TGWR 5

27 1 0
                                    

Chapter 5

Falling


"Mom! Papasok na po ako."

Lumingon naman si Mommy mula sa kusina at nakangiting lumapit sa akin

"Aba umaaga na ata ang pasok mo. Hindi kana nale-late!"

"Marami po kasing gagawin sa school kaya po inaagahan ko po yung gising ko. Sige mommy pasok na ako."

"Sige! Mag ingat ka!"

Kumaway ako kay Mommy at tuluyan nang lumabas ng gate. Napatingin ako sa orasan ko at napangiti ako dahil marami pa akong oras. Mas matitingnan ko ang ganda ng paligid dito sa Village namin, Palagi kasi akong nag mamadali kaya hindi ko na napapansin ang nasa paligid ko.

Huminga ako ng malalim at dinama ang sarap ng hangin, Bakit ba ngayon ko lang naisipan na pumasok ng maaga?

"Rena! Good Morning!"

Lumingon ako sa gilid ko at nakita ko si Brent na nakasakay sa sasakyan nya, mabagal ang pag papatakbo nito para bang sinasabayan nya ang pag lakad ko.

"Good morning!" sagot ko

"Sabay kana sa akin, ayokong napapagod ka."

Ngumiti naman ako at tumanggi.

"Sige na, Please? Ngayon na nga lang kita ulit maihahatid eh."

"Tsk, sige na nga! Pasalamat ka namiss kita!" sumakay ako sa sasakyan nya at nakita kong ngumiti sya

"Namiss mo ako?" tanong nya

"Syempre! Kaibigan kita eh kaya talagang namiss kita."

Ngumisi sya, "Kaibigan.."

Kinagat ko ang ibabang labi ko dahil sa tension na nararamdaman ko, Bakit kasi di ako nag iingat. Sana hindi nalang ako nag salita o kaya sana hindi nalang ako sumabay!

Mabuti nalang at malapit lang ang school mula sa amin.

"Brent dito nalang ako."

"Ipapark ko lang itong sasakyan and sabay na tayong pumasok."

Tumango ako at tumingin ulit sa bintana. Hanggang kailan kaya kami magiging ganitong ka-awkward. Dati-rati hindi naman kami ganito, Dati maingay kami rito sa loob ng sasakyan nya at nag aasaran pa kami. Hindi na ba maibabalik yun? Yung mga panahong iyon?

Ano nga bang nangyari?

Bumalik ako sa katinuan ko nang pag buksan nya ako ng pinto.

"Tara na."

Tumango ako at sabay kaming nag lakad papuntang classroom namin.

"Brent hindi na ba tayo babalik sa dati?" sabi ko habang nakatingin lang sa dinaraanan namin

Huminga sya ng malalim.

"Hindi na Rena, I can't resist my feelings for you anymore. Hindi ko na mapigilan."

"Natatakot ako Brent, Baka masaktan lang kita."

Hinawakan nya ang kamay ko kaya napatigil ako sa pag lalakad.

"Just let me love you, yun nalang ang hinihingi ko sayo. Tignan natin kung mag work, kung hindi edi hindi."

"Hindi ganun kadali iyon!" sabi ko

"I know, Pero wala eh, wala akong plano. Wala sa plano ko ang mahulog sayo."

Nakatitig lang ako sa mga mata nya, Naaawa ako sa mga matang iyan, dahil hindi ko sila kayang tignan kagaya nang pag tingin nila sa akin. Hindi ko kayang mahalin si Brent kagaya ng hinihingi nya. I'm so sorry.

"Rena?"

Napalingon ako.

Si Noah, Unti-unti syang lumapit sa akin at ngumiti.

"Let's go? Tuturuan mo pa ako sa assignment right?"

Agad naman akong tumango at lumingon ako kay Brent sandali.

"Sige, Brent mauna na ako. Salamat sa pag hatid."

Hinawakan ni Noah ang kamay ko at hindi sa malamang dahilan biglang nawala lahat ng bigat na nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay kaya kong harapin lahat ng problema ko ng dahil sa simpleng pag hawak ni Noah sa akin.

Marahan na akong hinila ni Noah papalayo kay Brent, mabuti nalang at dumating si Noah.

"Di ba mamayang uwian pa kita tuturuan?" sabi ko nang makalayo na kami

"It's just an excuse."

Kumunot ang noo ko.

Ngumisi naman sya at lalong hinigpitan nya ang hawak sa kamay ko

"I'm saving you."

Napangiti naman ako at tumingin sa kanya

"Thank you."

"You're welcome my lady." And suddenly he kissed my hand

Biglang lumakas ang pintig ng puso ko, Nagging mahirap rin sa akin ang pag hinga parang mawawalan ako ng hangin sa sistema ko. Uminit rin ang mukha ko, Umiwas ako sa kanya ng tingin para itago ang pag kapula ng mukha ko.

I know it's too early for me to feel this pero I think this is unstoppable.

I'm falling for this guy beside me. I'm falling for Noah.



To be continued.....






















The Girl With Regrets (Garcia Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon