30 Days Love Story (One Shot Story) VhongAnne

1.8K 34 7
                                    

Ako si Anne, magkakabarkada kmi nila Vhong, Vice, Karylle, Billy at Nikki.. lahat sila ay couple maliban sa amin ni Vhong.. kaya kadalasan kami laging dalawa ang laman ng tuksuhan.. magind kmi na lang daw. tinatawanan lang namin ni Vhong ito. Isang araw nagkayayaan kaming magkakabarkada na tumambay sa isang park..

"Ang sweet nila noh" sabi ko kay Vhong.. nandito kasi kmi sa park at nakaupo lng sa isang bench dahil sila Vice at Karyyle ay naglalambingan ganun din sina Billy at Nikki.. 

"Oo nga eh, kakaingit" sagot naman ni Vhong sa akin.. nakaupo lng kami ni Vhong dito at nganga kaming dalawa.. maya maya biglang tumayo si Vhong at may sinabing "Ano kaya kung magdare tayo?"

"ano namang dare?" sagot ko kay Vhong. "Magiging girlfriend kita sa loob ng 30days." tugon naman ni Vhong sa akin.. nagaalingan ako sa umpisa pero naisipan ko na din na pumayag dahil wala namang mawawala sa akin.

"Sige dare." sagot ko kay Vhong. "Deal" sabay namang sabi ni Vhong.

Day 1: ginawa namin ni Vhong yung mga typical na date ng mga couple.. nagsimba kame tapos nanood ng sine at kumain sa isang restaurant. first time namin ginawa nito ni Vhong na kami lang ang magkasama.

Day 7: makalipas ang linggo, mas lalo ko pang nakilala si Vhong. Mabait pala siya at gentleman pa. Mas nakilala ko siya ng buong buo.

Day 15: nagmovie marathon kami sa bahay namin kaming magkakabarkada. nagenjoy kaming lahat, lalong lalo na kmi ni Vhong. nakasandal ako sa balikat nya at naka akbay siya sa akin.

Day 20: hinatid niya ako sa school at sinundo pauwi. magka holding hands kaming dalawa pauwi at nilibre niya pa ako sa mga streets food sa daan. nagiging masaya ako kahit na alam kong laro lang ang lahat ng ito.

Day 25: namasyal kami ng umaga at nagexercise na din. pawis na pawis ako at pinunasan niya ang noo ko.. tapos nagpicnic na rin kami at kumain na din kami ng pagkain siya mismo ang nagluto.

Day 28: nagkayaaan nanaman ang barkada at magkaholding hands kaming naglalakad. nakaramdam ako ng sparks at unti unti na din akong nalulungkot kasi paparating na ang deadline namin.

Day 30: ito na ang huling araw namin. kaya gusto ko nang sulitin ang lahat na meron kami. magkikita kami sa park kung saan nagsimula ang lahat sa amin.

"Anne. anong gusto mong kainin?" tanong ni Vhong sa akin. "kahit ano na lang Vhong". umalis na si Vhong. pero nagdaan ang limang minuto pero hindi pa din bumabalik si Vhong. nagintay pa ako ng mga ilang minuto pero hindi na dumating si Vhong. kaya hinahanap ko na si Vhong.

"Ale, may nakita po ba kaung lalaking naka polo shirt na blue, tapos taas taas po ang buhok at medyo may kapayatan?" tanong ko sa isang tindera. "Ay iha, nakita ko doon yung lalaki, may pinuntahan doon sa gitna ng park? may hinahabol daw na magnanakaw at nasaksak daw" saad ng tindera sa akin. 

"Ano po? nasaksak?" nagulat ako sa sinabi ng babae at kumaripas na ako ng takbo doon sa tinuro ng babae. sobrang kaba ko at takot dahil sa nalamaan ko. hindi pwedeng mamatay si Vhong hanggang hindi ko pa nasasabi sa kanyang mahal ko siya. wag nman sana siyang kunin sa akin agad. pagdating ko doon sa lugar. ang daming mga taong nakikiisyoso. hindi ko makita ang tinitignan nila pero pinilit ko pa din makakapasok. 

"excuse me po, makikiraan please." sabi ko sa mga tao para makadaan ako. pagdating ko sa gitna. may nakita akong sulat sa nakalagay sa sahig. kinuha ko ito at binasa.

"Anne, Salamat sa 30 days na masasayang araw na nakasama kita, sobra kong naging Masaya at na-realized ko kung gaano ka kabait at kaganda.At nahuhulog na ko sayo. At gusto ko sanang maging girlfriend ka na. At tapusin na ang larong ito.

                                                                                                             I love you,

                                                                                                               Vhong

 napaiyak ako at tumulo na ang luha ko. kasabay nito ang pagtugtog ng isang kanta. 

Bakit kapag tumitingin ka natutunaw ako, 

Bakit kapag lumalapit ka kumakabog ang puso ko

Bakit kapag nandito ka sumasaya araw ko

Lahat ng bagay sa mundo parang walang gulo

Bakit kapag nakikita ka parang nasa ulap ako

Bakit kapag kausap kita nauutal-utal sayo

Bakit kapag nandito ka nababaliw ako

Nababaliw sa tuwa ang puso ko

Chorus

Sa isang sulyap mo ay nabihag ako, para bang himala ang lahat ng ito, 

Sa isang sulyap mo nabighani ako, nabalot ng pag-asa ang puso, 

Sa isang sulyap mo nalaman ang totoo, ang sarap mabuhay punung-puno ng kulay, 

Sa isang sulyap mo ayos na ako, sa isang sulyap mo, napa-ibig ako

Bakit kapag kasama kita ang mundo ko'y nag-iiba

Bakit kapag kapiling kita ang puso ko'y sumusigla

Bakit kapag nandito ka problema ko'y nabubura

Ikaw ang aking pag-asa at ang tanging ligaya

(REPEAT CHORUS 2x)

sa isang sulyap mo, ayos na ako

Sa isang sulyap mo, napa-ibig ako... 

nakita ko si Vhong na kumakanta papalapit sa akin. nakita ko na may hawak din siyang bulaklak. nakita ko din ang aming barkada na nasa likod at kinikilig sa aming dalawa..

"mahal kita Anne" sabi ni Vhong sa akin. sobrang iyak na ako at sobrang kilig na din.

"aray ko" daing ni Vhong sa akin dahil nakatikim lang naman siya ng isang sampal sa akin. "nakakainis ka, pinakaba mo ako. akala ko nasaksak ka na talaga. dinamay mo pa si ate" inis kong sabi kay Vhong habang pinaghahampas ko siya sa dibdib. sobrang kinabahan talaga ako at tuloy pa din ang agos ng luha sa aking mga mata 

"sorry anne" hingi ng paumanhin sa akin ni vhong. "akala ko nawala ka na talaga, akala ko may nangyari nang masama sayo. akala ko mawawala ka sa akin na hindi ko pa nasasabing mahal kita." sabi ko kay Vhong.

pagtingin ko kay vhong halatang nagulat din siya sa sinabi ko. pero nakita ko din siyang ngumiti. "Mahal na mahal kita Vhong." saad ko kay vhong sabay yakap sa kanya ng mahigpit. "mahal na mahal din kita anne, kaya tapusin na natin ang larong ito at gawin na nating totoo, will you be my real girlfriend this time Anne?" sabi ni vhong sa akin habang nakaluhod. sobrang kilig na ako at napapaiyak pa din at the same time. tumingin muna ako sa mga barkada namin at nakita ko na nakangiti sila at tumungo.

"oo naman Vhong." sagot ko kay Vhong.

"YES!!!. I LOVE YOU ANNE." sabi ni Vhong sa akin.

"I LOVE YOU TOO." sagot ko kay vhong. and our lips met. we kiss passionately at narinig ko nalang na nagsisigawan na ang mga tao.. well i don't care kahit na maraming tao basta masaya kami ni vhong.

sino magaakala na nagsimula lang ang love story namin sa isang dare. pero ngaun masasabi ko na kahit isang laro lang sa simula. atleast nakita ko pa din yung lalaking para sa akin. sa loob ng isang buwan, nahanap ko ang lalaking para sa akin, pang habang buhay.. 

" I LOVE YOU ANNE" 

" I LOVE YOU TOO VHONG" and we kiss once again. 

---------------------------------------------------------------------

aun.. one shot pero parang bitin hahaha.. naisip ko lang gawin.. 

Compilation of One Shot Stories of VhongAnneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon