Entry 25: Drawing

98 2 2
                                    

Entry 25: Drawing

(Yanna's POV)

Ang sarap ng hangin at ang ganda dito sa lugar. Yung yelo na bumabalot sa paligid dati ay nawala na. Para akong nasa isang paraisp. Napapaligiran ng namumukadkad na bulaklak at mga naglalakihang puno. Iba't ibang kulay na ang makikita ngayon, hindi tulad dati na walang hanggang puti lang ang nakikita ko.

Naglakad-lakad ako dito.

Grabe, hindi ako makapaniwala sa lahat ng nandito. Ang hiwaga e. Para akong nagteleport sa wonderland at ako ngayon si Alice.

Malayong-malayo nasa dating lugar na may monster na kinatatakutan ko.

Ayoko na palang maalala.

Bawat lakad ko,ang gaan. Ang ganda kasi ng paligid. Pero hindi yata nakikisama yung tyan ko.

~~grhghhrhhgrrgggggrhh~~

Shemay. Ngayon pa ko aatakihin ng kagutuman? Grabe Yanna. Hanggang sa panaginip ba namaaan?

Buti may nakita akong puno na may prutas ata.

Nilapitan ko. Salamat meron pang bunga. Isa nalang e. Pero mapagtyatyagaan na din. Hehehe.

Mabuti nang mabitin kesa walang laman ang tyan, diba?

Kinuha ko yung nag iisng prutas. (Sorry puno.) Mukha syang apple. Siguro, edible naman. Pero nung hinawakan ko na ...

"Yanna."

May tumatawag sakin.

"Hmm?"

"Yanna."

Nagising ako.

"Mommy?"

Nakatayo si Mommy sa gilid ng kama ko.

"You only have 45 minutes to go to school."

Sigh.

* * *

Absent si Miss Ailah, teacher namin bago magbreaktime kaya ang aga ng recess namin.

Di ko pa naman trip kumain kaya nagdrawing nalang ako. Hindi ko rin naman mapupuntahan si Meia kasi alam kong makakagulo lang ako sa kanila ni Suho "babes" nya.

-___-

Naalala ko yung panaginip ko kanina.

Hayy. Panaginip lang. Ice na kung magkatotoo. Saka Ice din syang idrawing diba?

Sige. Susuportahan ka ng utak mo, Yanna. Yey.

Binubuksan ko na yung bag ko para kunin yung mga pangdrawing ko dun nang may biglang umupo sa tabi ko. Akala nya, hindi ko sya mapapansin.

"Hi, Nia!"

Bati ko habang nilalagay yung pencil case ko at sketchpad sa desk.

"Hi, Yanna."

Bati nya rin.

Ano kayang kailangan nito?

Seriously. Wala namang lumalapit sakin nang biglaan para makipagdaldalan lang. Hindi ako maayos makipagkwentuhan. Kaya pag may tumatabi sakin, alam ko nang may kailangan yun sakin.

At least, may pakinabang ako sa mundo. Hohoho.

"Bakit?"

Tanong ko agad.

"Pwede ba kitang kausapin?"

"Para san?"

Nakakakaba naman 'tong conversation namin.

He's A WolfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon