Hello! Unang story ko nga pala. Sana ayos lang? Balak ko sanang maging Romance - Sci-fi 'to, pero.. Ewan. Huehue. Sana magustuhan niyo. Suggestions? Sigi lang po, comment niyo lang. :')
_______________________________________________________
Ako si Mariel, Mariel Santos. Ang bida ng kwentong 'to. 5'2" ang height, black na mahaba ang buhok, asul ang mga mata, may pagkapayat., pero siguro, maaari narin nating tawagin katamtaman, nakabrace, at nakasalamin. Lilipat ako ngayong pasukan sa isang semi-private na paaralan dito sa Bulacan dahil sa trabaho ng tatay ko. Lagi akong top 1 noon sa paaralan ko sa Manila, ganoon rin kaya ngayon sa bago kong paaralan?
"Aalis na po ako, Ma, Pa." Nagmano ako sakanila.
"Sige, mag-iingat ka anak." Sabay nilang sagot sa akin.
Nilalakad ko lang ang paaralan ko dahil medyo malapit lang naman 'to sa amin. Ako lang mag-isa ang naglalakad, kaya eto, medyo "loner" ang pakiramdam ko. Wala akong kilala dito dahil kalilipat lang namin noong isang linggo.
Makalipas ang ilang minuto ng paglalakad, narating ko na ang eskwelahan ko.
"Wow." Napanganga ako sa dami ng tao.
Malaki-laki rin ang eskwelahan ko. May apat na palapag at tatlong gusali. Mayroon ding gym sa gilid.
Pumunta ako doon sa may bulletin board at hinanap ko kung saang section ako.
"Santos, Mariel... Santos, Mariel..." Pabulong kong sinasabi habang naghahanap.
"Santos, Mariel.. Grade 8, Diamond." Sinabi ko ng makita ko na kung saang section nga ako.
Tumambay muna ako doon sa gilid, nagmasid-masid sa paligid, para masanay narin ako ng kaunti sa bago kong paaralan. Pumunta narin ako sa section ko maya-maya at baka mahuli pa ko sa klase ko.
Pagpasok ko sa room ay iba't ibang 'di pamilyar na mukha ang nakita ko. Humanap ako ng libreng upuan at doon naupo. Sa dulong upuan sa harapan ako nakaupo. Nandoon lang ako, nakaupo, nagpe-penspin habang 'yung mga ka-klase ko sa gilid at likod ay nagdadaldalan.
"Hindi ako maka-relate." Sabi ko sa sarili ko.
Nakaka- "OP" nga namang tunay o "Out-of-Place" kapag bago ka sa isang lugar. Hindi ko alam kung ano 'yung pinaguusapan nila at hinidi ko rin naman sila kilala. Medyo nakakahiya naman kung lalapit akong bigla at sasabihing, "Hello! Ako nga pala si Mariel, pwede bang makipagfriends?" Ano 'to? Grade 2? HAHAHAHA! No. Just no.
Maya-maya ay pumunta na sa harap ang homeroom teacher namin. May katandaan na, siguro nasa 60 na? Itim parin ang buhok niya, maikling itim, kasing tangkad ko, kulubot-kulubot ang balat, nakasalamin, at mukhang masungit.
"Good morning everyone. I'm Ms. Ma. Carolina Pascual. Nice to meet you." Bati at pakilala niya sa'min. At aba, "Ms." daw siya a. Ibig-sabihin walang asawa. Mukhang matandang dalaga pala 'tong si Ma'am.
"I won't bother to tell you to go in front and introduce yourselves. It'll cost us a lot of time. So instead, get a 1/4 sheet of paper and put your name, age, address, and contact number." Sabi niya ng may pagkastrikto.
"Ma'am 1/4?" Tanong ng isang kaklase ko sa likod.
"Ma'am! Pakiulit nga po." Hirit naman nung isa pa sa likod.
"Aren't you listening?! Get a 1/4 sheet of paper and put your name, age, address, and contact number!" Sabi niya ng galit.
"Y-Yes Ma'am." Sabi ng buong klase.
At ayun nga, kumuha na kami ng papel at sinulat ang mga kailangan. May naririnig pa kong bulungan tulad ng,
"Ang taray naman ni Ma'am!"
"Psssst, pengeng 1/4."
"May extra ballpen ka ba? Kahit lapis nalang o."
"Ano ba 'to? Nakakatamad naman, kakapasok lang sulat agad!"
At marami pang iba. Masyado ng common ito sa mga hayskul. Hingi dito, hingi doon. Reklamo dito, reklamo doon.
Makalipas magpasa ng lahat ng kani-kaniyang mga papel ay inorient kami ni Ma'am Carolina. Mga school rules & regulation, mga minor & major offense, mga iba't ibang importanteng lugar sa campus (e.g. Library, CR, Canteen, Gym, etc.) at iba pa. Natapos ang first half ng araw namin sa orientation na 'yun.
Eto, lunch time na. Pumunta ako ng Canteen at bumili ng makakain. Kumain akong mag-isa dahil wala pa nga akong kilala. Pagkatapos kong kumain ay umikot-ikot ako sa campus. Napadaan ako sa Science lab at nakita kong bukas ang pinto. May nakita akong isang estudyante. Nakatalikod siya kaya hindi ko masyadong maipaliwanag ang itsura niya. Nandoon siya sa loob, may hinahalong mga chemicals.
"Pssst, anong ginagawa mo diyan? First day palang a." Sabi ko sakanya ng mahina.
Lumingon siya sa'kin. Ang lumingon sa'kin ay isang.. Hmmm, pwede na nating sabihing gwapo. Isang gwapong lalaki ang nandito sa loob ng lab. May mahaba siyang itim na buhok, na parang katulad sa isang koryano. Matangkad siya, siguro nasa 5'9", brown eyes, at may katamtaman na pangangatawan.
Tinignan niya ko saglit, pagkatapos ay pinagpatuloy niya na ang ginagawa niya. "Bagong lipat ka?" Bigla niyang tanong.
"A-ako? Oo. Mariel Santos nga pala." Pakilala ko sa kanya.
"Aa, ganon ba. Sige. Pwede ka ng umalis." Sabi niya sa'kin.
"Ha? Umalis? Bakit? Sa'yo ba 'tong Science lab? At isa pa, first day palang ng school nandiyan ka na agad sa lab, hindi ka ba papagalitan ng mga teachers?" Sabi ko ng may pagkainis.
Lumingon siya ulit, tapos ay pinagpatuloy niya lang ulit 'yung ginagawa niya. Wala na siyang ibang sinabi, kaya umalis nalang ako at pinagpatuloy ang pagiikot-ikot. Nakakahiya naman kung unang araw palang, may makakaaway na agad ako, di'ba?
Napagod lang rin ako kakaikot sa Campus, wala naman akong napala. Kaya eto, babalik nalang ako sa classroom. Nang paakyat na ko sa hagdan, may nakabangga ako at muntikan ng mahulog. Buti nalang ay nakahawak agad ako sa hawakan.
Lumapit 'yung nakabangga sa'kin, "Mariel, sorry! Ayos ka lang?" Sabi niya.
Pagtingin ko sakanya...
"Ikaw?!"
___________________________________________________________
![](https://img.wattpad.com/cover/7688913-288-k903857.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang magulong LOVESTORY.
Teen FictionAng magulong lovestory ni Mariel, isang matalino at masipag na estudyante. May mas ikagugulo pa kaya ang storya ng buhay niya?