Entry 16: Dun sa malayo..

483 5 4
                                    

Entry 16: Dun sa malayo..

(Yanna's POV)

Ok, hindi ko alam kung saan kami papunta basta ayokong sumakay sa sasakyan na yan.

"Bakit ayaw mo?"

"Basta!"

Lumapit sya sakin tapos tumigil sa harap ko.

"Pasaway ka. Motor lang yan. Sakay."

"Ayoko."

"Sakay na Yanna."

Wait, pag iisipan ko muna.

"Saan ba galing yan?"

"Hiniram ko."

"Balik mo na lang."

"Yanna,"

"I don't want to ride."

"Hay, pano tayo pupunta dun.."

"Saan ba?"

"Dun sa malayo.."

"Oh? Wag na lang tayo pumunta. Balik.."

Tumalikod na ako para bumalik sa campus pero hinila nya ko papunta sa kanya.

"Luhan naman e."

"Wag kang babalik.."

He said, his voice pleading. Kaya hindi na ako bumalik.

PERO HINDI TALAGA AKO SASAKAY SA MOTOR!! EVER!!

"Ano na gagawin natin?"

Tanong ni Luhan. Na umupo sa pavement.

"Aba! Malay ko sayo? Ano ba plano mo?"

"Sasakay tayo dyan."

Nagsadface sya pero.. no, never.

"Ay, nako. Ayoko."

"So, ano na? Magtaxi?"

"Anong Taxi? Mahal na pamasahe dun ngayon. Magcommute na lang kaya tayo!"

"Ha?"

"Commute."

"Ano yun?"

-____-"

Hindi nya alam yung commute?? Ay, grabe.

"Sakay tayo ng jeep papunta sa pupuntahan."

"Jeep?"

"Oo, jeep. Bakit?"

"Gusto ko sumakay dun!"

Haha, nakakatuwa si Luhan. Parang batang ewan.

"Hindi ka pa nakakasakay?"

"Hindi nga!"

Haha, natuto ngang mag Filipino pero pagsakay ng jeep di pa nagagawa. Kawawa naman ang isang to.

Ako ang magiging way para matupad ang mga gusto nyang gawin ngayon. ^__^

Go yanna! Kaya mo 'to. Luhan. Magsasaya ka ngayon.

Hinawakan ko yung kamay nya tapos hinila sya papunta dun sa may kanto. Dun kase yung antayan ng jeep.

Tapos....

Halos lahat ata ng nagdaan na jeep, puno. Ok. Kami na ang malas ngayon.

"Luhan."

Tinawag ko sya pero nakatitig sya sa.... saan?

"Luhanie??"

Ok, tulala parin sya. Hinanap ko yung bagay na tinititigan nya.

Ah, yun lang pala. Yung mga sumasabit sa jeep.

He's A WolfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon