PrologueIt's sad when you realize you aren't as important to someone as you thought you were.
***
Minsan na akong nag tiwala. Nag tiwala ng buong puso...nag mahal ng walang humpay...at nasaktan ng sobra sobra.
Nag tiwala ako at umasa sa isang taong akala ko hindi ako iiwanan.
Taong mananatili sa tabi ko hanggang huli.
Taong maiiyakan ko kapag malungkot ako.
at higit sa lahat, taong mamahalin din ako.
Minahal ko sya, oo...minahal ko sya ng lubos, yung tipong kaya kong gawin ang lahat basta kasama ko lang sya...basta nasa tabi ko lang sya...
Pero baket? Baket nya ko iniwan?
Iniwan ako ng taong akala ko para sa'kin na...yung taong akala ko makakasama ko na habang buhay
Yung taong akala ko kaya akong ipag tanggol sa kahit na sinong umaway sa'ken.
Yung taong akala ko hindi ako kayang saktan.
At yung taong akala ko mahal din ako.
Napaka sakit kase sya yung unang taong minahal ko...unang taong nag paramdam sa'ken na importante ako. Ang sakit lang malaman na kaibigan lang daw ang turing nya sa'ken
Baket nya ko iniwan? Baket nya 'ko pinaniwala na mahal nya rin ako? Baket? Kaibigan...Kaibigan lang daw...kalokohan. Isang malaking kalokohan.
Pag-ibig...Sabi nila para raw itong magic. Hindi ba nila alam na ang magic minsan isang ilusyon lang?
Siguro nga ilusyon lang ang lahat. Ilusyon ko lang na mahal mo rin ako.
Siguro ngayon hindi ko alam. Hindi ko alam kung kaya ko pang mag mahal ulet. Pero panu nga kaya kung may bagong dumating?
Kaya ko pa bang mag mahal ng higit sa pagmamahal ko para sayo?
*
No one will ever understand how much it hurts. :'(
***
All Rights Reserved 2013 © GenericAngel