Kaya's/Athena's Point of View
Nandito na naman ako sa park.. Ewan ko ba, parang dinadala na lang ako lagi ng paa ko dito tuwing umaga. Parang kasama na sa daily routine ko.
"ATEE!!"
"Ay Budoy ako!" Napatayo ako sa gulat nung narinig kong may sumigaw.
Lumingon ako, si Blue lang pala. Pansin ko lang ah, 'tong taong 'to, laging nanggugulat.-.-
"Ate Tin-tin naman! Andito ka na naman! Haaysss..... Ate, hindi ito ang dining room para kumain ka ng breakfast mo!"
"Wala ka nang pake dun totoy. Tss. Tsaka... may tinga ka pa nga pala. Hindi man lang nagtoothbrush! Nako... Tsk tsk."
"Ha?!! Nagtoothbrush kaya ako! 10 minutes nga ako nagtoothbrush eh! Teka nga! Ate, baka niloloko mo lang ako ah!" sabi niya habang hinahalungkat niya ang mga gamit niya sa bag. Hinahanap ata cp para makita.
"Hindi ah!" Pero bago pa niya makuha yung cp niya, nakaalis na ako... pfft..
Maya-maya...
"ATE TALAGA!! NILOLOKO MO AKOOO!!" sigaw niya pero nakalayo na ako sa kanya.
"Bwahahahahahaha! Uto-uto kasi!! Mwahahahaha!" Tawa ko habang may tinapay akong hawak-hawak at habang tumatakbo ako pabalik ng bahay.
*
"Waahh!! Si Tin-tin bumalik na! Kyaahh!!!"
Oh nose... fans, fans.....
FANS EVERYWHERE!!!! TAKBO KAYA/ATHENA!!!!
Hingal na hingal ako nung makarating na ako sa pintuan ng classroom ko.
Pero wow ha. Halos 3 years na akong nakaalis sa school na ito pero kilala pa rin nila ako? Mygosh.
Nagsisisi na ako na sumali pa ako ng banda dito sa school.
Pumasok na ako nang classroom.
Lahat napatingin sa akin.
After 5 seconds....
"KYAAHH!! TIN-TIN!!"
"ATHENA??! GOD... BUMALIK KA!"
"WE MISSED YOU ATHENA!!!!"
Well.... hindi pala lahat. Yung mga old students slash old classmates ko lang.
"Walang nagbago sa inyo ah. Maingay pa rin. Haha." sabi ko na lang sa kanila.
Tuluyan na akong pumasok ng classroom. Ang daming umaalok sa akin na sa tabi nila ako umupo. Pero ngumiti lang ako sa kanila at pinili yung nasa dulo at katabi ng bintana.
Pagkaupo ko tinignan ko yung nasa kanan ko....
Lalaki, nakahood, at naka-ubob yung ulo sa desk niya.
Ang mysterious naman ng dating niya. Wag ko na nga lang pansinin.
Kaya yung nasa harap ko na lang yung dinaldal ko ng dinaldal.
"Ui, ui. My dear classmates!!! Please listen!" Lingon kaming lahat sa sumigaw. Si Kristel pala..
"Wala si First Period Ma'am at Second Period Ma'am!!!"
Tinginan kaming lahat ng mga kaklase ko....
*after 5 seconds*
"MAY 2 AND A HALF HOUR PA TAYO!!!" sabay-sabay nilang sabi.
Pinagpraktisan ba nila yun? Haha.
'Tas kanda-kanda gulo na sa classroom. Haha. Kahit maingay sila, ang sarap pa rin nila panoorin.
BINABASA MO ANG
Accident
Teen Fiction"I'm sorry but... this is just an accident." He turned his back to me and he was slowly losing from my sight.. "But.. I love you.." Then I cried my heart out.. "Yeah, right. This is just.. an accident..." Then everything went black.