Chapter 2 Tukso

37 0 0
                                    

Malapit nang maubos ang mga alagang hayop nila Liam. Nangangamba ang kanyang mga magulang na baka mapilitan silang gawin ang bagay na matagal nang hindi ginagawa ng kanilang angkan.. Ang kumitil ng buhay ng tao para mabuhay.
"Liam, kelangan natin ng mapagkukuhanan ng dugo ng hayop, matanda na kami nang nanay mo at mahirap pag kami ang mangangaso sa gubat" sabi ng kanyang ama.
Hindi lingid sa kaalaman ni liam na mahina na ang kanyang mga magulang, kaya nagiisip siya ng paraan para masolusyunan ang kanilang problema.
"Tay, eextra muna ako sa bukid ni tito Lando, balita ko kelangan daw nila ng tauhan sa kanilang bukiran, yong kikitain ko po ipambibili na lang po natin ng manok" sabi ni liam.
"Sige nak, salamat nak at malakas ka, panu na lang kami pag wala ka" sabi ng ama ni liam.
Malungkot si liam ng araw na yun, alam nya kasing nahihirapan na silang mamuhay sa siyudad at alam nyang siya ang dahilan ng pagluwas nila sa siyudad.

Kinabukasan, nagpunta si Liam sa bahay nila Lando para kausapin ito upang magtrabaho sa bukid nito.
"Tito lando, tao po!.."
"Martha, tao po!.."
Walang sumasagot, nanibago si lando kasi laging nasa bahay ang mag ama sa ganung oras.
Nagpasya siyang lumapit at kumatok sa pinto, nagbabakasakali na baka nasa loob ang dalawa at di naririnig ang kanyang pagtawag.
Kumatok siya sa pinto.. Napansin nya na bahagyang bumukas ang pinto.
"Bukas ang pinto pero walang tao?".. Ang sabi ni liam sa kanyang isip.
Dahil sa nacurious si liam, dahan dahan siyang pumasok sa loob ng bahay.. Dinig ang tunog ng marahang pagbukas ng pinto..
Wala siyang nakitang anino man lang ng mag ama.. Binuksan nya ang mga kwarto at sinilip kong baka andun at natutulog pa ang mag ama, dalawang kwarto wala parin siyang nakita..
Nang biglang, may narinig sya sa likod ng bahay, patak ng tubig.. Dahan dahan siyang lumapit sa pintuan sa likod.. Laging gulat niya ng lumantad sa kanya ang naliligong si Martha, .Bahagyang nanlake ang mga mata ni Liam sa kanyang nasaksihan, nakatalikod si martha ngunit kita parin ang hugis ng katawan nito, napatakip ng bibig si liam, at ingat na ingat na makagawa ng ingay dahil alam nyang malilintikan siya pag nalaman ni martha na nakikita siya ni liam.. 21 anyos si martha at naghahanda ito para sa kanyang duty sa hospital.
Biglang may humintong motorsiklo sa harap ng bahay nila Martha, pagtingin ni liam, si tito lando ito at pababa na ng kanyang motorsiklo at papasok sa bahay. Kinabahan si liam, di nya alam kung saan siya pupunta, natatakot siya na mahuli siya na nasa loob ng bahay at baka anu pa isipin ni martha at ni lando. Bigla niyang naisipang pumasok sa loob ng kwarto, pumasok siya sa kwarto ni martha para magtago, pumasok sya sa aparador ng dalaga. Sakto namang patapos na ang dalaga sa pagligo at pumasok ito sa kanyang kwarto para magbihis. Ang kanyang ama naman ay pumasok na rin sa loob ng bahay.
"Martha." Sambit ni lando.
"Yes tay, ano po un? Andto po ako sa kwarto nagbibihis po" tugon ng dalaga.
"May bisita ba tau? Kaninong tsinelas tong nasa pintuan natin" sabi ni lando.
"Wala naman tay, baka may nakaiwan lang tay galing dito mga trabahador kahapon, baka may nakaiwan alam mo naman mga un minsan nakapaa, minsan nakakalimutang may dalang tsinelas" sabi ni martha.
"Ahhh, baka nga. Basta pag may naghanap nyan kaw na bahala, baka balikan yan nung may ari, umuwi ako saglit kasi kumuha ako pera pambili ng meryenda nung mga trabahador natin sa bukid" sabi ni lando
"Oh siya alis nako ha isarado mo pinto pag aalis ka, dala ko naman ung susi ko." Dagdag nilando.
"Oh sige po tay, ingat po." Tugon naman ng dalaga.
Nasa kama na ang mga damit ng dalaga kaya di na niya kelangan buksan ang aparador ng kanyang kwarto. Si liam naman, nakasilip sa pintuan ng aparador, at pawis na pawis at kabado na malaman ni martha na nandun siya.
Mabuting magkaibigan si martha at liam, at hindi lingid sa kaalaman ni liam, na gusto rin siya ng dalaga. Pero pag nalaman na nandun siya sa kwarto at aparador baka magbago isip ng dalaga. Nakabihis na si Martha, ng bigla itong pumunta ng banyo. Si liam naman ay sinamantala ang pagkakataon para makalabas ng bahay, dahan dahan siyang lumabas ng aparador at lumabas ng bahay.
"Muntik na ako dun ah" ang sabi nya sa kanyang sarili.

Nagpunta sa bukid ni lando si liam upang kausapin ito. Malayo ito kaya tinakbo na lang ni liam. Dalawang minuto lng nakarating na sa bukid si liam, na kung tutuusin limang minuto ito pag motorsiklo ang gamit.
Nakita nya doon ang mga trabahador at si lando na maagang nagtratrabaho sa bukid. Kinausap nya si lando.
"Tito lando, naparito po ako para kausapin po sana kayo"
"Anu yon liam? Anu ba un?" Sagot ni lando
"Ahhh gusto ko po sanang magtrabaho para sa inyo, gusto din po sana ng tatay kaya lang mahina na po at ako na lang po nagkusa para sa kanila" sabi ni lando.
"Oh sige, un lang pala eh, tamang tama at kelangan ko ng tulad mo na malakas at bata ang katawan" tugon ni lando.
"Kelan po ba ako pwde magsimula?" Tanong ng binata.
"Ngaun na kung gusto mo, ok lang ba sau?" Sabi ni lando.
"Oo naman po, ready na po ako" tugon ni lando.
"Sige, obserbahan mo mga ginagawa nila, kung panu gumapas ng palay tapos pag alam mo na, simulan mo na, ayos ba?" Sabi ni lando.
" oh sige po, salamat po uli tito lando" tugon ng binata.

Blood PotionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon