. sana malaman mo na kahit napaka-green minded mo, ikaw pa rin. sana malaman mo na kahit bumitaw ka nalang ng walang palag, ikaw pa rin. sana malaman mo na kahit ilang beses na akong nasaktan, ikaw pa rin.
pucha, ano nga bang magagawa ko? kahit anong gawin ko, ikaw at ikaw pa rin. sana nga lang talaga nagtagal tayo, pero, ano nga ba ako sayo?
( sorry kung madrama mga prends, damhin niyo yung zaket. sa totoo lang wala akong experience sa pusuan eh, kaya ganyan nalang HAHAHAHA ge bye )
( nadidiri ako dito hayp yan, nsicksje ew )

BINABASA MO ANG
feelings better left unsaid
Randomwords i should have kept to myself but chose to publish.