Nicko's POV
Katatapos lang ng Practice ng Basketball team namin , pumunta agad ako sa locker room para maligo at makapagpalit ng damit . Pag bukas ko ng locker may nalaglag na pink na envelope , so pinulot ko .
Natawa ako sa nakita ko LOVE LETTER nanaman ? seriously ? Haha nakaka lima na ako ngayong buwan , sino kaya itong babae na ang kulit actually hindi ko naman siya binabasa kasi basically diretsyo siya sa basurahan , rude ba ? Eh sa wala akong time .
Pumunta ako sa malapit na basurahan at tinapon , ang kulit talaga ng stalker ko hindi talaga siya sumusuko .
On the way na ako papuntang classroom ng makasalubong ko ang ex-bestfriend ko si jomer Ferrer .
" Oy Nicko musta na ? " Masayang bati niya sa akin , akala mo talaga parang walang nangyari sa aming tatlo .
Flashback :
Ay Sa susunod nalang pala pag nakilala na ninyo ung isa ko pang ex-bestfriend baka kasi maiyak pa kayo haha . To follow nalang para masaya haha . Okey back to reality .
(AN: pabibo ka talaga , kala kina gwapo mo yan ? Ge na nga . )
" Parang hindi tayo magkaklase ha? Kung mangamusta ka naman " sabi ko nalang hindi parin kasi ako makamove-on eh bakit ba ?
" ay magkaklase pala tayo ? Hindi ko kasi feel , ung trato mo kasi sakin parang stranger eh " sarcastic ninyang sagot .
" walang basagan ng trip " sabi ko nalang tapos lakad palayo .
Hindi ako pupunta ng classroom kasi maaga pa lang naman may isang oras pa . Kaya dumiretsyo nalang ako sa likod ng ng Campus tambayan ko talaga ito pagbaftrip ako eh .
Umakyat ako sa puno ng mangga para matulog may isang oras pa naman kaya tulog muna ako . Kaya lang may narinig akong boses galing sa isang room kung tama ang pagkakaalam ko un room na yun ang Lab .
Hindi ko maintindihan yung lyrics masyado kasing malayo , pababa na sana ako sa puno ng biglang tumigil ang boses sa pagkanta at nakarinig din ako ng pagsara ng pinto marahil umalis na siya .
Pero parang narinig ko na yung boses niya na kinakanta yon hindi ko lang alam kung saan at kelan eh . Hayyy mamaya ko nalang aalamin yun matutulog muna ako .
End of chapter 2
CHANGE OF HEARTS
Written by : MisterKiat
BINABASA MO ANG
Change Of Hearts
Teen FictionMain Character : Abigail "abi" Parker John Nicholas "nicko" Sparker Alrey Summer Liory "yori" Lim Carla Chen Jomer Ferrer Charmane Chen Armingol "jojo" Walter Edelyn Padilla Reyzan "shasha" Coleen Jonabelle Minh