TGWR 9

14 1 0
                                    

Chapter 9

Fixed


Kinaumagahan nagising nalang ako na umaga na pala, sabi ni Noah ginigising niya raw ako kagabi para mag hapunan sa labas pero hindi raw ako magising sa sobrang sarap ng tulog ko. 

Kasalukuyan akong nag aayos na para pumasok, ayoko sana pero sabi sa akin ni Noah na sa oras na malaman ng mommy ko na hindi ako pumasok natitiyak niyang magagalit at papagalitan ako ni mommy. 

Kaya eto, sabay kaming pumasok ni Noah sa school, sasamahan niya rin ako mamaya sa hospital. Hindi raw siya aalis sa tabi ko hangga't maging okay ang lahat. 


Lutang ang isip kong pumasok sa classroom, pinilit kong iwan sa ospital lahat ng mga bumabagabag sa sistema ko. Sinikap kong maging masigla katulad ng dati pero mahirap pala, mahirap palang mag panggap. 

Umupo na ako sa upuan ko at medyo natuwa ako dahil pumasok na si Aldrei ngayon. Pansin kong para siyang pagod at kulang sa tulog. Nag kasakit kaya ito? Parang meron ring bumabagabag sa kanya o baka naman dala lang ito ng problema ko kaya nadadamay ko na rin ang ibang tao. 

"Aldrei, bakit ka absent? May problema ba?" 

Ngumiti siya nang matipid

"I'll tell you later." 

Tumango ako at inayos ko na ang mga gamit ko para sa unang klase. Mukhang hindi ata ako makakapag concentrate ngayon sa pag aaral, Ang mommy ko nasa ospital, ang matalik kong kaibigan may problema. Mukhang hindi ata maganda ang mga araw na ito para sa akin at sa  kaibigan ko. 

Pumasok na ang teacher namin at nag simula na rin siya mag turo.

Madaming siyang mga tinuturo at mga sinasabi pero wala akong maintindihan, nawala yata ang kaluluwa ko sa akin kaya eto nakatulala lang ako sa libro habang ang utak ko ay lumilipad kung saan. 

Wala talaga akong presence of mind ngayon, dapat talaga hindi nalang ako pumasok, kahit naman pumasok ako ngayon wala rin naman akong matututunan, wala rin naman papasok sa utak ko.

"What is the answer Miss Garcia?" 

Bumalik ako sa aking katinuan nang bigla akong tawagin ng teacher namin.

"Stand up Miss Garcia." 

Dahan-dahan ako tumayo, lahat ng mga mata nila ay nakatuon sa akin. 

Mukhang mapapahiya pa ako ngayong araw sa harap ng lahat!

"Ma'am what's the question po?" 

Pumikit ng mariin ang teacher namin at inulit nya ang tanong.

Uulitin din pala eh may pa pikit-pikit pang nalalaman.

"What is the Atomic number of Iodine?" 

Napakunot ang noo ko sa tanong niya. Patay ako nito, papaano ko naman kasi malalaman eh hindi ko kabisado ang buong periodic table?! Kahit isa nga wala akong alam dun! Lahat ng pinag aralan ko noong highschool ay iniwan ko sa dati kong school.

Agad ako nag isip, dahil wala akong maisagot manghuhula nalang ako. Pinag halo ko ang birthday ko at ang birthday ni Aldrei. Kahit mali ang sagot ko at least may naisagot. 

"53?" balik kong tanong sa teacher ko

Tinaasan niya ako ng kilay at pinaupo. Tama ba sagot ko? Wala man lang bang 'very good' or 'good job'? 

"Maswerte ka talagang bata ka." sabi ng teacher sa akin 

Lihim akong napangiti, Ang swerte ko nga! Akalain mo yun naitama ko pa yung tanong ni Maam. Ang galing ko talaga, Ang galing ko talagang manghula!

"Nice." bulong ni Aldrei

"Thank you." 




"Aldrei, bakit ka ba absent kahapon? Di ba ikukwento mo na." 

Recess na namin kaya nandito kaming dalawa ni Aldrei sa canteen, Si Noah naman pinatawag ng guidance counselor namin dahil may kulang pa raw sa requirements niya, Akala ko nga may ginawa siya masama eh. 

"Narinig ko kasi yung usapan ng mga magulang ko.." 

Tumango ako at kumagat sa burger ko

"Narinig ko na na-bankrupt ang negosyo namin, And they're going to use me para maibangon ulit ang negosyo namin."

"Ano naman ang gagawin nila sayo?" 

"Fixed marriage, ipapakasal nila ako sa taong hindi ko kilala, hindi ko mahal." 

A tear escaped from her eyes, makikita mo talaga sa kanya na ayaw na ayaw niya ang gagawin ng kanyang mga magulang sa kanya. Akala ko sa mga T.V. at wattpad lang ang fixed marriage, Yun pala nangyayari ito sa totoong buhay. 

"Hindi ko talaga alam ang gagawin ko Rena, Gusto kong matulungan ang parents ko pero gusto ko rin naman mag karoon ng pamilya na masasabi kong nabuo dahil sa pag mamahalan." sabi niya habang umiiyak sa harapan ko

Tumayo ako at tinabihan siya

"Ayoko nang ganito Rena, Never kong gugustuhin 'tong binabalak nila." 

Niyakap ko siya nang mahigpit, ramdam na ramdam ko ang bigat ng dindala niya. Bakit ba napakalupit ng buhay? Bakit hindi pwedeng palagi nalang tayong masaya? 

"Sorry Aldrei, Kung may itutulong lang talaga ako, Tutulungan kita." 

"It's okay, labas kana rito. Ayokong madamay ka rito." 

Parang kapatid ko na si Aldrei, Ang problema niya problema ko na rin kaya kung may maitutulong ako ay willing akong tumulong. Kahit ako rin hindi payag sa mga gusto nang magulang ni Aldrei. Di kaya nila naiisip ang kagustuhan at mga pangarap niya?

Bumitiw siya sa yakap at pinunasan niya ang kanyang mga luha.

"Ikaw kamusta ka? Balita ko bigla ka nalang daw umalis ng school sa kalagitnaan ng klase?" 

"Ah, Yun ba? Si mommy kasi, isinugod sa ospital kahapon." 

Umayos siya nang pag kakaupo

"Anong nangyari?" 

"May sakit sa puso si mommy."  

"Ohmygosh." mabilis niyang sabi na halos hindi ko na maintindihan

"Pero okay na siya ngayon, pero maraming bagay na ang mag babago." 

Tumango siya

"Good to know na okay na si Tita." 

Ngumiti ako tsaka ko siya tinapik sa balikat 

"Sana ikaw maging okay rin." 

Tipid siyang ngumiti at nag patuloy nalang sa pagkain. 



To be Continued...










The Girl With Regrets (Garcia Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon