Panglimampu.

1.9K 93 13
                                    

Panglimampu.

Nagising ako sa isang tahimik na paligid.

Nang libutin ko ang mata ko sa kinaroroonan ko bumungad ang isang di pamilyar na kwarto. Sira-sirang bintana at haligi ang tanging maayos ay ang kamang kinahihigaan ko na kulay puti pati ang punda ng mga unan.

Nakita kong nakaputing bestida na rin ako, iba sa suot ko sa naaalala ko.

Ang alam ko marungis ako dahil buong araw kaming pumatay ng mga lefters na sinugod ang tent city at hindi na ako nagpalit at natulog agad. Hanggang pag-gising marungis pa rin ako. Nagising pa nga ako noon dahil sa putukan na naririnig ko sa labas. At nang tingnan ko kung bakit may putukan dahil iyon sa mga estrangherong lalaki. Mga taga NY mga kasamahan ni Lyndon at muli magulo na naman ang tent city sa pagsugod nila. Nabaril pa nga ako!

Bigla akong natigilan sa naisip.

Nabaril ako.

"Oh no," Sabi ko pero parang bulong lang ang lumabas sa bibig ko. Nanunuyo ang lalamunan ko.

Bumangon ako mula sa pagkakahiga. Wala akong nararamdamang sakit. Dapat meron kasi nabaril ako. At sa likod iyon. Pero wala talaga.

Bakit wala akong maramdaman?

Tumayo ako at napatigil ng mapatingin sa pader na may basag na salamin. Nakita ko kasi ang sarili ko at muntik na ako mapasigaw.

Ang sarili ko na muntik ko ng katakutan. Mukha kasi akong white lady sa itsura ko. Nakalugay ang mahaba kong buhok, namumutla ang labi ko, medyo namumulang mata, siguro dahil sa pagtulog at nakaputi pa ako. Kaya parang white lady lang talaga.

Natigilan na naman ako sa naisip. White lady.

Hindi kaya patay na ako at naging white lady na?

Nabaril ako. At nagising sa hindi pamilyar na kwarto na hindi masakit ang katawan na dapat. At ngayon mukha akong multo. Baka nga patay na ako at white lady na.

Tapos itong kinaroroonan ko ay langit pero kaya ganito ang itsura ay dahil na zombie apocalypse din sila.

Lumakad ako palabas ng kwarto. Katahimikan ang sumalubong sa akin. Walang ibang tao. Dapat may sumalubong na sa akin dahil sa ingay ng pinto ng buksan ko pero wala. But then I realized why, I'm already dead. That's why I'm just the only one here.

Lumakad ako palabas at bumungad sa akin ang sobrang liwanag na labas. Napapikit pa ako. Hindi sanay ang mata sa sobrang liwanag. Unti-unti akong dumilat hanggang sa masanay. Sumalubong sa akin ang kulay asul na kalangitan na may makakapal na puting ulap. At ang pamilyar na kapaligiran.

"Compound," Usal ko.

Nakikita ko ang sunog na hilera ng mga bahay kung saan naiwan sila Louie at Jayjay. Ganun pa rin ang itsura nang huling punta namin ni Blake dito.

Pero bakit nasa compound ako? I thought this is heaven? But then how sure am I?

Baka naman this is the last level papuntang langit. To go to the place where all of your regrets is stored. And compound is that place for me. I've been regretting my decision since the day I left this place and the only family I had. This is where my regrets live and I have to face it in order for me to forgive myself and accept what happened before.

I can't help but to cry a lot. Just thinking of the people I've lost is too much to handle what more to the people I'm gonna left behind because of my lost added to the grief that they haven't recovered from Louie and Jayjay's lost.

Nagulat ako ng makita ko si Michael na nakatayo sa gitna na nakatingin sa bahay kung saan nasunog sila Louie. He's here!

I study his figure. Like me he's wearing white too. A white hospital robe to be exact.

Left (Season 2): Returned.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon