Chapter 9 Anino

16 0 0
                                    

Friday 8pm.

Katatapos magdinner nila haylieh at ng kanyang mga magulang.

Naisipan niyang magpunta sa favorite spot niya, sa rooftop ng apartment para magpahangin.

Sakto naman na nandun si Liam, na nagmumuni muni. Iniisip niya ang nangyari kanina.

Hindi mawala sa isip niya kung bakit biglang pumasok sa kanyang isipan at nakita nya ang blood moon ng hawakan niya ang kamay ni haylieh.

Nakatayo si liam sa gilid rooftop, pinagmamasdan ang mga sasakyang dumaraan malapit sa kinatitirikan ng kanilang apartment. Kita rin nya ang ibang gusali at pinakikinggan ang ibat ibang tunog sa paligid..

Huminga ng malalim si Liam at tumingala sa kalangitan habang hawak ang bote ng sanmig light sa kanyang kanang kamay.

Sa di malamang dahilan ay bigla na lang naramdaman niya na parang may nakatingin sa kanya. Agad siyang tumingin sa kanyang likod para tignan kung may tao, ngunit wala etong nakita kahit anino.

Medyo madilim nun sa rooftop at tanging ilaw lang ng buwan at mga bitwin ang nagsisilbing liwanag kaya hindi mo agad makikita o makikilala pag may tao sa rooftop.

Nang walang nakitang tao si liam ay inisip niya na baka guni guni lang nya na parang may nakatingin sa kanya at muli etong tumingin sa kalsada para pagmasdan ang mga dumaraang tao at sasakyan..

Ilang minuto ang lumipas at may narinig siyang yapak na papaitaas mula sa hagdanan. Alam niyang hindi eto guni guni at alam nyang may taong papaitaas sa rooftop.

Agad niyang binaling ang kanyang paningin mula sa daanan papunta sa rooftop. Malayo siya dito ngunit kung may daraan na tao mula doon ay makikita nya.

Bumilis ang pintig ng kanyang puso sa hindi niya malamang dahilan. Alam niyang hindi takot ang kanyang nararamdaman.

Nakahanda na ang kanyang paningin para abangan ang paparating.

"Ni minsan ay hindi pa umakyat ng rooftop ng ganitong oras ang mga borders." Sabi niya sa kanyang sarili.

Lumakas ang pagyapak, at alam niya na malapit na niyang malaman kung sino ang paparating..

Lumantad sa kanyang paningin, isang tao. Inaaninag nya ngunit hindi nya makita ang mukha nito.

Papalapit eto sa kanyang direksyon.

"Sino yan?.." -liam

Huminto sa paglalakad yong tao.

Hindi eto sumagot.

Muling tinanong ni Liam.

"Sino yan?.."

Nabosesan naman siya ni Haylieh kaya sumagot eto.

"Liam?.. Ikaw ba yan?" Sabi ni haylieh sabay baling ng tingin kung saan nagmula ang boses na kanyang narinig.

"Haylieh toh, ikaw ba yan liam?" Muling sabi niya.

"Ikaw pala haylieh, oo si liam to"-liam

"Oh andito ka pala, sorry naistorbo ba kita?"- haylieh

"Hindi naman, akala ko kung sino na.. Ano ginagawa mo dito?" -liam

"Haha! Nagulat ba kita? Namiss ko kasi tumambay dito, nung bata pako dito ako madalas tumambay nun lalo pag napapagalitan ako" -haylieh

"Ahhh kaya pala, maganda nga dito kaya madalas din ako dito" -liam

Pumunta sa tabi ni liam si haylieh at sumilip sa baba para pagmasdan ang paligid.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 30, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Blood PotionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon