"La. la.la" ang bait talaga ni kuya ken di ba autumn?
"meow" cute mo talaga, kumusta naman ang check up nyo nag pakabait ba kayo Aki?
"Arf.arf.arf" good dog sabi ko tsaka ko hinimas yung ulo nya.
Galing kasi kami kila kuya ken, sabi nya kasi pag kagaling ko sa vet duman daw ako sa kanya.
Kaya eto pauwi pa lang kami nila Autumn at Aki nag lalakad na lang kami tutal malapit na lang naman.
Teka, p.parang may binubugbog dun? naku baka kung ano mangyari kay kuya.
Kasi naman tatlo sila tapos isa lang yung si kuya.whaaa anong gagawin ko? ah alam ko na.
"Aki come" tapos lumapit sya sa akin, may sinabi ako sa kanya tsaka sya tumakbo dun sa may binubugbog.
"Arf. Arf. Arf" kahol ni aki nag sitakbuhan naman yung tatlong lalaki natakot siguro kay aki.
Pag kaalis nila tsaka ako lumapit dun sa lalaking nakahandusay na sa kalsada at wala ng malay.
"Kuya? kuya buhay ka pa ba?" Kasi naman eh,baka natuluyan na itong si kuya.
"Arf.arf.arf" pati si aki tumahol na,binaba ko muna si autumn.
"Kuya, ui. gising ka dyan" sabi ko tsaka ko sya inalog- alog pero ayaw nya gumising hindi ko makita yung mukha nya kasi nakadapa sya.
Kaya naman hinila ko sya para maiayos at pagkita ko sa mukha nya.
O__O ei. ikaw??
* * * * * *
Renz Pov:
"Arghh sh*t" napahawak ako sa ulo ko na sumasakit dahil sa hang-over.
Naparami kasi ang inom ko kagabi, tapos yung mga walang kwenta kong kaibigan nilayasan lang ako.
Nahold-up pa tuloy ako at nabugbog pasalamat yung tatlong g*go nambugbog sa akin at lasing ako kagabi kung hindi baka nang hiram na sila ng mukha sa aso.
Teka kailan pa nag karoon ng teddybear sa kwarto ko? Hindi ko kwarto ito ah?
Tumayo ako para lumabas at tama nga ako wala ako sa bahay teka nasaan ba ako?
Nilibot ko ang paningin ko sa buong bahay walang tao.
"Good afternoon, mabuti naman at gising ka na" sabi ng isang nilalang na nag salita sa likod ko at pag harap ko.
"Ikaw? " Bakit ba kung sino pa yung kinaiinisan mo.
" yipz ako nga, nakita kasi kita kagabi binubugbog ka tapos lasing ka pa walang malay. Kaya naman nag patulong na lang ako para dalhin ka dito.