Simula nung gabing yun ay bumalik ang closeness ni vice at karylle wala naman masyadong nagbago lalo na ang nararamdaman ni vice kay karylle sa tingin niya ay di na magbababgo. <3
''Hi mga beks!'' Bati ni vice sa mga kaibigan na kasama ni anne
''Ay nandyan ka pala, hi anne.'' Pahabol na sabi ni vice
''Hello deeeeen!''
''Asan si k bakit di niyo siya kasama?''
''May sakit si bestfriend mo.'' Simpleng sabi ni anne
''Ha?! Kaya pala di nag rereply sakin yun kagabi.Sige una na 'ko'' sabi ni vive at umalis na
''Hay nako di nanaman mapapakali yan kakaisip kay karylle.'' Sabi ni aaron habang umiiling
''Kapag tinamaan ka nga naman,''
-------
Dismissal umuwi kaagad si vice at dumiretso sa bahay nila karylle naabutan niya sa sala ang nanay ni karylle si tita zsa zsa (A/N: Parang nangyare na 'to sa chap 8 haha.)
''Good Afternoon po tita,'' sabi ni vice at bumeso sa nanay ni k
''Dadalawin mo ba si k?''
''Opo nabalitaan ko po kasi na may sakit siya kanina ko lang po nalaman,'' vice
''Ah ganun ba. Kumain ka muna diyan may pagkain sa kusina.'' Nakangiting sabi ni tita z
''Ay hindi na po, puntahan ko nalang si k po.''
''Ah okay okay. Sa taas pangatlong pinto''
Kaagad na dumiretso si vice sa taas sa kwarto ni karylle nakita niya itong nakahiga habang nagbabasa ng libro kumatok siya at pumasok sa loob.
''Vice?''
''Kamusta ka okay ka lang ba?'' Nag aalalang sabi ni vice
''Vice haha di naman to malala masakit lang puson ko kase meron ako ngayon.'' Natatawang sabi ni karylle
''Ayhsss kaya pala ganun lang yung pagkasabi sakin ni anne na may sakit ka di naman pala malala akala ko may lagnat, dengue or ano dahil lang pala sa mens haha. Pero masakit pa ba?'' Vice
''Medyo pero di na katulad kanina.''
''Okay okay. Ano gusto mong gawin?'' Tanong ni vice
''Kwentuhan nalang tayo'' suggestion ni karylle
''Okay'' kaagad na humiga si vice sa kama kahit di pa nito natatanggal ang sapatos nito
Sa halos mag iisnag oras na pag kwe kwentuhan nila ay hindi nawala sa usapan ang lovelife
''So ikaw vice may nagugustuhan ka ba ngayon?'' Tanong ni k
''Anong klaseng gusto?'' Vice
''Like gusto mo siya, gusto mo siya maging girlfriend/ boyfriend yung ganung stage.'' Karylle
''Meron naman.'' Kaagad na napabangon si k
''Ha? Sino bakit di ko alam?''
''Wag mo na itanong kung sino.'' Simpleng sabi ni vice habang naka ngiti
''Weee! Ang daya! '' nakasimangot na sabi ni karylle
''Ikaw meron ba?'' Tanong ni vice umiling naman si k
''Kahit sila peter?''
''Crush na crush ko lang si peter. Si alden naman friend lang.'' Simpleng sagot ni karylle
