Chapter 2 - Let goSome of us think holding on makes us strong; but sometimes it is letting go.
***
"Bye friend! See you tomorrow." then she made a V shape using her fingers. I nodded and wave. Ang hilig talaga ni Jess mag peace-sign-pose.
Dismissal na pero ayoko pang umuwi. I walk around the campus. Konti na lang mga students kase hapon na rin at nag uumpisa na yung mga night shift ang klase. Nag punta lang ako sa favorite place ko dito. Dun rin ako tuwing lunch break mas gusto ko kase na ako yung nagluluto ng kakainin ko.
Sa likod, sa may malapit sa soccer field yung pinaka malaking puno. Sa ilalim nun ako madalas tumambay kung nasisita akong natutulog sa library.
Masama bang matulog sa library? Masarap kase malamig, tapos dun sa couch na malambot pa nakaupo, heaven! Kayo hindi ba kayo natutulog dun? Hindi naman masama pero bawal lang, teka may pinagkaiba ba yun? Basta masarap ang bawal. Psh. Minsan talaga kahit papaano nakakaaliw kausapin ang sarili. Tama ba? Parang baliw lang.
Inhale
Exhale
Sa kalalakad ko hindi ko namalayan na narito na pala ako. Favorite ko ang lugar na 'to dahil sa dami ng mga memories na ayokong kalimutan pero pag naaalala ko may kirot sa puso ko.
***Flashback***
Nakakainis naman! First day na first day late ako sa first subject, nakakahiya tuloy. Ang laki naman kase ng school na 'to eh. Malay ko ba kung saan yung building ng mga Architecture.
Lakad lang ako ng lakad hanggang sa napunta ako sa soccer field sa may bandang likod. At isa lang ang masasabi ko.
"Wow!"
Napaka lawak nung field para siyang pang international world cup sa laki, tapos may mga bleachers sa side, marami ring punong nakapaligid sa lugar na 'to na nagsisilbing mini forest. Siguro kung isa akong photographer pipiliin ko ang lugar na ito para mag shoot, maganda ang settings pag umaga at hapon. Yung tipong pasikat at palubog yung araw, naturally beautiful.
Wala namang mga naglalaro kase start pa lang ng taon at wala ring tao sa paligid kase class hours pa. Hmmm... ang sarap ng simoy ng hangin dito dahil na rin sa mga puno sa paligid. Pero kung tutungo ka sa field mararamdaman mo ang matinding sikat ng araw. Pero kung sa may mini forest ka pupunta hindi ka masyadong maaarawan dahil sa mga puno, Masaya sigurong mag star gazing dito tuwing gabi. Para kong nasa wonderland.
But someone caught my attention. I can't help but smile.
Tumakbo ako papunta sa pinaka malaking puno, hindi ko alam kung anong puno ito pero nag i-standout 'to sa lahat. Pag dating ko napahawak ako sa tuhod ko.
"Nandito *huh* ka *hah* lang" I heave out a sigh. "Nandito ka lang pala." I said smiling and fainting at the same time. Hindi niya parin ako pinapansin. Nakahiga parin siya at nakapikit. Tsk! Kaasar 'to, ang bingi.
Alam ko na. *evil smile* Lumuhod ako tapos piningot ko yung ilong niya.
Hihihi! Ayaw kaseng dumilat! Kainis siya, sabi nya itu-tour niya ko tapos hindi pala. Iniwan pa 'ko kaya ayan naligaw at nalate ako. Kasalanan niya! HMP!
"What the f*ck?!" He half yelled. Napaupo siya pero hindi nya parin ako tinitingnan. Hindi niya siguro alam na ako yun.
"Serves you right!" Inis na sabi ko.
"What do you think you're doing, b*tch?!" he said with anger.
I look at him in disbelief. Annoying jerk! Nakapikit parin talaga sya. Sleepy head! Tinalikuran ko na lang sya at nag start na mag libot mag isa na lang. At talagang nakalimutan nya yung pinag usapan namin. Sana manlang nag txt sya or tumawag para atleast alam ko na busy syang matulog. Kaya ko naman mag isang mag libot dito sa Campus na 'to.