Chapter 1

364 13 2
                                    

Chapter 1 - There's No Easy Way Out

Loving someone deeply can make you crazy.

***

Meron talagang mga bagay na mahirap takasan.

Mga bagay na akala mo okay lang pero yung totoo hindi pala.

Mga bagay na akala mo permanente na, yun pala mawawala rin.

Isang bagay na natutunan ko sa mundong 'to. Lahat ng bagay may hangganan, hindi mo alam kung kelan matatapos, kung kelan mawawala at kung kelan aalis. Hindi mo namamalayan wala na pala. Hintay ka ng hintay hindi na pala darating.

Kahit anong mahal at ingat ang gawin mo magsasawa at magsasawa rin siya.

"Wag kang mag alala miss, iniisip ka rin ng iniisip mo."Nagulat na lang ako sa biglang nag salita.

"Sana nga."Tanging nasagot ko.

"Sa ganda mong 'yan, siguro naman head over heels sayo yung iniisip mo." He simply said.

"Hindi siya ganon. Hindi porque maganda, gusto na niya agad." Tama. Hindi siya ganun, alam ko yun.

"So I guess, hindi ka niya gusto?" Straight forward na sabi niya. Masakit man pakinggan pero totoo yung sinabi niya.

"Tama ba ko? Hindi lang naman siya ang lalaki sa mundong 'to eh. Bakit mo pa ipagsisiksikan yung sarili mo sa taong ayaw naman sayo?" Nakaupo na rin siya ngayon sa tabi ko.

"Siguro nga tama ka. Maraming ibang lalaki dyan, pero wala na 'kong ibang gusto kung hindi siya lang. Hindi ko rin alam kung bakit ako nagpapaka-tanga sa isang taong kahit kelan hindi kayang suklian yung pagmamahal ko." Hindi ko alam kung kaya ko pang tumingin sa iba gayung ikaw parin ang laman nitong puso ko.

"Bakit hindi mo sabihin kung ganyan mo pala siya kamahal?"

"Ginawa ko na yan. I told him everything, kahit wala pang kasiguraduhan. Ginawa ko. But it turns out na kaibigan slash kapatid lang yung turing niya sakin, no more no less. How pathetic, right?" Nakakatawang isiping umasa ako sa wala.

"Pero hindi ka rin naman mag a-assume kung wala siyang pinapakitang motibo, hindi ba?" Mariing sabi niya. Tama siya, hindi naman ako aasa kung hindi siya paasa. Pero

"Ewan ko ba. Hindi ko magawang sisihin ang taong yun."

"Tss. Alam mo ang swerte niya dahil minahal siya ng isang tangang gaya mo." Pagkatapos tumayo na siya at nag pagpag.

Swerte niya dahil minahal siya ng isang tangang gaya mo.

Minahal siya ng isang tangang gaya mo.

Isang tangang gaya mo.

Teka!

"Ano?!" Napatayo rin ako.

"Ang ibig kong sabihin bakit kailangan mong magpaka-tanga ng ganyan ng dahil lang sa isang taong walang kwenta na hindi alam kung sino ang dapat siniseryoso at minamahal." Then our eyes met. The way he looks at me, his eyes... are somewhat familiar.

Bakit nga ba? Yan rin ang tanong na hindi ko masagot sagot eh. Then I look down on my feet.

"I don't know." Hindi ko rin alam.

"Aish! People are the only one that makes life complicated. Kung tutuusin napaka dali lang naman ng buhay. Iniisip mo lang na komplikado kaya nangyayare, dahil kung anong sinasabi ng utak mo yun ang nararamdaman mo." He stated as if alam na alam niya lahat ng sinasabi niya.

Ganun nga ba yun? Pero kanina ko pa 'to napapansin eh, bakit ba siya nakikialam.

"Ano bang alam mo."

Trust, Love and BetrayalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon