(Chapter 3)
(Mae's POV)
"Ea! " sabi ng isang batang lalake.
"a-ah?" ang sakit ng ulo ko ha.
"Ah, gising ka na pala." Sabi ng isang lalakeng, katabi ko, tinignan ko kung sino, at yung bago ko palang kaibigan si Clark.
"Ay pasensya na, sa istorbo, pero ano ang nangyari?" Tanong ko sakanya, ang naalala ko lang ay yung nag-uusap pa kami at ayun, nawala na ako ng malay.
"Nawalan ka lang ng malay pero, hindi ko alam kung bakit, sabi ng doctor, may naalala ka lang at agad kang nahimatay." Pagpapaliwanag niya."Pero ang weird may naalala, nahimatay ka na agad." Pagpaptuloy niya.
"Nagka-amnesia, daw kase ako, kaya tuwing may maalala ako, sumasakit yung ulo ko, pero mild lang naman, at pagkatapos mawawalan ako, ng malay." Paliwanag ko sa kanya, ang sabi ni Mom at Dad, na naaksidente ako, o car crash rather, kaya nawalan ako ng memorya.
"A-aah, ga-ganun ba?" utal na pagkasabi niya, bakit ba siya na-uutal....? Teka anong oras na ba?
Naghanap ako nang-orasan, at may nakita akong wall clock, at $#!+, 7:00 PM na?!
"tatlong oras na pala akong natutulog ah." Sabi ko, a-aktion sana akong tumayo, nang may nagbukas ng pinto at nakita ko sina Mom and Dad, na nagulat pagpasok. Bakit kaya? Hindi naman malala yung nangyari sa akin eh.
"A-anak, Clark?" Huh? Bakit kilala ni mama, si Clark?, baka isa ang mga magulang niya sa business partners ni mommy.
"Good Evening po." Pormal, na pagbati ni Clark,"Una na po ako, una nako, Mae., bukas uli." Pagpapaalam ni clark sa akin.
"Sige, bukas muli." Sabi ko at umalis na siya.
"Anak? 'san mo siya nakilala?" Tanong ni Mommy sa akin.
"Ah? Si clark?, sa school, nung pauwi na ako at sa kasamaang palad nahimatay pa ako, pero may naalala ako ng kaunti mom. May batang lalake naglalaro at may tinatawag siya na Ea. Sino si Ea mom?" Tanong ko kay mommy
"H-huh? Wala akong kilalang Ea anak. Wala. Ay sabi pala nang Doktor makakalabas ka na bukas ng umaga, magpahinga ka na muna, babayaran lang naming, ng daddy mo ang bill mo." Sabi ni Mommy, at tumango naman ako at umalis na sila, at nang maka-alis na sila nakatulog naman ako.
(Someone's POV)
"Paano na? nagkita na sila?!" Kinakabahan na tanong ni Rosellya.
"Huwag kang mag-alala hindi ako papayag na makalapit pa siya sa kanya." Sabi ko na walang alinlangan. Sisiguraduhin kong, hindi na ulit siya makakalapit sa anak ko, walang hiya siya, siya lang ang dahilan kung bakit naging ganyan ang anak ko.
(Mae's POV)
[The day after tomorrow]
"Ooooy! Siissy! Rise & Shine, bakulaw!" Sigaw ng isang bwiset! Ngayong umaga!!!
"Hoy! Kumag, 'huwag mo kong gisingin kapag ikaw yung natutulog hindi kita iniistorbo kapag ako, batukan kita diyan eh! Pakialamero, masyado." Psh. Nakakaistorbo , ang sarap na nang tulog ko eh.
"May gwapong Bisita, sige ka, baka hindi mo maabutan." Pagkasabi ng pagkasabi niya na may gwapong bisita, ay bumangon agad ako pumunta sa banyo at nagsipilyo at naligo narin, binilisan ko ang pagligo at nagbihis ng mabilisan, at bumaba na.
May naririnig ako na tawanan at pamilyar na boses sa akin, at tama nga ako at yung tao pa na'yun ay yung kinamumuhian ko.
"Ma, maypupuntahan lang ako." Pagdadahilan ko dahilan para magulat siya at nagsalita.
"Huh? Eh sabi mo kagabi wala kang lakad kaya hindi ka babangon ng maaga." Sabi ni Mommy Sa akin.
"Ahm.... Ma, change of plans eh." Sabi ko at umalis na nang nagsalita SIYA.
"Hi Mae, Hisashiburi(Meansà Long time no see), sumabay ka na samin sa pagkain." Pag-aaya niya.
"No thanks, busog ako, at kapag ikaw man yung makakasama ko sa pagkain, mas mabuti pang matulog na lang ulit ako." Sabi ko sakanya, hindi mo alam kung anong ginawa mo sa akin, hayop. " Mom, una nako, Bye Ryan." Bitter na pagkakasabi ko, sabi ko at umalis na, pero sa kasamaang palad sumunod SIYA!
"Teka lang Chay." Sabi niya, kaya nagulat ako.
"Bitawan mo ko, kung hindi..." Sabi ko at binitawan niya naman ako. "Bakit bumalik ka pa? ha? Para lokohin na naman ako? Ha? Uulitin mo na naman? Hindi ka pa talaga nagsawa, hindi ka pa natuto!" Sigaw ko sakanya, ang laki ng laki ng galit ko sakanya, hindi na dapat siya bumalik, nagpakita.
"Sorry na sa nagawa ko chay, gust---" I cut him off.
"Tawagin mo pa ko ulit niyan, tatawag na ako ng guard para palabasin ka." Galit na sabi ko sakanya.
"A-ah sige, Gusto ko lang ng kapatawaran galing sa'yo, palagi akong binabangongot, kaya pasensya ka na sa lahat ng nagawa ko sayo, sa pagbibiro, sa paglalaro ko sa damdamin mo pasensya ka at tska totoo, na 'to, GUSTO na kita, simula nung pumunta ako nang Amerika, hindi ka mawala sa isipan ko, palaging ikaw laman ng utak at puso ko." Sabi niya, an'taas.
"Pero............ PASENSYA KA NA PERO MAY BOYPREN NA AKO, 'I'M TAKEN, AT ANG PANGALAN NIYA AY..................................................................................... ("Sino ba?" AH!") Chris. Evan. Efron." Sabi ko, at nagulat naman siya, parang hindi siya makapaniwala na may kasintahan na ako, pero sa totoo lang wala naman talaga sinabi ko lang 'yan para umalis na siya pero sa kasamaang palad............
"Ha?! Hindi pwede! Akin ka lang, walang ibang pwedeng magmay-ari sa'yo kundi ako lang." Sabi niya at nagtawag na ako ng guards at kinuha na siya ng mga guards, at sumigaw naman ako ng.....
"WALANG NAGMAMAY-ARI SA AKIN, HINDI AKO LAROAN, KAYA HINDI NA AKO PAPAYAG NA PAGLARUAN MO ULIT AKO!" Sigaw ko sakanya at pumunta na sa mall, kasi wala naman talaga akong plano kaya napagpasyahan ko na sa mall nalang pumunta, makakita pa ako ng maraming gwapo.
Habang naglalakad ako ay maynakabangaan ako, ano ba author! Parang sa storyang ito hindi talaga mawawala yang bangaan-thingy mo!
(Eh?! Ano ba e sa trip ko yang bangaan effect at hindi mo ba alam diyan mo malalaman kung sino yung magiging 4ever mo.)
'k Fine.
Tinignan ko kung sino ang nakabangaan ko at sa kamalasmalasan, si CHRIS EVAN EFRON pa talaga.
"ay sorry." Sabi ko at inilagay ko ang mga paningin ko sa sahiig pero akala ko magsasabi siya ng "Wala 'yun, miss." Pero, nilagpasan lang pala ako, bakit ba siya ang naisip ko na boyfriend ko eh nandiyan naman si DANIEL PADILLA, ENRIQUE GIL, INIGO PASCUAL, at iba pa. eh siya hindi naman kagwapohan akala mo kung sino.
[BOOOOOOGSH!]
"Sorry miss, okay ka lang, hindi ko sinasadya." Hay salamat at may nagsorry na rin sa pagbaba---. Wow!! GWAPINGS! O.my.G!!
"a-ah okay lang."
"ah, salamat, nagmamadali kasi ako eh, ako nga pala, si Niel." Pagpapakila niya sa akin, sasabihin ko n asana ang pangalan ko ng maysumingit.
"Hoy, Niel, bilisan mo." Cold ang pagkakasabi ng mga salita na 'yon, at nagpaalam na si Mr. Cutie at Naiwan ako mag-isa, haay...
~~~~~~~~~~~~~~
Ito po muna sa ngayon, Please, vote, share and Comment po..
YOU ARE READING
The Goddess Nerds and The Heartthrobs
Teen Fictionpaalala lang po yan at pagpapasensya