Chapter 5

69 2 2
                                    

Kaya's/Athena's Point of View

****

"M-mysterious guy... batang paslit..." Unconsciously kong nasabi.

"I-iisa kayo??" Gulat kong tanong sa kanya.

Pero imbis na sagutin niya ako. Ngumiti lang siya..

At sa ngiting iyon... I knew the answer.

****

Hindi sila iisa. Kung bakit at paano ko nalaman? Eh kasi... ewan. Instinct ko lang. Haha. De, joke lang. Nalaman ko dahil iba ang suot ni batang paslit kay mysterious guy at napansin ko na medyo mas mababa yung boses ni batang paslit kaysa doon kay MG. Tsaka na rin----

"Mysterious guy? Sino yun?" Sabay tawa niya. "Tapos batang paslit? Mahilig ka palang magbigayng nicknames, babaeng emo." Tapos tawa ulit siya....

Well, look who's talking.. TSS. Siya rin naman ah. Babaeng emo raw ako. SUS. Noon lang ako emo! Nung si Kaya pa ako... ehem.

"Ay! Nga pala, nakalimutan ko yung sadya ko dito.." Tapos tumingin siya sa mga babaeng nasa likod ko na naka-tanga sa amin.

"Excuse me ladies, but may importante pa kaming gagawin at pupuntahan. So..." Tapos pasimple niya akong tinignan.

"BABYE!" Sabay hila niya sa akin at takbo palabas ng gate ng school.

WAAHH!! Mamamatay na ata ako! Ang bilis naman tumakbo ng lalaking ito! Parang kabaayoo!!

"SHEPACKS NAMAN! OI! DAHAN-DAHAN KA NAMAN DIYAN OH! MADADAPA NA AKO RITO!! MAAWA KAAA!!"

"Ay, sorry." Tapos medyo binagalan na niya yung takbo niya.

Maya-maya tumigil na siya sa pagtatakbo. Tapos nilingon niya ako.

"Hehe." Tapos napakamot siya sa batok niya.

"Hehe ka diyan. Tss." Tapos binigyan ko siya ng isang matamis na death glare.

"Saan ba tayo pupunta? Bakit mo ako hinila? Bakit ka tumakbo? Wala namang humahabol sa atin ah. Tsaka, bakit ang bilis mo tumakbo?! Madadapa-dapa na ako kanina eh! Para kang kab---" Sunud-sunod kong tanong sa kanya.

"Hep, hep, hep. Okay, tama na. Di ko masasagot lahat yun kung sunud-sunod yang mga tanong mo. Isa-isa lang pwede?" Sabi niya na parang siya yung napagod. 

*after 3 minutes ng katahimikan..*

"Di ka na.. magtatanong?" Taka niya tanong sa akin.

Teka... shunga ba 'to o sadyang shunga lang? 

Tinuro ko sa kanya yung kamay niyang nakatakip sa bibig ko habang nakapoker face.

"Ay! Sorry. Hehehe." Tapos tinanggal na niya ang kamay niya na nakatakip sa bibig ko kanina.

Nanatili akong nakapoker face..... Shunga nga. Tsk, tsk. Nako, problema yan.

Tinitigan ko siya. Siya naman nakangiti pa rin habang nakapeace sign sa akin. Haay.. KULIT.

Napa-iling na lang ako ng ulo ko habang nakangiti sa kanya.

"Eto na tanong ko." Sabi ko. "Pero isa lang siya kasi tinatamad na akong sabihin yung iba." Tumango lang siya.

"Anong pangalan mo?" Pagkasabi na pagkasabi ko nun, parang biglang nagkaroon ng gloomy aura sa paligid niya at napayuko pa siya.

"H-hindi mo alam?" Nag-sigh pa siya. 

"Mukha bang tatanungin ko kung alam ko naman?" medyo mataray kong tanong.. o baka hindi medyo. Mataray talaga.

"Hay.." Tapos tumingala ulit siya at tumingin sa akin ng nakangiti.. 

Bipolar ata to eh.. Tss. Isa pang problema yan..

"Sige, ganito na lang. Kunwari first time natin magkita. Okay? Tapos magpapakilala tayo sa isa't-isa. Oks sa yo?" Sabi ko sa kanya.

"Okay! Ako muna." Tapos may ubo effect pa. Haha.

"Hi. Ako nga pala si Kenji Santos. Nice meeting you!" With matching bow pa. May ganun? Haha.

"Hello. Ako naman si Athena Alvarez. You can call me Kaya or just Athena. Nice meeting you rin." Tapos nag-bow din ako. Trip lang namin mag-bow eh. Bakit ba? Haha.

"Kaya? Parang ang layo naman sa Athena?"

"Ah. Long story. Hehe. So.. saan na nga ba ulit tayo pupunta?" Pag-iiwas ko ng topic.

"Ah.. eh... uhm.." Sabi niya na parang hindi niya alam kung anong sasagutin sa tanong ko.

"Di ko nga rin alam. Hehe." From ngiti face, simangot face na akong nakaharap sa kanya.

"Seryoso ka?" Nakasimangot face pa rin ako.

"Ah... Yeah? Hehe."

****

In the end, napadpad na lang kami sa park kung saan kami unang nagkatagpuan. Naks, nagkatagpuan. HAHA.

Okay.. Anyways.. ehem. Nakaupo kami ngayon sa swing. May awkward silence sa amin ngayon.. And to tell you guys, ayoko yung feeling.

"Athena.."

"Hmm?"

"W-wala, wala. Hehe. Ang awkward lang kasi eh."

Tapos tumahimik ulit kami.

Medyo pinagalaw ko yung swing ko nung medyo mas naging awkward yung silence.

"Alam mo, Tin..." Pagsisimula niya ng topic. Tumigil naman ako sa pagswiswing at tinignan siya. Tin? May bago na naman akong nickname... Haay..

"Nung nakita kitang nakahiga sa may puno nung una tayong nagkita, parang may.... p-parang may.." Nagtaka naman ako nung tumigil siya.

"UGH, asar! Di ko ma-explain, pero basta! Ang alam ko, parang biglang lumiwanag yung paligid ko at sayo na lang naka-focus yung tingin ko. Tapos- tapos parang nagkaroon din ng mga butterfly sa tiyan ko ah.. hindi ata butterfly, ano.. maraming dragon ata o baka maraming kabayo... AY, EWAN. Basta!!" Napakamot pa siya sa batok niya na para bang na-frufrustrate na siya na ewan. At muntik na akong mapatalon sa swing nung sumigaw siya.

"Basta, ano.... uh.." Bigla siyang nag-blush. At isa lang masasabi ko guys, ehem..

ANG CUTE NIYAA!! Sorry, O.A. na kung O.A. Ngayon pa lang naman kasi ako nakakita ng lalaki na nag-blublush!! Tapos parang nag-coconfess pa itsura niyaaa!! ANG CUUUUTEEE.

"Napangiti na lang ako nung nakita kita.. tapos ano.. Naramdaman kong biglang medyo uminit tenga at pisngi ko. Tapos ayun... Di ko na napigilan sarili ko, napalapit ako sayo at tinry kitang pasayahin kahit onti lang at mapangiti ka." Nag-chuckle pa siya.. pero yung chuckle na may halong kaba.

"Tinry din kitang pasalitain kasi.. parang nararamdaman ko na kelangan mo ng kaibigan-- o kahit man tao na mailalabasan na kung ano man ang kinikimkim mo na.. galit, lungkot, saya, o kung anu-ano pang mga feelings." Tapos lumingon siya sa akin at ngumiti na para bang successful siya kasi nasabi niya yung gusto niyang sabihin.

Nginitian ko na rin tuloy siya. Nakakahawa kasi eh.... Ehem..

Lumingon naman ako sa langit at akala ko makikita ko yung mga bituin pero may mga ulap na nakaharang.. Nakakarelate din pala yung langit sa akin eh. Kasi parang ako lang, yung nararamdaman ko hanggang ngayon.. tinatago ko. Tinatago ko ang mga problema ko, mga feelings ko.. Parang yung mga ulap na tinatakpan ang mga bituin.

Pero.. maya-maya, dahan-dahang nawala yung mga ulap.. at kasabay noon, ang pagsabi ko sa kanya ng mga salitang hindi ko inaasahang lalabas mula sa bibig ko.

"Pareho pala tayo eh.."

**

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 26, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

AccidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon