Hi po! Kamusta? Anyeong! Kunichiwa! Wazzup!
I just want to say na thank you sa pagbabasa mo nito.
Anyway, keep reading po.Salamat! Sana magustuhan ninyo at makarelate kayo sa mga mababasa ninyo!
Enjoy! ^_^v
________________________
Lumalakas ang ulan. Patuloy pa rin ang pag agos ng tubig sa daan. Marahil yoong iba ay tulog na pero ako ay nananatiling gising sa kalagitnaan ng kalamidad. Sumilip ako sa bintana upang pagmasdan ang mga tubig ulang pumapatak sa di-kalayuan kasabay ng mga luha kong tanging kasama ko sa dilim ng gabi.
Habang tumatagal lalo kong nararamdaman ang lamig ng bagyo. Ito ay kasing tindi ng lamig na nararamdaman ko sa aking puso.
Lumipas ang aling oras, pagod na ang aking mga mata sa pagtulo ng mga luhang tanging ako lang ang nakakaalam. Hilam na sa mga panibugho na aking nadarama. Saglit kong nilibot ang aking paningin upang humanap ng liwanag na nagpapakit sa akin ng kalungkutan ng gabi.
Marahil sa iba, maliit lang ang dinaranas kong kalungkutan. Subalit hindi ko maipakita. Dahil nasanay ako na itago ang totoo kong nararamdaman mula pagkabata.
Segundo, minuto, oras, araw, buwana ng lumipas pero tanging tangan ko ang dalamhati ng nakalipas. Walang sinoman ang nakakaalam kung bakit ako nagbago.
Kailangan kaya kami mabubuo?, tanong ko sa aking isip. Muling naglandas ang isang luha sa aking mga mata. Kasabay ng bugso ng damdamin na walang nakakapansin. Malungkot ako sa aking naisip. Dahil alam ko na imposible ng maibalik ang dating buo kong pamilya.
Natatanaw ko ang sinag ng buwan sa dilim ng kalangitan. Marahil sa iba ito'y nakakatakot pagmasdam ngunit sa akin ay may kalakip na pag asa.
Pag asang ipagpatuloy ang bukas at ang buhay.
_______________________
Itutuloy ko po ba?
Comment sa gustong ituloy ito..
I know medyo boring at ang lalim nung umpisa pero umpisa lang yan..Halo-halo kasi yung genre nung story so.. Yung una drama muna.. Secret muna yung sunod. Hehheeh! ^_^v
Try ko mag-update every week.. Mostly Sundays..
Till next chappy ulet!
-Ate Jeru ^_~
BINABASA MO ANG
Trip To Jerusalen
Historia CortaLahat tayo may kanya-kanyang problema. Pero iba-iba ang sitwasyon at kung ano o sino Iilan lang ang nakakasurvive Kadalasan sumusuko. Pero sa lahat ng problema meron yung para hindi maintindihan. Isang bagay na nandito sa istorya na ito. Marahil...