Entry 17: For The First Time

463 8 2
                                    

Entry 17: For The First Time

(Luhan's POV)

"Wow. Ang ganda nung shark o."

Ok? Sinong hindi mag eenjoy. E, kanina pa yan hatak ng hatak sakin kung saan. Parang ewan.

Hindi daw pala maganda, eh bawat makita nya sasabihan nya ng maganda. Pero yung totoo... Aish! Wag na lang.

"Luhanie, ganda nung shark."

Sabi nya tapos tinuro nya yung mga bamboo shark.

"Oo na, kasasabi mo lang e."

Diba? Sabi senyo e!

Tapos...

Eh di ako na ang hinakatak dito! Hirap pala makasama ang isang bata. Makakalas agad ang braso mo.

Pero nakakatuwa syang panuorin kase hindi ko naman alam na ngayon lang sya makakakita ng mga ganyan. Lumalabas kaya sya ng bahay?

"Waah! Luhan ang galing nakapalibot satin yung mga fish!"

-___-"... nasa may tunnel kami na aquarium. Alam na. Bilib na bilib sya. Kung ano ano yung tinuturo. Hay. Bata talaga.

May fish daw tapos may coral. E, ano bang gusto nyang makita sa aquarium, lion, elepante ?

Pero nakakabilib naman talaga. Literal na underwater kami.

"May dolphin o!"

Ha? Asan? Pano magkakaroon ng dolphin dito? Nakoooo!

"Baliw, wala naman e."

"Wala ba? T^T."

"Oo, wala."

Tapos may nakita sya ulit kaya hinila nya ko ulit. -___-"

"Waah! Luhan, dun tayo. Dun sa may jellyfish. Daming ilaw."

Tapos hinila nya ulit ako. Hila lang. Nahuhulog ako lalo. Ehem. I said nothing.

Dinala nya nga ako dun sa may jellyfish. Yung mga tank ng mga yun iniilawan ng iba't ibang kulay tapos nirereflect ng mga jellies. Ang cute.

"Ang Cute, gusto ko ng ganyan sa bahay. >3<."

Sabi nya na manghang mangha sa nakikita.

"Bibilhan kita pag nagkabahay na tayo."

Ok, mali ata ang nasabi ko.

"Ha?"

Tapos inakbayan ko ulit sya. Kanina sa jeep e... ganda na nga ng akbay ko pinatatanggal pa. Kaya ayun. Niyakap ko sya. Kaynis e.

"Sabi ko bibilhan kita ng ganyan."

"Talaga? Bakit naman?"

"Dun tayo. Gusto mo ba sa fish na nangingiliti?."

Sabi ko para hindi na ako sumagot sa tanong nya.

Hinawakan ko yung kamay nya para ilead sya papunta dun sa isdang malilit na nangangain daw ng dead cells sa paa. -___-". Seriously, andaming pwedeng kainin, balat pa sa paa. Ayos lang! Buti hindi ako isda. Panget naman ng kakainin ko kung ganon. Kadiri pa.

Nung nandun na kami. Agad nyang tinanggal yung sapatos nya tapos...

Sapatos? Aish! Oo nga pala. Nakauniform kami!! Pano na yan? Wala akong tsinelas. Ay, bahala na nga si Joker.

Tinanggal ko na din yung sapatos ko tapos tinabi sa sapatos nya. Sabay naming nilublob yung paa namin sa tubig at..

"Waaah! Luhan, kakainin nila akooooo!"

He's A WolfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon