Panglabing-lima.

1.6K 88 10
                                    

Panglabing-lima.

"Who are you?" I asked.

Hindi nagsalita yung babae imbes ay humakbang paatras.

"Hey! Don't move!" Blake said. Napalingon ako dito nasa tabi ko na pala ito pati yung iba. Napansin din nila yung babae.

Tumigil sa pagatras yung babae. lumingon ito sa bahay na pinangalingan nito at binalik ang tingin sa amin.

"Ang ganda dude! Mukhang magkakaloveteam na ako." I can hear Michael talking behind me.

"Asa dude yung mga ganyan di ka tipo niyan." And that's Jeremy talking now.

"Kasi feeling mo ikaw? Dude di lahat ng babae sayo may gusto! Yung iba sa akin."

"Sige managinip ka lang habang gising Michael."

"Shut up!"

"Anong pangalan mo?" Alec asked.

"Tangina uunahan pa yata ako ng ungas na Alec na to!" Sabi ni Michael. Mayamaya lang nasa tapat ko na ito.

"Hi miss." Bati ni Michael sa babae habang paunti-unting lumalapit sa kinaroroonan nito. But the girl move in a defense stance. Ready ibato ang palakol na hawak nito kapag may ginawa si Michael na kung ano.

"Hindi ka namin sasaktan. We'll just ask you questions." Michael said habang palapit pa rin sa babae. Pero yung babae itinaas ng hanggang ulo yung palakol na parang ibabato kaya napatakbo si Michael pabalik sa likuran ko.

"Miss, bitawan mo yan. Promise wala kaming gagawing kahit ano sayo. Usap lang." Sabi ko. Pero mukhang hindi naniniwala sa akin yung babae. Kaya naman inabot ko yung hawak na baril ko sa katabi kong si Blake para hawakan niya. I need to do something. Maybe she'll believe me cause I'm a girl like her.

Naglakad ako paunti-unti sa babae. Nginitian ko pa nga kaso yung itsura nito di na maipinta. Halatang di pa rin naniniwala sa akin na wala kaming gagawing masama.

Siguro sa takot nito bigla itong napaluhod, nabitiwan nito ang palakol na hawak. Buti hindi siya natamaan.

Agad akong tumakbo palapit sa kanya para tulungan siya. Pero nagulat ako ng sumigaw ito na nakapagpatigil sa akin sa paglalakad.

"JUNATHAN!!!" Sigaw nito with her bisaya voice.

"What?! Is she serious?"

"Junathan parang ginataan ganern?"

"Bisaya ka man day?"

"Gandang babae pero yung boses wapak!"

Naririnig kong komento nila sa likuran ko pero hindi ko na pinakinggan kasi may lumabas pang lalaki mula sa bahay na pinangalingan nong babae. Agad itong tumakbo sa direksyon ng babae at tinulungan itong tumayo.

"Ano ka ba Juris may upuan sa loob diyan ka pa umupo." Sabi ni Junathan. Well siya ang lumabas ng tinawag ang pangalan na yun eh. So I therefore conclude that he's Junathan.

"May tau Junathan!" At doon lang kami napansin nong lalaki. Agad itong nagtaas ng kamay.

"Hindi kami lalaban." Sabi nito.

"Hindi rin naman kami lalaban. We're just asking her name." I said.

"Hindi ba kayo masama?"

"Hindi no! Sa gwapo kong to mukha ba kaming masama." Sagot ni Alec na nakapagpatingin talaga sa akin sa kanya. Like seriously? Kailangan ganun ang sagot.

Nagulat ako ng tumawa si Michael.

"Dude! Hindi tayo masama pero hindi rin tayo sinungaling! Wag ka ngang magsinungaling na gwapo ka."

Left (Season 2): Returned.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon