AMARA's POV
Sabay kaming pumunta ni Brianna sa arena. Hindi ko inaasahan na makakalaban ko siya. Sigurado na pinaghiwalay nila kami kasi alam nilang magkaibigan at magka guild kami.
Nasa right side kami ng audience habang nasa kabilang side naman ang red team. Dalawang group lang kami and each group consist of three members.
"Again, good job because you survived the shits of each other inside the virtual reality. Before we formally start the tournament, let's congratulate the red team, Troke Geisler The Steampunk, Brianna Aela Alcetis, Chosen of the Water Bearer and the Demon Summoner, Mirange Hellixia." Malakas na nagpalakpakan ang mga eestudyante. Halatang excited sila sa magaganap na labanan.
Nagkrus ang aming tingin ni Mirange at bigla niya akong nginitian ng nakakaloko. As if she wants to end this tournament now -- I mean myself, she wants to end me.
"From the Blue team, Jared Quixite the Cosplayer, Shirika Sagirius the Origamis and last, The Celestial Princess, Amara Audrie Sorceries." Muling nagsipalakpakan ang mga estudyante at nasasabik ng magsimula ang laban. "Go Brianna! Go Amara!" Sigaw ni Nicholas na may hawak hawak ng banner. Gawa iyon sa yelo na tiyak kong si Hermes ang nag hulma.
Speaking of him, biglang bumaling ang tingin ko sakanya. Para bang binuhusan ako ng napakalamig na tubig ng mahuli ko siyang nakatingin sakin. Ngingitian ko sana siya kaso biglang naningkit ang mga mata niya kaya wala akong nagawa kundi ang iiwas ang ang tingin ko.
"So, here's the mechanics of the game," Saad naman ni Professor Jeric. "The last man standing will be the winner." Nararamdaman ko na ang tensyong bumabalot dito sa arena. Kinakabahan ako at the same time na e-excite dahil lahat ng pagsasanay ko sa kastilyo, pagbabasa ng mga spell ngayon ay magagamit ko na.
"On my cue," naglalakad si Prof Jeric palabas ng arena upang hindi madamay sa kaguluhang gagawin namin. Napatingin ako kay Jared, kahit na mukhang seryoso ang facial features niya, hindi maiiwasang mahalata ang kanyang pagka-kaba at pagkasabik sa mangyayari. Habang si Shirika naman ay kanina pa malalalim ang buntong hininga.
"It's ok, kaya natin 'to." Saad ko at nginitian silang dalawa. "Hindi ko alam kung ano ang kaya niyong gawin pero let's do out best and let's protect each other." Hindi na sila nakasagot pa dahil sinabi na ni Prof Jeric ang cue.
"Let the tournament begins!!!" Nagsigawan ang mga estudyante. Biglang nagbago ang mga kamay ni Troke at naging kulay black, red rusty gold na parang machine gun.
"Shit!" Singhal ko ng paulanan niya kami ng bala. Ang astig ng kaya niyang gawin pero hindi ako prepared. Magcha-chant na sapa ako ng spell para magsilbing harang namin pero biglang umilaw si Jared at ilang saglit lang ay iba na ang kanyang suot at nag expand siya ng pagkalaki laki. Halos ma amaze ako sa kaya niyang gawin. Kaya pala cosplayer ang pakilala ni Prof Jeric sapagkat kaya niyang gumaya ng anime at ang mga abilidad nito. At base sa kanyang kasuotan, sa sumbrero, pulang pang-itaas at tsinelas. Iisang character lang ang naiisip ko, si Luffy. Ang galing!
Sinalo niya lahat ng mga bala at ilang sandali lang bumalik ang mga ito sa grupo ni Brianna. Gumawa naman ng shield si Brianna gamit ang kanyang majika. Na stock lang ang mga bala sa loob ng tubig.
Nagbago nanaman ng character si Jared. He's now a gorgeous oozing shirtless guy. Dark Blue spiky hair at ang insignia ng fairy tail na nakatatak sa kanyang dibdib. Ginawa niyang yelo ang tubig ni Brianna at bago pa siya makagawa ng stalactites, mabilis na naka ilag ang tatlo.xxxxxx
Third Person's POV
Sumugod ang grupo ni Brianna kina Amara kaya naman naghanda ang tatlo para sa gagawin nilang depensa. May kinuhang libro si Shirika na nakatago sa kanyang damit. Compilation ito ng napakaraming talisman na may kakaibang encryption. Hinagis niya ito sa ere at nagkalat sa buong lugar at nagblend. Hindi alam ni Amara ang kayang gawin ng kanyang kagrupo pero may tiwala ito sakanya.

BINABASA MO ANG
Battle For Crown
Fantasi(CELESTIAL PRINCESS' BOOK 2) A new clan will come to rule the town. The Emperor will be back to take the crown . The lost will now be found.