Hi girls and guys!
Eto na oh.. Update ko na.
May isa kasing nagcomment so ayun.. Salamat sayo.. You know who you are..
Dedicate ko sayo ito.Hope you like it. ^_^v
_______________________Naglalakad ako sa gilid ng eskinita, malapit sa dating tahanan ng ating pambansang bayani, na si Dr. Jose Rizal. Masakit ang aking mga binti lalo na ang paang pagod na sa paglalakad.
Nang makarating ako sa tapat ng tahanan ni Rizal, saglit kong pinahinga ang aking sarili. Nang ako'y nakahuma na sa kapaguran, agad akong pumasok sa bakuran niya.
Dinama ang bawat damong kumikiliti sa aking mga pagang paa. Nagdudulor ito ng kaginhawaan sa aking hapong kaisipan.
Sa bawat oras na tinatagal ko sa lugar na iyon, dama ko ang mga alaala niya. Iyong ang mga sandali na gusto ko ng kalimutan. Subalit minsa'y masayang alalahanin ang mga ito. Sayang may halong luha at kalungkutan dahil kahit kailan hindi na muli pang mababalikan.
Marahil sa iba, maliit lang ang dinaranas kong kalungkutan. Subalit hindi ko maipakita. Dahil nasanay ako na itago ang totoo kong nararamdaman mula pagkabata.
"Hanggang kailan ko madarama ang sakit ng kahapon?", tanong ko sa aking sarili.
Bawat patak ng luha ko ay kaginhawaan ang katumbas. Kung sa iba ay bigat sa akin ay kagaanan.
Lumipas ang ilang sandali dumating ang hindi ko inaasahan. Isang unos na gumugupo sa aking kaibituran. Isang sigalot na hindi maiiwasan. Isang problema na tanging ako lang ang nakakaalam.
Mahirap dalhin ang isang mabigat na katotohanan. Isang problema na tanging ako lang ang nakakaalam.
Mahirap dalhin ang isang mabigat na katotohanan. Isang bagay na tanging wala makakaintindi.
Mabils lumipas ang panahon. Datapwat maraming nakakapansin ng aking pagbabago. Iilan lang ang nakakaalam ng tunay n dahilan ng aking pinagdadaanan.
Segundo, minuto, oras, araw, buwanang lumipas pero tanging tangan ko ang dalamhati ng nakalipas. Walang sinoman ang nakakaalam kung bakit ako nagbago.
Defense mechanism. Iyan ang tanging sagot ko. Pagod na akong magpaliwanag sa mga tengang mapanghusga. Hindi katotohanan ang naririnig kundi mababaw na rason.
Katatagan. Salitang madaling sabihin pero mahirap gawin at panindigan. Sa salitang ito nababase ang lakas at paninindigan ng isang tao. Marahil isa lamang itong karakter. Subalit ito ang nagbibigay dahilan para magpatuloy ko pa ang buhay na meron ako.
Pag iyak. Kapag ang salitang ito ay pumasok sa isip mo, kakabit niyo ang salitang kahinaan. Bakit ba kailangan dikit ang dalawang salitang ito? Hindi ba pwedeng kapag umiiyak ka simbolo ito ng pagiging matatag mo? Di ba nga binabawasan mo lang ang pagiging problemado mo? Hirap ng loob at tensyon na nararamdaman ay dalawa lamang sanhi ng pag iyak.
Pagmove on. Tulad ng katatagan, ito ay salitang madaling savihin pero mahirap gawin. Napakalawak ng paraan pero iisa lang ang ibigsabihin. Magpatuloy sa agis ng buhay. Lahat ng bagau ay natututunan subalit mahirap isabuhay.
Takot. Salitang maraming ipinapaintindi sayo ngunit iisa lang ang mararamdaman mo. Isang matinding danasin na tanging ikaw lang ang makakapigil. Sa una madali lang dalhin ngunit kapag hindi mo agad winaksi ito ay magdudulot ng grabeng pinsala sa iyong pagkatao.
Pagpipigil. Ang pagpipigil o self control sa Ingles ay mahirap panatiliin. Mahirap ang ugaling ganito. Dahil maraming kaakibat na pundasyon at mataas na panindigan sa desisyon. Kadalasan maraming bumibigay sa maling rason. Dahil nawawalan ng ganitong ugali. Dapat bigyang diin na lahat ng tao ay may pagpipigil lalo na kung hindi sigurado sa gagawing hakbang.
Madilim na gabi. Nakakatakot at nakakapagpahinga ng iyong isip. Magkasalungat ngunit magarugtong. Tanging iisa lang sa katulad ko ang makakaalam nito.
Depresyon. Nakakahiyang sakit ngunit paglumala maaring ikamatay. Ginugupo niyo ang pinakaibuturan ng iyong pagkatao.
Defense mechanism, katatagan, pag iyak, pagmove on, takot, pagpipigil, madilim na gabi depresyon mga salitang umiikot sa isip ko. Paikot ikot sa buhay ko. Paulit ulit dumadaan sa akibg balintataw. Sadyang madaling pagdesisyunn pero mahirap ituloy tuloy.
Sa paglipas ng araw marami akong natutunan. Marami akong nadiskubreng mga bagay sa buhay ko na madalas nakakaapekto sa pag galing ko. Minsan maganda pero kadalasan ay nagpapalugmok sa akin sa putikan ng kasalan.
Umupo ako sa bench doon. Pinagmasdan ay bawat paligid. "Ang dami ng tao", biglang sambit ko. Ito na yatang araw na may pinakamaraming tao sa bawat pagbisita ko dito.
Magkakaibigan, magkakaklase, mga nagfifieldtrip, mga turista at pamilya ang mga nandirito. Kay sarap pagmasdan lalo na ang pamiltang tanaw ko.
Kailangan kaya kami mabubuo?, tanong ko sa aking isip. Mauling naglandas ang isang luha sa aking mg mata. Kasabay ng bugso ng damdamin na walang nakakapansin. Malungkot ako sa aking naisip. Dahil alam ko na imposible ng maibalik ang dating buo kong pamilya.
Noon pa may tanggap ko na hindi na muling maibabalik ang nasirang masayang samahan. Oo, masakit isipin pero wala na akong magagawa doon. Dapat kong unawain ang aking magulang para kahit sa ganoong paraan ay makagaan sa pakiramdam.
"Ako kaya magkakaroon din ng pamilya?", tanong ki sa satili. Marahil oo, o hindi. Nasa sa akin lang o nasa tadhana ang sagot.
Pumasok ako sa loob ng tahanan ni Rizal. Dama ko sa bawat sulok ng kabahayan ang mga nakatagong kasaysayan. Kung tutuusin moderno na ang ibang mga kagamitan pero bakas pa rin ang katotohanan na magmula ito sa lumang panahon.
Tandang tanda ko pa nung elementarya ako lagi kong hiling ang ang makaabot dito. Gustong gusto kong makita ang kasaysayan. Nais kong maramdaman at malaman kung anong meron sa nakaraan.
Nagbago ako. Sa pagbabago kong ito ay may mga bagay akong natuklasan sa aking sarili. Matatag pala ako. Noong una hindi ko pa matangap pero noong may nangyari sa aming isang malaking pag subok, doon ko napatunayan na matatag pala ako.
Taong 2007, naranasan naming magutom. Awang - awa ako noon sa mga kapatid ko lalo na kay mama. Kasi dinudugo sya. May bukol daw sya sa matres sabi ng doktor. Abot abot ang dasal ko sa Diyos na gabayan Niya kami para malagpasan ang sigalot na iyon.
Lumipat kami ng tirahan. Iniwan ang buhay na nakasanayan. Muli kaming nakipagsapalaran sa Los Baños.
Mula sa isang subdivision na dati naming tinitirhan ay lumipat kami sa bahay na nakatirik sa gilid ng riles. Magulo, maingay at hindi kaaya-aya ang lugar na iyon. Ang gusto ko lang yung mismong bahay kahit na luma. Nag umpisa kami sa wala. Ngunit kahit na ganoon masaya pa din kami sama sama.
Mula sa privadong paaralan ay lumipar kami ng mga kapatid ko sa pampubliko. Akala ko noobg una hindi ako makakapag adjust pero hindi pala. Madali kong nakasanayan ang aming panamalagi doon. Laki naman kasi ako sa hirap.
Dumaan ang bagyong Ondoy. Sakto pa sa kaarawan ko. Walang handa di tulad noong mga nakaraang taon na paging may pakaib si Mama. Hinihintay kong dumating sila Mama. Umaasa na malamnan na ang sikmura kahit ang mga kapatid ko na lang.
Kasabay nang pabuhos ng ulan dama ko ang mga luhang dumadaloy mula sa aking mga mata. Pagod, pag aalala at gutom ang sabay kong pinagdaraanan. Ngayon ko lang ito naranasan sa aking kaarawan.
BINABASA MO ANG
Trip To Jerusalen
القصة القصيرةLahat tayo may kanya-kanyang problema. Pero iba-iba ang sitwasyon at kung ano o sino Iilan lang ang nakakasurvive Kadalasan sumusuko. Pero sa lahat ng problema meron yung para hindi maintindihan. Isang bagay na nandito sa istorya na ito. Marahil...