Chapter 1 Mithi

50 1 0
                                    

A/N: Some scenes are not suitable for very young audiences. Read at your own risk. You had been warned.
R-18/SPG

Hindi na bago sa ating mga Pilipino ang madinig ang salitang vampire o aswang. Tila kasama na sa kultura natin ang mga ito kasama ng mga engkanto at maligno. Kinatatakutan, kinamumuhian at kadalasan laman ng usap usapan sa mga liblib na lugar sa bayan bayan.

Ngunit paano kung ang isang aswang ay gustong magbago at ayaw ng maging simbolo ng takot? Kaya kaya syang tanggapin ng madlang tao?

Halinat subaybayan ang mga adventures ni Liam, ang pinoy vampire. :)

Chapter 1 "Mithi"

Ramdam ni Liam ang dahan dahang dampi ng sikat ng araw sa kanyang mga mata.. Unti unti niyang minulat ang mga mata at bumungad sa kanyang harapan ang isang babae na tila nakatingin sa malayo at nakalikod sa kanya.

Agad nyang napansin ang tila balat na markang hugis paro paro sa balikat nito sa likod. Daglian siyang bumangon upang lapitan ang babae, hinakbang nya ang paa.. Miss, sino ka? Sambit nya..

Ngunit walang tugon ang babae.. Tanging buhok ng babae na tangay ng hangin ang gumagalaw.. Naglakas loob siyang lumapit upang tignan ang mukha ng babae nang biglang...

"liam! Liam!, gising kana nanaginip ka nanaman."  pangigising ng ina ni liam.
Napamulat ng mata si Liam at gumising..
"Muntik ko na siya makita nay"
"Naku nak nanaginip ka nanaman ba dun sa babaeng nakatakda?"
"Opo nay" tugon nya.

Ilang gabi ng nanaginip si Liam tungkol sa babae na nabanggit ng kanyang Lola bago ito napatay ng mga tao. Aswang ang angkan ni Liam at mula noon pa sa gubat na sila nanirahan.

"Puntahan mo tatay mo at samahan mo, nauna na siyang nangahoy, at akoy magpapabayan, titingin ako ng pwde nating lipatan."

Ito ang unang taon matapos ang kalayaan mula sa diktadoryang pamamahala ng presidente ng Pilipinas. Alam ng mga magulang ni Liam na kelangan nilang manirahan sa siyudad at hindi habambuhay na titira sila sa gubat.

28 na si Liam at hiling nya sa kanyang magulang na gusto nya matuto at magaral.
Pangarap ni Liam na mamuhay tulad ng normal na tao. Kayat hindi maalis sa isip nya ang sabi ng kanyang lola tungkol sa babaeng kayang magalis ng sumpa ng pagiging aswang sa kanyang angkan.

Ayon sa nakasaad sa kanilang paniniwala, ang babaeng ipapanganak
sa pulang buwan (bloodmoon) ang dugo ng babaeng yun ang lunas sa sumpa ng kanilang pagiging aswang.

Bukas ang kaarawan ni Liam, at ayon sa batas ng mga aswang 29 ang taon para isagawa ang ritwal para sa pagpapahinto ng edad ng mga aswang kaya dapat magdecide sya para sa kanyang sarili..

"Anak, hindi ka namin pwdeng pilitin pero gusto mo ba talagang isagawa ang ritwal?" Sabi ng kanyang Ina. "Opo nay" tugon ni Liam.
Gusto ko po mamuhay ng normal, at kelangan mahanap ko po ang nakatakda at manirahan sa siyudad kasama ng mga tao..
Tugon niya.

"Kahit hindi tayo pumapaslang ng tao at hayop ang ating kinokonsomo, hindi parin tama kaya tama ang desisyon mo nak" sambit ng kanyang ama.
"Pinalaki ka naming maayos nak sana wag mo kakalimutan mga pangaral namin sau"
"Opo nay,tay" sagot ni Liam.

Sinimulan nila ang ritwal at naghandog sila ng tatlong kambing, naging maayos ang ritwal at naging ganap na imortal sa edad na 29 si liam. "Maligayang kaarawan nak, sa tingin namin ng iyong ama ay panahon na para ikaw ang magmana at humawak ng aklat ng ating angkan, dyan nakasaad mga dapat at di dapat gawin bilang isang aswang, pagingatan mo sana. Bilin din ng iyong lola na ibigay namin sau yan sa tamang panahon at sa tingin namin eto na ang tamang panahon."
"Salamat po nay, tay iingatan ko po ito" tugon ni Liam.

Blood PotionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon