♣ Chapter 6 - Coincidence or Not? ♣

88 6 5
                                    

Althrix's POV

Hmmm... yes...

Harder...

Harder...

Diinan mo pa...

Diin pa ng kaunti...

"Ganito po?"

"yun... nice... Nakakaalis ng stress ng buo kong araw. Alam mo ilang beses na ako magpunta dito pero ngayon lang kita nakita dito, baguhan ka ba?"

"Ah, opo, first day ko nga po ngayon, Ma'am"

"Ganun ba? pero infairness magaling ka ha."

"Pinag-aralan po kasi namin ito at isa pa may experience na po ako before pa po ako makapasok dito sa spa."

"So, you work in other spas before this one?"

"Hindi po Ma'am, yung mga kakilala ko lang po sa lugar namin ang nagpapamasahe, tapos po kapag nagustuhan nila ay irerefer nila ako sa mga kakilala din nila."

"Ang sipag mo naman."

"Kailangan po kasi eh, may pinapaaral po kasi akong nakakabatang kapatid."

"You're so nice, ilang taon ka na ba?."

"18 na po noong nakaraan lang, kaya po ngayon lang ako nakapag-apply sa ganitong klase ng spa."

"Well, no offense ha, pero is it enough para mapag-aral mo ang iyong kapatid?, alam mo naman na mahal ang mga bagay bagay ngayon."

Nakita ko siyang yumuko at may banta ng luha sa kanyang maamong mukha.

"Sa totoo lang po hindi eh, kaya nga po pagka-out ko dito ay naghahanap ako ng mga racket, kung minsan ay nagwawaitress ako sa isang bar at kung meron magrerequest ay nagtatable din po ako, pero ma'am hindi po ako nagpapagamit sa kanila, hindi naman po ako ganung babae, ginagawa ko lang iyon para sa kapatid ko, gusto ko lang po makatapos siya at hindi po siya mahalintulad sa akin na..."

"Okay, okay, I get it, madaldal ka rin pala noh?"

"Ay, sorry po ma'am."

Ngumiti na lamang ako sa kanya.

"Huwag kang magalala, okay lang iyon saka huwag mo na akong tawaging ma'am, Althrix nalang ang tawag mo sa akin and drop the "po" part, it makes me feel old."

"Huh? huwag po ma'am, nakakahiya naman po sa inyo."

"Come on, its okay lang naman eh."

halatang nagdadalawang isip siya. She looks so naive at magaan ang loob ko sa kanya.

"Sige ka, hindi kita babayaran."

"Ay, huwag po. Sige na nga po ma'am, este Althrix po pala, ai wala na po palang po. Ai naku." bigla siyang namula at ako naman ay napatawa ng marahan sa kanya.

Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan namin dalawa habang patuloy niya akong minamasahe.

Knock! Knock!

"Janine? Janine? pagkatapos mo diyan pumasok ka kaagad sa room 506 ha." sabi ng isa niyang katrabaho na mas mataas yata ang posisyon kaysa sa kanya.

"Opo ma'am", sagot naman ni Janine.

"Janine?Janine pangalan mo?",  gulat kong tanong sa kanya.

"Yes po ma'am, ah Althrix pala. Janine Herena ang buo kong pangalan Althrix."

Why am I remebering her again? tsk. It's been years, I promised to forget her and I thought I did, tapos eto, a girl whom I barely even knew has the same name as hers, what a coincidence.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 31, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Operation: MY BFF (Make Your BestFriend Fall)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon