Chapter 3

103 3 4
                                    

Kaya's Point of View

All I could hear was the clanging of the utensils. We were currently eating breakfast and as usual, my parents aren't hear. Just my li'l brother, the maids and me, of course.

Nung matapos na kami kumain, niligpit na ng mga katulong yung pinagkainan namain, tapos biglang lumapit sa akin si Blue.

"Ate, I have an idea para mawala yang simangot mo sa mukha. Dali ate! Taas ka na at magbihis ka na!"

"E-Eh??? Bakit? Saan naman tayo pupunta aber?" sabi ko habang tinutulak-tulak niya ako pataas ng hagdanan.

"Basta~ secret na yun! Pero, I'm 110 percent sure that you'll have fun there!"

"Aish! Fine, fine! Tataas na... so.. di mo na ako kailangan tulakin. OK?"

"Ay. Hehe. Aye Sir!" ngek. Feeling Happy lang ng Fairy Tail? (anime)

*

Nakataas na nga ako at nakabihis na't lahat-lahat... Ba't wala pa rin kapatid ko?

Asan na ba yun nagpunta?? Aish.

"Boo!"

"Ay kokey ka!" hinampas ko siya.

"Anong trip mo at nanggugulat ka? Ha?"

"Mehehehe." Wow. Gandang sagot. Grabe! (insert sarcasm here)

"Halika na nga lang Ate Tin-tin." tapos hinila niya ako.

Lumabas na kami ng bahay.. pero nagtaka ako nung nalaman kong hindi kami magkokotse.

"Eh? Malapit lang ba yung pupuntahan natin at di na natin kailangan magkotse?"

"Hmm.. hindi... I mean, oo. Ewan." tapos nagshrug siya.

Watthahill?

"Naintindihan ko nga. Oo... Grabe. TSS."

After siguro ng mga 6 minutes ng paglalakad, andito na kami sa destinasyon namin.

T-teka..... B-bakit d-dito kami p-pumunta?

"B-blue! A-alis na t-tayo... A-ayoko d-dito.." Nanginginig kong sabi.

"Kaya nga ate dinala kita dito eh... Kasi gusto ko ipaalala sayo yung magagandang alaala na meron ka na nangyari dito."

Bigla kong naalala yung mga magagandang alaala na nangyari sa akin dito.

"I guess... going here was not so bad after all...." nasabi ko na lang.

Dito nangyari yung pagkokompranta ko kina M-MJ at sa boyfriend kong si E-eric.

Pero dito rin nangyari yung time na nakausap-- (more like nasigawan) ko yung isang stranger na dapat hindi ko ginawa.

At hanggang ngayon... nag-aalala pa rin ako baka makita ko ulit siya.

"Tsk. Tabi nga. Laki-laki ng daan ah dito ka pa tumayo."

Binunggo ako nung lalaki.

Wow. Ako pa ngayon? Siya nga 'tong dapat pumunta na lang sa may space. TSS!

"Ako pa ngayon?" ang tanging nasabi (nabulong ata.. XD) ko. Habang naglalakad na siya palayo at nakatalikod rin ako sa kanya.

Then may something ako na napansin sa floor. Parang cell phone?

Pinulot ko. Oo nga, cellphone. SoftBank? Brand ba yun ng cell phone? -.- Ang alam ko lang kasi apple, samsung, nokia, blackberry, at cherry mobile.

*kriingg!!!*

"Ay blueberry!"

Gulat ko naman!! Ang lakas pala ng sounds ng cell phone na 'to.

*Julie calling...*

Julie?

Answer

[Hello? Hello???]

Hindi ako sumagot....

[Aish. Kuya naman asan ka na ba?! Hala ka, sige. Makakatikim ka na naman ng malutong na suntok at mura kay dad niyan!]

.....Suntok??

[Oy Kuya! Balik mo na nga rin pala yang cell phone na gamit mo! Ang pangit-pangit ng iPhone 5s mo!! Bulok! Mas maganda pa rin ang SoftBank!!]

[Tsaka light blue pa yan!!---]

*toot toot toot toot*

Eh? Naputol? Tinignan ko yung screen..... Oo nga. Naputol kasi deadbatt na. -.-

Hayss.. Tinignan ko ulit yung cellphone........ ang cute pala nito. Parang cell phone lang ng mga napapanood kong anime.

Makabili nga....

"ATE!!!"

"Ay bakla ka!"

Bakit ang hilig manggulat ng mga tao ngayon?

"ATE!! Kanina pa kita hinahanap! Di ba sabi ko sayo, sundan mo ako?? Ate naman!!" Sigaw niya sakin with matching hingal dahil malayo ata ang tinakbo niya.

"Sorry naman daw. Eh may nakabunggo akong lalaki eh. Tignan mo naiwan niya pa ata 'tong cell phone ng kapatid niya."

"EH??! Paano mo naman nalaman na cell phone yan ng kapatid niya? 'Kaw ate ah! Tinitignan mo na yung cell phone ng hindi sayo at ng walang paalam!"

"Eh tumawag eh... Kaya sinagot ko." sabay kamot ko sa batok ko...

"Tsk tsk. Ate talaga.... Bakit mo naman sinagot?"

"Eh alangan namang hindi ko sagutin, mukhang importante rin kaya kasi."

"Oh ate, ano nang gagawin mo diyang sa cp? Itatago mo?"

"Oo. Tapos ibabalik ko rin pag nakita ko siya."

"Ate, hindi mo ba alam, 'yang ginagawa mo ay stealing na???!"

"Hindi ko kaya ninakaw. Kinuha ko lang. Nakita ko lang sa lapag eh. Tsaka mas OK kaya na kunin ko kaysa naman sa maapakan at nakawin pa at gamitin ng iba diyan sa tabi-tabi."

"Sabagay.... sabagay." sabi niya with matching tango-tango pa.

*

AccidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon