Kaya's Point of View
"MJ, ang ganda mo grabe! Anong meron? Kadate mo na naman bf mo no?" sabi ko sa bestriend kong si MJ o MaryJane.
Alam kong tinatraydor ako ni MJ. Kasi yung kadate niya ay yung bf ko. Pero di ko na lang pinapansin yun. Ok lang..... ok lang...
It hurts..
"Ha? Ah eh... o-oo eh. *blush*"
Tss. Syempre nasasaktan ako. Tao pa rin naman ako no. Tsaka hindi talaga ako natutuwa para sa bestfriend ko... MARTYR nga ako eh.
Nga pala, 4th monthsary na nila to... so 4 months na nila ako tinatraydor.
"Monthsary niyo? Pakilala mo naman ako sa kanya!" hamon ko.
Sabihin mo na lang kasi MJ....
"Wag!! E-este... di pwede. Sa susunod na lang. G-gusto niya raw kasi na kaming dalawa lang ang magkikita kasi nga m-monthsary namin."
"A-ah. Ganun ba? S-sige. Sa susunod na lang."
Di mo pa rin ba sasabihin MaryJane?
*beep beep!!*
"Ah! Ayan na pala yung driver na pinadala niya. Sige ah. B-babye!" Wow. May pinapadala siyang driver? Eh samantalang sakin, kailangan ko pang magcommute.
"S-sige. Bye!"
"Wag kayo masyado maging cheesy ah!" sabi ko habang nakadungaw sa bintana nung asa may pinto na siya nung kotse.
"Sira! Hahaha. Bye! Lock mo yung pintuan pag 8 pm na!" sigaw niyang pabalik sakin.
"Opo nay! Haha." tapos umalis na siya.
Maya-maya umalis din akong bahay. Nilock ko yung backdoor at frontdoor.
Pagkalock ko nang pinto sa frontdoor, hinawakan ko yung handle ng shoulder bag ko saka ako sumakay ng dyip dahil malayo-layo ang pupuntahan ko na park.
Humiga ako sa may puno. Sinigurado kong walang langgam nandoon.
Tss... Nakakainggit naman yun. May lalaki kasing nakaupo sa swing tapos parang may pinapalit siya dun sa wallet tapos biglang may dumating na babae na tumatakbo.
Nakita ko siyang namula saka may sinabi yung lalaki. Parang di naman naatinag yung babae kaya nilagay na lang nung lalaki sa kamay nung babae yung wallet niya.
Tapos parang di namalayan nung babae na nakaalis na yung lalaki kasi lumaki mata niya eh. Haha. Nakita niya yung handkerchief nung lalaki kaya kinuha niya yun saka pumunta doon sa may nagtitinda ng ice cream.
"Haay.... Kelan kaya ako magkakaron ng lovelife na totoo?" unconsciously kong nasabi.
"Kung ako yung boyfriend mo."
"Ay pangit si Cinderella!"
"Ui. Di kaya panget si Cinderella. Ang ganda ganda kaya niya. Crush ko nga siya nung bata ako eh."
Eh? Sino ba 'to? Tumingala ako. Shi!!! Ba't kamukha niya si Ittoki ng Uta no Prince-sama Maji Love?!
Tsk. Ang hirap magpigil ng hormones. Gusto ko na siyang reypin!!!
"Sige lang. Basta libre mo akong Mcdo."
Eh?!! Narinig niya yun? Mind reader ba siya? Tsaka pumapayag siya??
No Kaya. Pigil lang. Kaya mo yan. Fighting!
"Pansin ko lang miss, parang ang emo mo ata. May nangyare ba?"
Wow. Close tayo kuya?
"Hulaan ko, hmm... siguro nagpapaka-martyr ka no?"Paano niya nalaman??
"Tama ako no? Mehehehe. Sabi na eh. Ang gwapo ko talaga!"
Eh? Anong connect?
"Wala siyang connect. Wireless eh. Mehehehe. Ay! Nga pala!" eh?? ?.?
"Yung bulsa ko nasaan? Ay. Asa pantalon ko nga lang pala. Hahahaha."
Da ep? (The eff?) Sayang kagwapuhan nito. Wala lang sense kausap.
Aalis na sana ako nang bigla niyang hatakin ang pulso ko.
"Babaeng emo! Saan ka pupunta?"
Aalis na. Duh. Obvious ba?
Nakatalikod pa rin ako sa kanya.
"Ah. Aalis ka na pala. Samahan mo ako."
Eh?! Paano kita masasamahan kung aalis na nga ako?! Gulo nitong taong 'to ah.
"Miss! Dali na~ Samahan mo na ako~"
Instead na humarap ako sa kanya at sigawan siya. Tinanggal ko na lang ang pagkakahawak ng kamay niya sa pulso ko.
"Babaeng emo!! Teka lang!! Sasamahan na lang pala kita!!"
Tumigil ako. Humarap ako sa kanya.
"Pwede ba?! Tumahimik ka na lang at bumalik ka na sa pinanggalingan mo?! Ha?! BATANG PASLIT? HA? TSS."
Oh nose......
Waahh!! What have I done?! Bat ako nagsalita sa stranger-na-magulong-kausap-na-kamukha-ni-Ittoki?! Shi naman!!
Tumalikod na lang ako at dali-daling umalis papalayo sa park.
Magulong kausap's Point of View
Sa wakas. Nagsalita na rin siya...
****
A/N: Wahh!! Yatta ne! Tapos na rin. ^O^
Ne readers, hindi ko first time gawin to kaya don't ya worry! I'm sure magiging ok naman ang kalalabasan nito. (ata XD)
Mehehe. Basta enjoy na lang kayoo!!! Di na ako mag-aauthor's note sa lahat ng ibang chapter ng storyang to. Except sa ending. :D (oh, saya nyo no? djke. XD haha)
ENJOY READING AND PLEASE GIVE YOUR COMMENTS & OPINIONS!! ^___^d
Arigatou gozaimasu. ( _ _ ) *bow* (^O^)/
BINABASA MO ANG
Accident
Teen Fiction"I'm sorry but... this is just an accident." He turned his back to me and he was slowly losing from my sight.. "But.. I love you.." Then I cried my heart out.. "Yeah, right. This is just.. an accident..." Then everything went black.