Angel's Pov:
Nagising ako dahil sa sobrang lamig na nararamdaman ko,ang sakit din ng ulo at katawan tapos parang ang init ng pakiramdam ko pero giniginaw ako.
Pag mulat ko ng mga mata ko,madilim ang nakita ko.teka anong oras na ba tiningnan ko yung wall clock na nakasabit mabuti na lang at medyo maliwag kaya nakita ko naman teka tama ba ito,a.alas 7 na.
Ganun ba ako katagal nakatulog,hindi man lang nila ako ginisingtumayo na ako para buksan ang ilaw.pero pag tayo ko napahawak ako sa upuan dahil biglang umikot yung paningin ko .
Pero pinilit ko parin makalapit dun sa switch ng ilaw,at nagawa ko naman kaya lang pag switch ko ayaw sumindi ng ilaw mukhang pundido na yung bumbilya.
Kaya naman naisipan ko na lang buksan yung pinto kahit madilim,kinapa ko na lang at nung nahanap ko na pag pihit ko sa door knob ayaw mabuksan mukhang naka lock sa labas.
Sisigaw na lang ako baka sakaling may tao pa dito.
"Tao po,may tao po ba dyan?!!'
"paki buksan naman ito" pero mukhang kahit mamaos pa ako ng kakasigaw dito walang makakarinig sa akin, hindi ko na kaya ang lamig feeling ko anytime babagsak na lang ako dito.
't.tulungan nyo po ako" halos pabulong ko ng sabi at bago pa tuluyang dumilim ang aking paningin,parang may nakita akong tao na palapit dito.
"t,tulong. ."
* * * * * * * * * * * *
Someones Pov:
Uuwi na sana ako ng maalala kong hindi ko dala yung mga gamit ko,kaya nag punta ako sa room.
Tumambay kasi kami sa court kasama ang mga kaibigan ko,pero nauna na sila at nag paiwan ako.
malapit na ako sa room ng marinig kong parang may sumisigaw,pero imposible alam ko naka-uwi na kanina pa ang mga estudyante dahil wala ng pasok gawa ng meeting ang faculty.
I was about to enter the room pero naka lock,pero bago yun parang may nakita akong tao sa loob.kaya agad kong binuksan yung pinto.
and i was surprise when i saw someone lying on the floor,at nung lapitan ko sya.
"Raine??" patanong na sabi ko dahil hindi ako sigurado,dahil may kadiliman sa room at nung hawakan ko sya.
"Damn she's hot" i mean may lagnat sya agad ko naman syang binuhat at sinakay sa may kotse ko.
tsaka ko sya dinala sa bahay namin,hindi ko alam pero yung agad ang naisip ko instead sa hospital siguro dahil mas mapalit ang bahay namin dito.
Pag kadating namin doon,agad ko syang binuhat at dinala sa guest room pinatawagan ko narin ang private doctor namin para matingnan ang kalagayan nya.
and now she,s peacefully sleeping medyo bumaba narin yung lagnat nya. . kahit tulog sya parang nakikita ko parin na nakangiti sya.. mukhang lagi syang masaya at walang problema..
bago ako lumabas ng kwarto,kinumutan ko muna sya.
"sleep well Raine. . "
BINABASA MO ANG
Devil Beside Me
Non-FictionHe's a devil, not literally. but some of they says he is