-Paulin's POV-
Move On
Yan na ang dapat kong gawin...
Paano?
Nagiisang tanong sa ulo ko na nakakapagsakit ng puso ko...
"Bakit ba ako magmo-move on? eh di nga naging kami!!!"
Nasabi ko na lang habang naglalakad ako pauwi sa amin. Magang maga ang mata ko kakaiyak sa restaurant. Wala akong pake kung mapansin nila ako! Di naman nila ako kilala eh! Di na rin ako pupunta dun baka masunog pa yung lugar na yun!
Ako nga pala sa Pualine Jingco. Isang First year college, BSBA ang kinuha ko sa University of Anywhere. At higit sa lahat isa akong BROKENHEARTED GIRL! Gusto ko nga kantahin yung kanta ni Beyonce!
"I'm Sorry...."
"Aaaaarrrrgggghhhh" sigaw ko at nagtinginan naman ang mga tao sa paligid ko.
Yan na lang ang nasabi ko nung maalala ko yung sinabi niya.
Di ko aakalain na ang isang 'sorry' ang makakapagdurog ng puso ko. Gusto kong magalit sa kaniya. Alam ko namang panget ako....
NOON!
Oo! noon lang yun! Nung nagkagusto ako sa kaniya ang panget ko pa. But, I change for... Him.
Isang mabuting tao si Limuel at siyempre gwapo! magugustuhan ko ba kung hindi?! Ayaw na ayaw ni Limuel na makasakit lalong lalo na sa mga babae.
Nagkita kami sa isang conference ng University noong 4th year ako.
Naniniwala ba kayo sa 'Love-at-first-sight'?
Ako kasi hindi... siyempre noon din yun!!!
Para naman kasing ang hirap sabihin at sobrang impossible! Mahal mo agad eh kakakita niyo pa lang!!! Lokohan lang?!
Pero nung nakita ko siya.. shokla naman! Ang daling sabihin na hindi ako naniniwala sa 'Love-at-first-sight' pero kapag naranasan mo HEAVEN!! yung feeling na may mga stars sa paligid niya habang tinitigan mo siya. Isama mo pa na may tugtog kang naririnig kahit wala namang nagpapatugtog.. Yung tibok ng puso mo sobrang bilis na para bang tumakbo ka ng ilang kilometro. May kung ano sa tiyan mo na hindi mo maintindihan kung natatae ka ba o parang blender yung tiyan mo kasi parang may umiikot ikot sa loob. Sabi nila butterfly in the stomach daw tawag dun. Halos idikit ko na ang mukha ko sa kaniya. Ni hindi nga ako nakikinig dun sa nagsasalita kasi nakatingin lang ako sa kaniya!
Bakit ko ba inaalala ang mga kamalian ko dati! (.___.")
Ang hirap naman kasi maging brokenhearted sa isang nice guy.
Pagkauwi ko sa bahay....
Dumiretso ako sa kusina para kumuha ng kutsara. Kakainin ko ang isang galon na ice cream na kakabili ko lang kanina. Kailangan ko ng pang pakalma.
Pagkaharap ko sa refrigirator namin may note...
NOTE: Anak wala kami ng tatay ng 1 week. Mag hahoneymoon lang ulit kami. Ikaw muna bahala sa bahay. May mga pagkain na rin kaming iniwan para naman di mo kami sumpain. Peace lang anak. Enjoy your day without us.
P.S. Wag ka rin tumawag samin, unless it's necessary.
(-_______-)!!!
NAK NG TOKWA!!!!
Nilukot ko na lang ang note na isinulat ni mama. Kailangan talagang ipamukha na magho-honeymoon sila?! BWISET! Kumuha na lang ako ng tubig sa ref tapos gora na ko sa tapat ng T.V.
Icecream- check
1 liter of water- check
2 boxes of tissue- check

BINABASA MO ANG
9 Letters For You (Hiatus)
JugendliteraturIsang babae na ginawa ang lahat para lang sa pagmamahal. Pero mukhang kulang pa ang pagmamahal niya sa mga taong minahal niya. Sinong magaakala na magbabago ang pananaw niya sa pagmamahal dahil sa isang mysteryosong lalake.