Chapter 4 Epic Fail

13 0 0
                                    

Hindi pa sumisikat ang sinag ng araw pero nagmamadali ng nagpunta si ramon sa bahay ni kapitan para sabihin ang kanyang mga nasaksihan sa bukid.
"Kapitan! Kapitan! Mga kabarangay!!!" Pasigaw nitong sabi mula sa bahay ni kapitan hanggang sa mga bahay na katabi ng bahay ni kapitan.

Maraming nakarinig na tao sa kanya, dahil sa mga taong bukid ang mga nakatira sa baryo ay maagang gumigising ang mga ito.

"Sino ba yang ang aga aga eh sumisigaw" sabi naman ni kapitan habang nagkakape sa kanyang bahay.

Lumabas ng bahay si kapitan para tignan ang taong sumisigaw sa harap ng kanyang bahay.

"Oh ikaw pala ramon, ano bang sadya mo at tila takot na takot yang mukha mo? May nangyari ba?" Sabi ni kapitan habang minamasdan ang balisang pagmumukha ni ramon.

"Kapitan, si.. Si, si Liam po, yung ampon ni Lando sa bahay nila, a, a.. Aaa, aswang po!" Kabadong sabi ni ramon.

"Teka, sigurado ka ba dyan sa sinasabi mo? Mabigat na bentang yan ramon. May pruweba ka ba?" Sabi ni kapitan kay ramon na hinahamon para patunayan kung totoo ang kanyang sinasabi.

"Opo kapitan, nakita ko po siya malapit sa bahay namin sa bukid kung paanu niya palakihin ang mga ngipin at kung panu magbago ang kulay ng kanyang mga mata, nandun rin po ang anak ni Lando, si martha kasabwat po ni Liam, alam po niya na aswang si Liam at tila tinatago nya ito" sabi ni ramon na halatang binigyan na ng ibang kahulugan ang pagsama ni Martha kay Liam.

Nadinig naman ito ng mga tao sa paligid at tila naniwala sa mga sinabi ni Ramon.

"Aba kung totoo yan dapat patayin natin ang salot na yan, di pwdeng manatili sa barangay natin yan, pati si Martha baka aswang narin at kasabwat niya si Liam" bulong bulungan ng mga tao sa paligid.

"Teka ramon, nasan ba sila ngayon? Gusto ko ako mismo makakita sa sinasabi mo at kung totoo yan, dapat gawan ng aksyon agad yan, baka naman nakadrugs ka ramon? San kaba nakabili niyan? Alam mo ba? Sabihin mo na totoo" sabi ni kapitan na paghahamon kay Ramon.

"Druga? Alam ko kung san nakakabili nyan, sa davao nga meron yan, pati sa makati meron din! Alam ko mga yan eh, gusto mo kapitan samahan pa kita eh" sabi naman ni ramon

"Stop the crap ramon, im not joking here! Wala ako panahon sa druga ngayon, yang issue ni Liam, yang pagiging aswang nya ang patunayan mo, i want to see in my own eyes, dadalhin ko lang ang aking Super powered machine gun napanood ko sa pelikula ni ramboo effective to" sabi ni kapitan na mukhang nainis sa sinabi ni ramon.

"Naku si kapitan, pumapunchline panis naman" sabi sa isip ni ramon.

"Okay kapitan, sasamahan ko po kayo, pero pakidalian nyo po at baka umalis na sila liam dun sa kinalalagyan nila ngaun, magdala rin po kayo ng sniper rifle nyo, wala ako tiwala sa super powered chiniz na machine gun na sinasabi nyo" sabi ni ramon na mukhang nainis ng slight kay kapitan.

"Wala ka tiwala, gusto mo testingin muna natin sau, para maniwala ka" sabi ni kapitan.

"Sige pero siguraduhin mo lang na tatamaan ako ah, pag ako nabuhay isusuambong kita sa Misis mo alam ko may kachikahan ka sa friendster, friends tau dun remember? Im reading your walls kap" pananakot na sabi ni ramon.

"Hey ramon, you dont do that to me! Im your friend, wag moko ilalaglag" takot na sabi ni kapitan.

"Tara na, ready nako dinala ko na ang sniper just in case" sabi ni kapitan.

"Ok tara lets po, bilisan mo kupad mo eh pag may handaan ang bilis mo" sabi ni ramon.

"Aba may pahabol kapa ahhh, pag ako natapos kay liam ikaw isusunod ko" pambabanta ni kapitan.

"Kap, spell ASA." Sabi ni ramon.

"Oh sya sya panalo kana, tara na at baka mauna pa kitang mabaril dito" sabi ni kapitan.

Pagdating nila sa bukid. Nakita nila si Liam at martha. Nagtago ang mga ito sa talahib.

"Tama ka nga ramon. Aswang nga si Liam" sabi ni Kapitan habang nakasilip sa sniper rifle nya.

Habang tinitignan ni Kapitan si liam at martha na naguusap, kitang kita ni kapitan ang pulang mata at mga pangil ni Liam.

Naguusap si Liam at Martha.
"Martha, salamat at tanggap mo kung sino ako, subalit siguro alam mo na ngaun ang dahilan kung bakit hindi kita pwdeng maging asawa, baka maging vampira ang magiging anak natin,  hanggang hindi ko gumagaling sa pagiging aswang hindi ko pwde makipagrelasyon ng ganap sa tao" pagtatapat na sabi ni liam kay martha.

"Oo naiintindihan ko na ngaun, sana sinabi mo ng maaga para di ako umaasa, buti na lang hindi pa nauso ang paggawa ng pastillas ngaun kundi baka mas sumikat pako kesa kay pastillas girl dahil sa pagpapaasa mo sakin?" Mukhang nadisappoint na sabi ni martha.

"Huh? Anung pastillas girl? Di ko magets martha" pagtataka na sabi ni liam.

"Wala wag mo isipin un wala un, nilagay lang sa script nung author para isingit" palusot na sabi ni martha.

"Okay martha, salamat talaga, alam mong mahal kita pero kelangan kitang iwan pansamantala para hanapin ang itinakda, kung wala kapang nobyo at nakabalik ako at naging normal na tao, pakakasalan kita, pero kung hindi mo nako mahintay at maisipan mong maghanap ng iba, malaya ka, at alam kong hindi kana rin bumabata" sabi ni liam.

"Oo Liam, hanggat kaya ki maghintay hihintayin kita.." Maiyak iyak na sabi ni martha.

Lumapit si Liam para yakapin si martha.
Nang biglang....

"Ayan na kakagatin na, kakagatin na si martha!" Sabi ni ramon habang pinagmamasdan sa malayo ang dalawang magkasintahan na naguusap.

"Bangggggggggggggggg!!!!!!!!!!!!!!"

Isang putok ang narinig mula sa kinaruruonan ng dalawang tokmol, este ni kapitan at ramon.

Napayakap si martha kay Liam.
Duguan ang kamay ni liam habang nakahawak sa likod ng kasintahan.

Tinamaan ni kapitan ang dalaga sa leeg, na ang punterya ay iheadshot si Liam.

"Martha!!! Martha!!!!!! " sigaw ni liam habang kinokontrol ang pagtayo ng dalaga na nanghihina dahil sa tama ng baril.

Lumingon sa paligid si Liam para hanapin kung saan ang tama ng baril, ngunit hindi nya makita ang may sala.

Daglian nyang binuhat ang dalaga at itinakbo ng mabilis patungo sa hospital kung saan nagtratrabaho ang dalaga,.

"Nurse! Bilisan nyo! Tinamaan siya ng ng baril sa leeg, pakiusap buhayin nyo siya!... Pakiusap!!..." Mangiyak ngiyak na sabi ni Liam sa nurse na nakaduty sa Emergency room.

"Opo sir kami na pong bahala sa kanya, kaanu anu nyo po ang biktima" sabi ng nurse sabay tingin sa muka ni liam.

Nahalata ng nurse ang pangil at mata ni liam habang nagsasalita ito,.

"A, aasawang!!!! Vampira!!!!!!!!!" Pasigaw at gulat na sabi ng nurse.

Biglang labas ang mga tao sa hospital at pati ang gwardiya sa hospital na nakaduty ay natawag ang pansin ng pagsigaw ng nurse.

"May aswang daw, yung lalaki asawang daw" bulungan ng mga tao.

"Diba si Liam yan, ung dayo dati sa baryo vampira pala sya" bulungan ng mga nakakakilala kay liam.

"Itaas mong kamay mo!! Wag kang gagalaw!" Sabay bunot sa batuta ng gwardiya, narealize nya na batuta ang kanyang nabunot dahil nataranta kaya binalik nya ito at binunot ang kanyang baril. 

Ngunit huli na ang lahat sapagkat nakatakbo na si liam, bago pa nya maitutok ang baril kay Liam.

Blood PotionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon