Chapter 8: Because of him?

34 1 0
                                    

*Kringggggggggg*

Napabalikwas ako ng bangon nung tumunog yung alarm clock ko,at pag tingin ko whaaaaa malelate na ako. Agad naman akong nag punta ng banyo at naligo hindi narin ako kumain.

Si Aki at Autumn lang pinakain ko tapos umalis na agad buti na lang hindi ako na late 30 mins pa.
Akala ko malelate na ako eh,naalala ko in advance ko nga pala ung alarm clock ko hahah




Kaya iniwan ko na si autumn dun sa lugar na lagi kong pinag iiwanan sa kanya,may kulungan naman sya eii.




Sigurado nag tataka kayo kung bakit ko sya nadadala dito sa school,well marami akong friends dito.
Si kuya guard, si manong ben yung hardinero,at yung mga janitors dito.


Pero kung friends na studyante katulad ko wala. .pero parang meron i dont think about jiro if friend ang tingin nya sa akin oo nag uusap kami, nag mall na nga kami dito at sobrang saya ko. Pag dito kasi sa school hindi kami masyado maka pag usap lalo na pag kasama nya sila Renz.




Bago pa ako tuluyan ma late tumakbo na ko papuntang room,buti walang teacher.


"Good morninggggg (^U^)" sigaw ko pag pasok,as usual deadmathology lang sila sa akin.



"PWEDE BA KUNG PAPASOK KA,PUMASOK KA NA LANG ANG INGAY-INGAY MO SISIGAW KA PA!!"




alam nyo na siguro kung sino ang nag salita, yipzzz *tango*tango* no other than Renz.
"Good morning" sabi ko tsaka ko sya nginitiian


"Nang aasar ka ba talaga at walang maganda sa umaga lalo na kung ikaw ang makikita" sabi nya with usual galit face, bakit kaya kahit beast mode si renz ang cuteeee nya parin hihih




"How about you?" tanong ko,kasi parang sinabi nyang pumanget umaga nya dahil sa akin.






"Anong sinabi mo?!" Tanong nya tapos lumapit sya sa akin kaya napaatras naman ako





"W.wala sige mag lilinis na ako" sabi ko tapos aalis na sana ako ng mag salita sya.




"Sandali" sabi nya kaya napahinto ako at humarap ako kanya.




"Bakit?" Tanong ko



"Sabihin mo nga anong ginawa mo kay jiro, bakit kinakausap ka nya at bakit kayo mag kasama sa mall?" sabi nya tapos ngumiti sya ng nakakaloko





"Wala akong ginawa sa kanya, mabait lang talaga si jiro" sabi ko naman






"Talaga? sabihin mo nga magkano ang kailangan mo para layuan mo si jiro?" naguluhan naman ako sa sinabi nya






"Anong ibig mong sabihin?" Kasi parang hindi maganda ang gustong palabasin ni renz







"Kunwari ka pa pera lang naman ang habol mo kay jiro diba, ano pa nga bang aasahan sa mga katulad mo.








at alam kong kaya ka lang naman naka pag aral dito dahil sa scholarship" natahimik ako sa sinabi nya kasi naman iniisip nyang pera ang habol ko kay jiro.









Devil Beside MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon