Entry 19: Who's She?

407 6 7
                                    

Entry 19: Who's She?

(Meia's POV)

Anebey-itey? Bakit umuulan ng sobrang lakas! Umiiyak na naman ang sky. Naiinggit sa kagandahan ko. Haha. Ilang araw na din ituuu. Grabe di ata titigil hanggat hindi ako nawawala sa mundo. Kasalanan ko bang maging maganda?

Pero :(. Pano ako papasok? Ehdi haggardness na ang beauty ko bago ko pa makita si Babes. Wag naman sana.

"Anak, may naghahanap sayo?"

Si Mudrabelles/Mader. Hay, sino na naman ang gumagambala sa dyosang kagaya ko?

Tumayo ako at nadulas dahil sa kahabaan ng buhok ko, naapakan ko na. Haba ng hair, nagrejoice ka ba girl? Haha. Joke. Hindi naman po talaga ako nadulas.

Medyo tinatamad ako pumunta sa pinto kaya inutusan ko ang alipin ko na magbukas. Ok. Tama na ang pagiging ilusyunada. Ako na po ang nagbukas ng pinto.

Emeghed.

"L-lay, anong?"

Hala? Bakit 'to nandito? Hala? Hala?

Basang basa sya tapos umiiyak ba sya? Bakit?

"P-pasok ka."

Tapos pumasok na sya tapos..

Niyakap nya ko na parang hindi nya ko nakita for 10 years.

"Is there anything I can do to make you love me more than him?"

A-ano tooooooo?

Hindi ako makasagot. Hinayaan ko lang si Lay na yakapin ako ng ganon.

"Sorry."

Yun lang ang tanging salitang kaya kong sabihin ngayon. Parang ayun lang yung salitang tamang sabihin. Pero parang mali paren? Bakit?

Basang basa na ako, si Lay kase basa dahil sa ulan tapos umiiyak pa sya. So basang sisiw na ampegg naming dalawa.

"Meia..."

Tapos humagulgol na sya. Hala? Ano gagawin ko? Bakit ba kase ang ganda ko e? Nakakainis.

Pinat ko yung likod nya tapos humiwalay na sya.

"Sorry Lay."

Tapos nagtitigan lang kami dun. Kinakabahan naman ako. Ano ba 'to talaga? Loka loka naman kase ako e! Hay.

"So ganito na lang ba Meia?"

Hindi ko muna sya tiningnan kase wala akong maisagot. Naman! Ayoko naaa!

"Hay, talo na ba ko Meia?"

Anebeyen Lay? May laban ba? Pano ka matatalo? Naman o! Naguguluhan na talaga ako. Super.

"Why am I even pushing myself towards you?"

Narinig kong bulong nya.

"But I guess we can be friends, right?"

"Oo naman Lay."

Hay, pero teka lang nga.... nakauniform si Lay, ibig sabihin. MAY PASOK? Kung may pasok ibig sabihin makikita ko na din si Babes. Wuhaha. Ehem.

"Lay may pasok ba?"

Tanong ko para makasigurado.

"Yata?"

Yata? Hay. Pero papasok pa rin ako! Ako pa!

Pero pano naman ang isang 'to na basang basa na?

"May pamalit ka ba?"

"Yeah. May dala ako. Nasa bag."

Ah. Meron naman pala e!

"Oh sige, palit ka na."

He's A WolfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon