Pangdalawampu't-walo.

1.7K 91 1
                                    

Pangdalawampu't-walo.

Nagising ako sa katok sa pinto. Nang tingnan ko kung sinong pumasok, si Jeremy pala.

Pagkatapos niya sabihin yung nakakakilig na line niya kagabi. Pinakain muna at pinatulog niya na ulit ako. Doon ko nga lang din nalaman na hapon na pala. Mahaba yung itinulog ko. Sabi nila malamang pagod daw ako. Ganon din naman sila. Nakakapagod yung ginagawa namin. Araw-araw kaming bumibiyahe at hindi napipirmi sa isang lugar sa paghahanap ng sasakyan namin. Kaya sana talaga mahanap na namin iyon.

"Good morning Ron. Gising na aalis na tayo mayamaya." Jeremy said.

Tumango ako at binati siya ng good morning pabalik.

Hinarap niya naman si Logan at Kat na natutulog sa kabilang kama. Magkayakap pa ang mga ito. Dito kasi kaming natulog lahat.

Dalawa yung kama dito. Sa isang kama sila Logan, Kat at Blake. Kami naman nila Jeremy at Michael dito sa isa. Samantalang nasa sofa ng kwarto natulog si Alec para hindi mabanga ang sugat nito sa balikat.

Kapansin-pansin na wala na sila Michael, Alec at Blake sa pwesto nila. Mukhang maagang nagising at nasa baba na.

Nang magising yung dalawa nagayos lang kami saglit at bumaba na.

Naabutan namin sa sala ng bahay yung tatlo na kumakain na.

"Eat up guys. We're going now after ten minutes." Blake said.

"That's too fast Blake." Reklamo ni Logan na hindi pa yata gising ang kaluluwa. Papikit-pikit pa kasi ito.

"So we can drive around long. Just sleep on the van if you're still sleepy."

Kaya yun nga ang ginawa ni Logan natulog ulit ito. Mukhang puyat ito. Nasa likurang upuan ito ng van at natutulog. Si Blake ang nagdadrive at nasa passenger seat si Jeremy. Kami naman ni Alec ang nasa pangalawang upuan. Sa likod namin si Kat at Michael.

Dahil nalagasan na kami isang van na lang kami. Hindi na raw ginamit nila Blake yung SUV dahil kunti na lang kami after mawala ng mga kaibigan namin. At tyaka flat din daw yun. Okay nga eh sama-sama kami. Kaya naghanap sila ng van at yun na nga ang ginagamit namin ngayon. Yun van kasi namin tinangay na nila Lyndon.

Hindi ko alam kung nasaan na kami, puro bahay na yung nadadaanan namin at mangilan-ngilang establisyemento.

I was just looking outside the window when I saw a familiar car parked in front of a white house.

"Our car!" I shouted.

"Where?" Tanong agad ni Blake. He stopped the van. Tinuro ko naman kung saan ko nakita yung 4x4. It was on the left side of the road.

"Let's go! Damn time to get our car back." Blake said. He got his guns. Pati si Jeremy. Kaya inayos ko na rin ng hawak yung m16 rifle ko.

Nang bumaba sila bumaba na rin ako.

"Stay here Alec. Look for Logan." Blake said.

"What the fuck man!? I can do it! I'm not a fucking baby sitter!" Reklamo nito.

"You're wounded. Just rest."

"Man!" Apela nito.

"Alec just listen na lang please." I said.

"Fine whatever."

Humakbang na kami palapit sa 4x4.

"How are you sure that this is ours?" Tanong ni Michael.

"The plate number said it." I said.

"Ganon."

"Yeah. Try to look at the little details kasi."

Left (Season 2): Returned.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon