Chapter 7
Rena Lopez
Sa gitna ng pamamasyal namin ni Noah ay nag text si Aldrei, Tinatanong niya kung saan ako nag punta.
'Rena asan ka?! Saan ka dinala ni Lopez?'
"Bakit? dito lang kami sa Shangri-la Plaza Mall."
'Hinahanap ka sa akin ni Brent! Tinext niya ako. Ano sasabihin ko?'
Re-replyan ko na sana si Aldrei kaso biglang namatay ang cellphone ko, Ano ba yan ngayon pa nalowbatt!
"Why?" sabi ni Noah
"Wala. Nalow batt lang yung phone ko." inilagay ko na ang cellphone ko sa bag ko
Tumango lang siya at ibinalik niya na ang atensyon nya sa mga shops
"This necklace suits you, What do you think? Gusto mo bilhan kita?" sabi niya habang tinitignan ang mga necklace na nakadisplay sa Tiffany & Co.
"Wag na! Tsaka ang mahal-mahal niyan oh! Tingin-tingin nalang tayo banda doon."
"Ayoko nga!" sabi niya at hinatak niya nanaman ako papasok sa Tiffany & Co.
Tumingin ako sa paligid at namangha ako sa ganda ng mga alahas na naka display rito. Siguro pang apat na taong baon ko na ang isang alahas rito. Sobrang ganda ngunit sobrang mahal rin o ako lang ang namamahalan?
Inilapit naman ako ni Noah sa kanya at hinawakan niya ang kamay ko.
"Good Afternoon! Can I help you?" sabi ng babaeng sales lady
Ngumiti naman si Noah sa babae.
"Kukunin ko na sana yung pinagawa ko na necklace?"
"Ano pong order name sir?" magalang na sabi nung babae
"Rena Garcia Lopez."
Nanlaki ang mata kong tumingin kay Noah, Ngumiti naman siya sa akin at kumindat. Rena Garcia Lopez, Bagay na bagay, napangiti tuloy ako ng wala sa oras. Sinong mag aakala na ang isang Noah Lopez pala ay ganito katindi kung mang lambing, Ibang klaseng mag mahal.
"C'mon." sabi niya at hinila niya ako papalapit sa may counter
Kinuha ni Noah ang kahon at ibinigay niya ito sa akin, Ang ganda ng kahon kulay asul iyon at pinalibutan ng puting laso.
"Open it."
Dahan-dahan kong hinaltak ang puting laso at binuksan ang kahon.
Halos masilaw ako sa mga kumikinang na diyamante na nasa necklace. Napakaganda nito, It's a plated name necklace at ang nakasulat rito ay "Rena Lopez" It's so perfect! Ngayon lang ako nag karoon ng ganito kagandang necklace.
Sa sobrang pag katulala ko ay hindi ko namalayan na kinuha nya na pala ang necklace at isinuot na ito sa akin, tsaka naman siya bumulong sa likod ko
"This is my simplest way of marking my territory baby."
Napasinghap ako ng halikan niya ang batok ko. Mabuti na nga lang at hindi iyon nakita nung babae.
Sa hindi malamang dahil biglang lumakas ang tibok ng puso ko, Why are you seducing me Noah?!
"N-Noah."
"Yes?"
"Noah wag kang ganyan." bulong ko sa kanya
BINABASA MO ANG
The Girl With Regrets (Garcia Series #2)
Romance"I may regret of betraying you but it's because I love you." Garcia Series #2: Rena Garcia