Chapter 3 - Thoughts
The heart speaks a language of which the minds know nothing.
***
Nandito parin ako nakaupo sa swing, reminiscing.
Kahit saan yata ako pumunta ikaw yung naaalala ko. Those memories we had together, those times that we were so happy not worrying of everything... only the two of us. Aaminin ko kahit papaano umasa 'ko na sana pareho tayo ng nararamdaman para sa isa't isa.
Loving someone is easy. Making someone love you is hard.
Pero nakakatawa kase hindi ko kayang magalit sayo. Ito ba yung tinatawag na martyr? O masochist? If I am the masochist then you're the sadist.
"The beautiful journey of today can only begin when we learn to let go of yesterday." Pag e-interrupt sa pagre-reminisce ko.
Sa pag kakaalam ko ako lang ang tao dito not unless may multo? O jeez. I slowly look at the one who interrupt me.
Hindi pala multo mas malala pa. Isang psychotic na lalaki. Psh.
"Ikaw nanaman?" I burst out.
Anong ginagawa ng isang 'to rito. Para siyang mushroom, kung saan saan sumusulpot. May lahi siguro syang ninja, hindi mararamdaman na nandyan na pala, magugulat ka na lang.
"Alam mo nabasa ko lang yun kung saan. Then I realized that the phrase was right. You can't live life to the fullest if you're still stuck in yesterday. Worrying what might happen if you do this and that. Maraming what if's."
Eto nanaman siya. Nagsasalita ng kung ano ano, kala mo naman napakaraming nalalaman tungkol sa'kin. Nag mamarunong. But somewhat he has a point.
Umupo rin siya sa katabi kong swing. Gusto kong umalis na para hindi na niya ko magulo pero parang may part sa'kin na gustong pakinggan yung mga sinasabi at sasabihin niya. Ewan. Siguro dahil isa siyang psycho? Hmm.
"What are you trying to say?" Di ko maiwasang mag tanong. Eh sa nacu-curious ako.
"Walang mangyayare sayo kung mabubuhay ka sa nakaraan. Sa tingin mo ba may mag babago kung patuloy kang magkakaganyan?" I can sense the irritation in his tone.
"Magkakaganyan? Psh. Ano bang nalalaman mo tungkol sakin." Then I look at him.
"Sleeping in the library during free time, staying under the tree eating or reading novel books in lunch break or even in dismissal, those are you're routine every day." Then he looks at me in the eye and smirk. "And they say that you're kinda introvert and very distant in people, so plain. Not to mention all the things you've said a while ago."
"Stalker." I mumbled.
"Am I right?" Then he smile.
"Those are predictable. It's not like you can read my mind." I said the last sentence with sarcasm.
"Oh I can, actually." Then he smiled creepily.
Geez! What's with this guy? Nakakatakot siya in a way.
"Oh. What are you? Vampire? Edward Cullen, huh?" Again I said with sarcasm. Sana maasar siya. Amp. Bahala siya.
"Mas gwapo ko dun, may abs ako yun wala. I'm more like Jacob Black." Dream on!
"Funny."
"Bakit hindi ka tumatawa?"
"If this is your way of having a little chitchat then you should improve your social skills." I said annoyed.
"Napaka englishera mo pala. Hahaha!" He laughs hard.
Ano bang meron ang lalaking 'to? Ang weird. Mukhang takas sa mental, dapat dito binabalik eh. Para hindi nakakaperwisyo.