May bagay talaga tayong di maintindihan. Lalo na kapag si tadhana ang gumawa. Minsan nagugulat na lang tayo na pinaglalaruan na tayo nito. May mga bagay na ginagamit si tadhana para masaktan tayo pero di natin alam na isa lang yun sa mga bagay na dapat pagdaanan natin para makilala kung sino ba ang karapat dapat satin.
"Maghahanap ka ba ng iba kung nandito naman ako? ~D~"
Kanina ko tinitignan ang card na hawak ko habang nakahiga dito sa queen size bed ko. Pagkagising na pagkagising pa, lang ito na tinitignan ko. Pinipilit kong isipin kung sino ang pwede magbigay. Pero wala talaga eh. Napansin ko yung letter "D" sa dulo ng card.
"D? Hindi kaya..."
Hindi! hindi! Sobrang labo! Sinabi niya na sakin na mali yung taong mahal ko. Pero baka naman nag bago ang isip niya, baka mahal niya na rin ako.
"Hay! Dylan Limuel Hernandez! Bakit mo ba ginugulo puso ko pati buhay ko nagugulo na rin eh!"
Heto na naman ako! Kinakausap ang sarili kaya minsan pinagkakamalan akong baliw eh di lang sa school pati magulang ko pinagkakamalan akong baliw. Ano bang masama sa pagkausap ng sarili? Sabahin niyo nga. -___-
Bumaba na ko ng hagdan para magalmusal dahil wala ang mga magulang ko itlog na naman ang ulam ko. Wag niyo kong tanungin kung ano pa ang kaya kong lutuin kasi maliban sa pancit canton at lucky me itlog lang ang kaya kong lutuin. Oh ang sama na naman ng tingin niyo sakin! Eh bakit ba yun lang natutunan ko sa tanang buhay ko. Ngayong first year college nga lang ako natutong magluto ng itlog eh. Pero minsan pag kumakain ako ng itlog umay na umay na ako. -____- Pano ba naman sa tuwing maghahoneymoon sila Mommy and Daddy laging itlog na lang kinakain ko. Breakfast ko itlog, lunch ko itlog at asahan niyo na pati dinner ko itlog! Kaumay lang di ba.
---Jegger's Calling---
Nagaalinlangan akong sagutin kasi alam ko naman na makikibalita siya sa nangyari kahapon. Hinayaan ko lang magring hanggang sa tumigil ito.
---Jegger's Calling---
"Hay nako Jegger bakit ba ang kulit mo!!!" sabi ko ng may pagkairita pagkatapos ay sinagot ko na.
Jegger: "Baklaaaaaaaaaa!!!!"
Pauline: ".............."
Jegger: "Hoy ateng malandi magsalita ka! sayang ang beautiful voice ko dito noh!"
Hay nako! Malandi talaga tong baklang toh. Tama po kayo ng basa BAKLA po siya! Di lang basta bakla isa siyang MALANDING BAKLA! Pero kahit ganiyan yan siya lang ang natatangi kong bestfriend. Halos lahat kasi ayaw sakin.
Jegger: "So, wala ka talagang balak pansinin ang beauty ko?! Kaloka ka teh!"
Mamaya ko na iku-kwento kung pano kami nagkakilala. Nag-aalburoto na kasi tong isa eh.
Jegger: "Wag kang magalala sis! Di naa ako mag-aask pa kung ano nangyari kahapon! Sa pag di mo pa lang pagsagot halatang halata na!"
Pauline: "..............."
Ibang klase talaga ang pakiramdam nitong si Jegger. One thing na magugustuhan mo sa kaniya yan. Kapag malungkot ka ramdam niya agad yan kaya pag ganun di na yan mangungulit.
Jegger: "Di ako tumawag para makipag chikahan sayo girl! kaloka ka! Anong akala mo sakin CHISMOSOOOOO?!?!"
Pauline: "Bakit? Hindi ba? *chuckle*
Jegger: "Alam mo girl! Mas mabuting wag ka na magsalita! Nakakaloka ka eh! Kaya lang naman ako tumawag para kamustahin ka at sabihin andito pa ang maganda mong bessy. Wag ka sanag magpakaemotera diyan Girl! Baka mamaya dumami wrinkles mo diyan! Ayoko na sayo pag ganun! You know naman me, yoko maging chaka sa harap ng mga boylalou koooo~"
BINABASA MO ANG
9 Letters For You (Hiatus)
JugendliteraturIsang babae na ginawa ang lahat para lang sa pagmamahal. Pero mukhang kulang pa ang pagmamahal niya sa mga taong minahal niya. Sinong magaakala na magbabago ang pananaw niya sa pagmamahal dahil sa isang mysteryosong lalake.