Panglabing-walo.

1.6K 90 3
                                    

Panglabing-walo.

Totoo talaga na kapag sobrang saya mo kapalit noon sobrang lungkot.

Kahapon lang ang saya-saya ko dahil gusto ako ni Jeremy pero ngayon sobrang lungkot lang. Bumalik na si Kat at galit siya sa akin.

Sino bang hindi magagalit? I left her brother. Not just her brother but Louie too. Our friend. At kung iisipin hindi lang sila ang naiwan ko. Pati sila Rodmar at Mia.

Maybe unconsciously I really want to get myself out from there to get safe that's why I didn't try harder to go back. Pwede kong lakasan ang loob ko at labanan ang mga lefters pero mas pinili ko ang maligtas ang sarili ko. I know that's really selfishness in my part. But then again if their on my shoes that time. Mas pipiliin nilang umalis. But then again hindi naman sila duwag katulad ko. Kung ako ang Rona ngayon sa Rona ng mga oras na yun baka bumalik nga ako. I admit duwag talaga ako ng mga oras na yun kumpara ngayon na kaya ko ng lumaban. I can be the person in front kesa ang tao na pinoprotektahan sa likod.

Kung maibabalik ko lang. But Kat's right. I couldn't bring anything or anyone back.

"Let's go aalis na tayo." Britney said.

Aalis na kasi kami bago pa kami maabutan nila Angelina dito.

"Si Celine." Sabi ko.

"Nilibing na nila Jeremy kung saan daw nilibing yung Louie." Sagot ni Ariana.

Hindi ko alam na nilibing pala nila Jeremy ang sunog na katawan ni Louie. Ni hindi ko nga naalalang gawin yun.

Inakay na nila ako papunta sa sasakyan. Sasakay ulit kami nila Jeremy sa 4x4 minus Celine. At kasama lang ang magpinsang si Juris at Jonathan. Samantalang si Kat at Logan ay sa elf truck.

Nang umaandar na ang sasakyan paalis sa compound. Napatingin ako sa kabilang sasakyan. Nandoon si Kat sa likod nakaupo katabi si Logan na nakaakbay dito. Masaya ako na nakabalik sila kahit ganito ang nangyayari ngayon.

Napabuntong-hininga na lang ako.

"Its gonna be okay Ron." Sabi ni Jeremy.

"No its not."

"It is."

"Galit siya sa akin."

"It will soon fade. You guys are friends for a long time. Do you think her anger to you will take forever? No. More than anyone here, you're the one who knows her and you know she can never stay mad at you."

Jeremy's right. Si Kat kasi, siya yung tipo ng tao na ayaw ng may kagalitan. Hangga't kayang iayos aayusin niya yung hindi pagkakaintindihan. Ayaw niya ng may kaaway o kagalit ng ganoon katagal. Alam ko hindi man ngayon pero siguradong maiintindihan niya ako at mapapatawad.

Its gonna be okay soon.

Ilang oras na ang nakalipas nagdadrive pa rin kami. Hindi ko alam kung saan na kami ngayon pupunta.

Nang bumusina ang kabilang sasakyan napatingin ako doon.

"Dude we'll gonna go for a food run." Blake said loudly.

"Okay dude!" Sabi ni Jeremy.

Mayamaya nag park kami sa isang parking lot. Doon ko lang napansin ang paligid. Nakapark kami sa parking lot ng isang mall. Hindi ko alam kung nasaang lugar na kami. Anong mall kaya to? Sira na yung sign eh. Tapos sa paligid maraming establishment.

"Maiwan na kayo dito girls." Michael said.

Nagbabaan na sila at naghanda ng baril.

"One guy needs to stay." Blake said.

Left (Season 2): Returned.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon