♚ CHAPTER 7 ツ

2.7K 108 10
                                    

Mabilis ang mga pangyayari. Hindi namalayan ni Jared na nasa harap niya si Sevrus na naka ngisi.

"Goodbye," ani nito. "See you in hell." Nakaramdam ang binata ng hapdi at kirot ng tumusok at tumagos ang buntot ni Sevrus sa kanyang likuran.

Agad nawala ang kanyang katawan at napunta sa clinic upang gamutin.

2 vs 2

Nagkaroon ng malakas na hangin sa pagitan ni Brianna at Shirika. Ang mga water slicer ni Brianna ay unti unting naging yelo dahil sa mga talisman na hindi makita.

Naningkit ang mga mata ni Brianna. She's pissed off. "I'm bored, tapusin na natin 'to." Saad ni Brianna.

"Inconspicuous paper

Reveal who art thou."

Nagsiliparan pabalik ang mga talisman ni Shirika sakanya. Nanlilisik na tinignan si Brianna ngunit ilang sandali lang ay nagbago ito't ngumisi.

"Grotesquerie of another dimension,

Talisman of San Serif,

Expose yourself."

Kagaya ng majika ni Amara at Mirange, may lumabas na isang kakaibang nilalang mula sa talisman. Isang siren, kulay pula ang buntot, dilaw ang mata at mahaba ang itim na itim nitong buhok.

"Summoner." bulong ni Brianna.

Napangisi si Shirika dahil sa reaksyon ng dalaga. "I caught her, in another world." Naningkit ang mga mata ni Brianna dahil sa narinig.

"Celestine, do the moves." Kagaya ni Brianna, kayang maglabas ng tubig ng sirena out of nowhere. Kinumpas niya ang kanyang kamay at mabilis itong inatake si Brianna.

"That's my forte." inis na saad ni Brianna at mataas na tumalon upang iwasan ang atake ni Celestine.

Tinaas niya ang kanyang kamay at bigla nalang may nag appear na water shuriken na mabilis ang pag ikot. Pinukol niya ito kay Shirika ngunit maliksi ang galaw ng sirena at walang kahirap hirap na sinira ang water shuriken.

"Celestine, make her move." Itinapat niya kay Brianna ang kanang kamay at kinumpas nito pakanan. Kasabay nito ang pagsunod ng braso ni Brianna.

"Fuck..." inis na saad ni Brianna. Hindi niya maigalaw ang buong katawan. "Your body is made of fluid."

"I know. Bitch!"

"Celestine." Tinanguan ni Shirika ang grotesquerie. Biglang humaba ang mga kuko nito. "Kaya niya ding i alternate ang genes ng isang tao. She can do whatever she wants." Kasabay ng paghaba ng kuko ni Celestine ay ang paghaba din ng kuko ni Brianna.

Dahan dahang sinugatan ni Celestine ang kanyang pisngi, tumulo ang dugo sakanya ngunit parang bale wala lang ang mga ito. Ngunit para kay Brianna, ramdam na ramdam niya ang sakit.

"Fuck you."

xxxxxxxx

"Celestial mage, sa wakas," Ani Mirange. "Nagkaharap din tayo." Naglakad siya papalapit kay Amara na tila wala lang sakanya kung aatake ang dalaga.

"The powerful of them all, they say." Sarkastikong sabi pa nito.

"But I think you're not. You're just depending on the power of your gods." Nagsalubong ang kilay ni Amara dahil sa sinabi nito.

"Diba parehas lang tayo ng majika? Ang pinagkaiba nga lang, demonyo ang kaya mong tawagin." Napataas ang kilay ni Mirange at na off guard pero mabilis na nabawi.

"Yes, but I can do what you couldn't."

"Sevrus, Demon of illusion." Tawag ni Mirange. "Elliminate that guy." Utos nito't ilang sandali lang ay bigla na itong nawala.

"So..."

Kinuha ni Amara ang kanyang Thelete at ginawa iyong Pisces' gloves. Walang ka effot effort niyang sinuntok ang lupa at nasira ito.

Si Mirange naman ay walang kahirap hirap umilag sa mga nagliliparang bato.

Pinalitan nanaman ni Amara ang Thelete niya into Scorpio's Gunblade. Tinira niya si Mirange gamit ang mukhang energy bullet ngunit mabilis lang ulit inilagan iyon ni Mirange.

"Wala ka na bang mas igagaling pa dyan?" Ani ya. Nginisian lang siya ni Amara.

"Goddess of those seed,

Arise and help

Who is in need."

Unti unting nagbitak ang lupa at may lumabas na mga ugat. Ilang sandali lang ay may tatlong naglalakihang puno ang tila may sariling buhay.

"Lucifer, guardian of the den,

One of the archdemon of Raushinna,

Lemme borrow your body

And use it as my weapon."

Nagliwanag ng itim at pula ang buong katawan ni Mirange. Ilang sandali lang ay nagbago na ang kasuotan nito't nagkaroon ng kulay pula't itim na chinese traditional dress na may embroided na golden lining. Ang kanyang magandang mukha ay naging kulay puti at may bitak bitak. Nabalutan ng itim ang kanyang mga mata't ganun din ang kanyang mga labi.

Naglabas si Mirange ng kulay berdeng apoy. Hindi pa ito dumidikit sa mga punong nilikha ni Amara ngunit natupok na ito ng apoy.

"Lucifer's green inferno." Sagot ni Mirange sa nagtatanong na mukha ni Amara. Manghang-mangha ang dalaga sa labis na kapangyarihang ipinapakita ng kanyang kalaban.

"Hindi mo alam kung ano ang pinagdaanan ko para lang mapasunod si Lucifer." ani ya.

"Let's end this." Biglang nagkaroon ng katana si Mirange at umaapoy iyon ng berde. Agad namang hinanda ni Amara ang sarili't pinalitan ang kanyang Thelete into Taurus' blade.

"I know you're powerful enough, God Taurus." Bulong ni Amara.

xxxxxxxxx

Daing na ng daing si Brianna dahil napakarami na niyang sugat na natamo sa ginawa ni Celestine sakanya.

"Let's finish this, Celestine." Bumalik na sa dati ang kuko ng sirena. Inalis na niya sa control ang katawan ni Brianna kaya natumba ito dahil sa pagod na nararamdaman.

Tinapat ni Celestine ang kanyang kamay at bumulusok ang tubig papunta kay Brianna. Hindi na nailagan ni Brianna ang atake at binalot siya noon.

"Feel your own power, Brianna." Pang aasar ni Shirika. Nasa loob na siya ng tubig at pigil ang kanyang paghinga.

Onti nalang ang natitirang lakas ni Brianna kaya ginamit niya iyon upang gawing yelo ang sphere of water na gawa ni Celestine.

Nakita ni Amara ang nangyayari sa kaibigan kaya naman she enchanted a spell to give back her bestfriend's strength.

Para bang muling pinanganak ang dalaga sa muling pagkabuhay ng dugo nito.

xxxxxxx

Nagbanggaan ang mga patalim na hawak ng dalawa. Minsa'y natutunaw ang yelo sa espada ni Amara ngunit bumabalik ito sa dati.

Tinulak ni Mirange ang espada niya upang maghiwalay sila ni Amara. Tumalon siya patalikod upang dumistasya sa Prinsesa. Pinaglaruan at pina-ikot ikot niya ang espada na naggawa ng mas maraming green inferno.

Tinusok naman ni Amara ang Taurus' Blade sa sahig.

"Taurus the God of Ice,

Let this inferno freeze

I, Amara Sorceries,

Bridge from Olympus to Faireo,

Use my power beneath my norm body."

Unti unting naging yelo ang green inferno na nililikha ni Mirange. Lumikha ito ng ngisi sa mukha ni Mirange, imbis na magalit.

Sumabog ang yelo at muling lumabas ang malawak na apoy ni Mirange. Hindi namalayan ni Amara na nasa likod niya na si Sevrus. Tinusok nito ang buntot sa likod ng dalaga, kagaya ng ginawa niya kay Jared.

Nawala na si Amara't napunta sa clinic.

"Help that girl," saad niya sa demonyo. Wala pang isang minuto ay sumunod na si Shirika kay Amara.

"Your welcome."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 08, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Battle For CrownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon