8

37 2 0
                                    

Natapos na mag gala ang dalawa pero naging tatlo dahil kay alden na aliw na aliw makipag kwentuhan kay karylle. Hinatid ng magkapatid si karylle sa kanyang bahay nang sila nalang ang matira ay lumipat sa shotgun seat si alden.

''Kuya pano kayo nag kakilala ni k?'' Tanong ni alden

''Sa restaurant. Nagpa picture siya sakin, tapos natuwa ako sakanya kaya gusto ko siya maging kaibigan.'' Sabi ni peter

''Ah feeling ko love at first sight ako. Gusto ko siya'' Sabi ni alden

''Subukan mo lang.'' Sabi ni peter na parang may kasamang pagbabanta

''Bakit?'' Takang tanong ni peter

''Wag si karylle sinasabi ko sayo, tatanggalin ko yang dimples na nakaukit sa mukha mo.'' Seryosong sabi ni peter. Hindi nalang sumagot si alden

------

Naging busy si karylle ngayong linggo dahil sa madaming inaasikaso february na at malapit na ang graduation kailangan niyang mag dobleng sipag sa pag aaral para maka graduate. Kaya inalis lahat ng distractions like cellphone. Halos 3 days niyang hindi hinawakan yung cellphone niya para walang makagulo sakanya. Pinatago niya muna ito sa bahay nila anne. Sa school lang talaga siya nakakabawi ng mga usap pakikipag daldalan sa mga kaibigan dahil kapag nasa bahay ang ginagawa nalang niya ay aral, kain at tulog. Sa eskwelahan na sila vice ang nandoon, si vice na hinihila siya kung saan saan, si vice na lagi niyang kasama kahit saan. Pero kapag gusto na,an mag aral ni karylle ay si vice na ang sumasama dito para sabay silang mag aral. Isa si vice sa pinaka matalino kung hindi lang sinasamahan ng kalokohan nako naka graduate na to ngayon palang.

Valentines.

Busy-ing busy ang lahat sa pagdedecorate para sa valentines day iba ibang pakulo ng mga estudyante para sa jowa nito at ang trabaho naman ng mga single ay magsasabi ng ''walang forever'' kapag nakikita nilang sweet ang mga tao. Isa na si Buern, na nag aantay na may magbigay ng flowers kahit sa pinaka nerd sa lahat pero nga nga. Pero biglang may kumalabit sa kanya sa likod

''ANO BA WALANG FOREV---'' hindi natuloy ang kanyang sasabihin dahil paglingon niya sa likod ay nakita niya yung lalaki na may hawak na isang rose, chinito, at gwapo.

''Hi.'' Sabi ng lalaki kay buern sabay abit ng isang stem ng rose

''Tha- thank you,'' sabi ni buern sabay kuha ng rose
''Am poge ne keye..'' Sabi ni buern sa sarili

''Ako nga pala si enchong,'' sabi ni enchong at inabot ang kamay kay buern

''Eke nge pele se bern.''

''Bern ah okay okay bern.'' Sabi ni enchong na tumatango tango na inuulit yung Bern.

''Buern talaga siya pero naging bern nag papabebe kasi.'' Sabi ni archie kaya natawa naman si enchong

''Ah okay buern pala.''

''Uhm enchong bat mo nga pala ako binigyan ng rose?'' Sabi ni buern habang naka ngiti

''Hindi, dito kase dadaan yung girlfriend ng kainigan ko e. Pakibigay ha kapag dumaan na siya may surprise kase e. Sige una muna ako tinatawag ako e.'' Sabi ni enchong at umalis na

''Eyen kese yen teley nge nge!'' Pang gagaya ni jake sa boses kanina ni buern

''Too much expectations lead to hallucinations. Sa madaling salita wag kang asumera para wag kang ngumanga kumain ka nalang ng hopia mabubusog ka pa.'' Pangaral ni archie

#HopiaZone

------

Karylle

Nothing (Vicerylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon