10

40 3 0
                                    

Hindi alam ni vice kung bakit siya naiilang ilang beses naman na siyang nagsuot ng ganto pero iba ngayon. (A/N: H&M na kasi lol.)
Habang naglalalad si vice ay nakasalubong niya si anne na kasama si vhong.

''Si k?'' Nag sign naman ng ewan si anne

''Ah sige thank you,'' nakangiting sabi ni vice. Aalis na sana siya pero may biglang sinabi si vhong

''Mukhang may nakain ka nanaman brad ah, iba nanaman pormahan natin.'' Natatawang sabi ni vhong

''Ah ge. Panget?'' Naiilang na sabi ni vice

''Hindi naman. Maganda maganda,'' sabi ni vhong

''Sure ah? Sige hanapin ko muna si k,''

Halos naikot na ni vice ang buong campus pero di niya nakasalubong si k, kaya natigil siya sa paghahanap dahil naka salubong nanaman niya si gyan.

''Huy!'' Tawag ni vice

''Problema mo?'' Gyan

''Di ko makita si k,'' sabi ni vice dito. Umarte naman si gyan na mukhang na shock at medyo paiyak na

''Oh- - oh my god, bulag ka na?'' Umaarteng sabi ni gyan

''Alam mo minsan iniisip ko bakit di kayo magsama ni buern wala kayo kwentang kausap eh no? Sige una na ako,'' Umalis na si vice pero hinatak siya ni gyan

''Bastos ka? Iniwan mo ko e, alam ko kung nasan si k.'' Nakangiting sabi ni gyan

''Asan?'' Vice

''Sa bahay nila!'' Pasigaw na sabi ni gyan na may kasamang pag taas ng kamay

''Pano mo naman nalaman?'' Kunot noong sabi ni vice

''Hello? Kino-close ko kaya siya para sa'yo. Naks! Wag umasa sakin ha,'' gyan

''Wow! Ganda mo e no? Gondo!'' Sabi ni vice habang pinapadyak ang paa na may kasamang turo kay gyan

''Talaga!'' Sabi ni gyan. Hinawi niya muna ang buhok niya at umalis bigla

''Galeeng! Bastos din e no?'' Seryosong sabi ni vice habang tinitignan si gyan na naglalakad paalis

Pinuntahan ni vice si k sa bahay nito mukhang walang tao kaya dumiretso siya sa kwarto ni karylle. Kaagad niya itong nakita na busy sa pagkalikot ng cellphone. Kaya dahan dahan siyang lumapit at ginulat ito

''WAAAAAAH!'' Sigaw ni vice kaya napasigaw din si karylle

''BWAHAHAH.'' Tawa ng tawa si vice yung tipong gusto niyang magsalita pero nauubusan ng hangin kaya di ito magawa

''Bwiset ka talaga vice!'' Sigaw ni karylle at hinampas si viuce sa balikat. Matapos tumawa ni vice ay inayos muna niya ang sarili at tumabi kay karylle.

''Oh anong ganap bakit di pumasok?''

''Late na kase akong nagising kaya yun di nalang ako pumasok tyaka inaantok pa ako.'' Sabi ni karylle pero nakatingin lang sa cellphone

''Ah. Karylle natandaan mo ba yung tinanong mo ako kung sino yung gusto ko?'' Tumango naman si karylle

''Gusto mo ba malaman?'' Tinigil naman ni k ang pag ce-cellphone at tumingin kay vice mukhang interesado itong malaman

''Game dali!'' Na eexcite na sabi ni karylle

''Tara, para malaman mo kung sino.'' Sabi ni vice at pumunta sila sa tapat ng salamin kaya naguguluhan si k bakit sa tapat ng salamin sila pumunta?

Nothing (Vicerylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon